Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter9


CHAPTER 9

Bigla akong kinabahan. Seryoso kaya siya? Natahimik ako. Hindi nako nakakibo sa usapan. Lumipad ang isip ko. Napadpad kung saan saan.

“Tol.”

Huminto kami sa gilid ng daan.

“Tol okey kalang?” tanong niya.

Tumango ako.

“Ah.”


~~+~~


“O Mark. Masyado yatang maaga ang uwi mo? Nakakapanibago.”

“Yah, kayo naman.” sagot ko.

“Tita, ako po si Kevin Huget. Muka pong nakalimutan akong ipakilala ni Mark sai nyo.”

“Kung ganito naman ka gwapo ang dadalaw dito Mark, kahit araw-araw walang problema.” hirit ni yaya.

“Tita, eeto po. Binili po talaga namin yan ni Mark para sa inyo.” sabay abot ng Jollibee na tinake-out namin.

“Salamat anak.”

“Liligawan ko po si Mark.”

“Gago.” sabi ko.

Natawa si yaya.

Inakbayan ko si Huget. Hinatak ko na siya papalayo, pataas papuntang kwarto ko.

“Akyat lang po kami sa taas yah. Mamaya lang po uuwi nato.” sabi ko.

“Tita, hindi po. Baka gabihin na po ako. Isama nyo po ako sa hapunan niyo. May importanteng pag-uusapan po kami ni Mark.”

“Sige.” nalang ang nasabi ni yaya.


***


“Okey ka lang ba?”

“Ok lang ako bro.”

“Kwento mo na yan.”

“Mukang aalis na ata si Mareil.”

“Saan pupunta?”

“Dubai. Naga-apply kasi siya nuon dun. Akala hindi na niya itinuloy.”

“Papayagan mo?”

“Oo. Matagal na niyang pangarap yun.”

“Matatagalan ba siya ba siya dun tol?”

“Ewan ko. Malamang ganon na nga. Hindi ko alam kung kaya kong hindi siya makita ng ganon katagal.”

Inakbayan niya ako. “Kaya mo yan.”

Tumango ako. “Salamat.”


~~~+~~


“Hindi na ba talaga kita mapipigilan?”

“Handa na ang lahat hon.”

“Kelan alis mo?”

“Limang araw mula ngayon.”

“Ang bilis naman.”

“Oo nga eh.”

“Paano tayo?

Hindi siya kumibo.

“Pati ba naman ikaw, iiwan ako.”

Naiyak na siya.

“Wag ka naman ganyan hon. Mahirap din naman sa part ko.”

Niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan ko siya.

“Ingat ka dun. Umuwi ka kapag naho-home sick kana.”

“Love you hon.”

Hinalikan ko ulit siya. Patuloy ang pagbagsak ng luha niya. Pinipilit kong maging malakas sa harap niya para hindi siya masyadong mahirapan pag alis niya. Malayo ang Dubai. Hindi biro ang gagawin niyang sakripisyo para sa kinabukasan niya at sa kanyang pamilya. Kakayanin kong magpakatatag. Kakayanin kong maghintay para sa kanya.


~~+~~


Araw-araw kaming magkasama ni Mariel. Araw-araw kaming nasa labas. Sinusulit ang bawat minutong magkasama. Madalas namin kasama si Huget. Madali silang nagkapalagayan ng loob. Kwela si Huget kaya masaya lagi Mariel. Marami silang napagkwentuhan. Marami kaming masasayang pinagsamahan sa limang araw naming magkakasamang tatlo.


“Drama kana naman tol.”

“Loko.”

“Tatlong linggo na yun tol. Mabalis lang ang araw. Bukas makalawa, nandito na naman siya. Magkasama na naman kayong dalawa.”

Napangiti ako.

“O ayan. Ganyan sana. Kung lagi ka bang ganyan. Kapag nakabusangot ka kasi, para kang sanggano. Hahaha.”

“Eto gusto mo?” umamba ako ng suntok pero nginitian lang ako ng loko. Sinakal ko siya. Gumanti naman naman siya.

“Pare, salamat ha.”

Inakbayan niya ako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento