Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter42


CHAPTER 42

Natigilan ako ng ilang minuto, litong-lito sa kung ano ang gagawin ko. Sa gitna ng mga nakabiting katanungan sa isip ko, bigla-biglang nanumbalik ang mga alaala ng kahapon kasama siya. Mabilis na dumaan ang mga yun, saglit lang pero tumagos sa puso ko.

Tinawagan ko siya para makausap ng mas maayos. Namiss ko ata bigla ang isang Mariel Santos.

Oh. bungad na salita palang mula sa kanya, alam kong may dinaramdam siya.

Wag ka naman ganyan. Diba sabi ko sayo ayoko na umiiyak ka?

Bad ka kasi eh.

Sabi ko pa sayo dati ayoko ng nagbe-baby talk ah.

Sorry.

Ayoko rin ma-drama.

Hahaha.

Good.

Tiniis kong maging malayo sayo dahil---

Psst. Ayan ka na naman. Hindi mo na kailangan na sabihin yan dahil naiintidihan kita... naiintindihan na kita. Basta. Kwentuhan mo nalang ako.

Hmmm. Nang ano naman?

Kahit na ano. Mga bagay na hindi ko alam... tungkol sayo.

Meron ka pa bang hindi alam?


Basta. Basta. Marami pa.

Alam mo nabang miss na miss na kita ha?

Patay don!

Matagal kaming nagka-usap. Samo't-saring mga napagkwentuhan... may mga binalikan... may mga bago at may mga wala lang.

Bumalik ako sa kama ng magaan ang pakiramdam.


***


Gumalaw ako pakaliwa, pakanan. Humilig ng konti at nag-unat. Bumangon at umupo sa kama habang ang mga mata ay nakapikit parin. Naghikab. Nag-unat ulit.

“Good morning!”

Nananaginip pa yata ako.

Kinuskos ko ang mga mata ko, dumilat, nasilaw sa liwanag. Kinuskos ko ulit. Eto na yata ang epekto ng kulang sa tulog.

“Mukang napuyat ah.” sabi ng nakaupo sa harapan ko.

Minulagat kong mabuti ang mga mata ko. Tinignan ko mabuti ang nasa harap ko.

“Maghilamos ka muna. Puro muta ka pa. Tssk.” siya ulit ang nagsalita.

“Buset ka. Ikaw lang pala.”

“Bakit? Ayaw mo ba ako makita?”

“Akala ko kasi kung sino na.”

“Sino ba kasi ini-expect mong makita?”

“Wala.”

“Ako?”

“Konti. Hehehe.”

“Oh eto para sayo.”

“Yan na naman? Baka naman pag tuntong ko ng trenta mamatay na agad ako sa sobrang taas ng cholesterol.”

“Naman Mark.”

Itinaas niya ang kanyang kanang paa na natapilok kagabi.

“Oh bakit puro balot yan?”

“Binendahan ko ng tatlong rolyo. Hinigpitan ko tapos nilagyan ko pa ng medyas. Pinilit ko kahit na masakit pang ilakad makapunta lang dito tapos... tapos eto. Ang aga kong gumising hano.”

“Awww. Cenxa na ha. Tara eto hati tayo.”

“Para talaga sayo yan. Kumain nako kanina pa.”

“Ah. Kanina ka pa ba dito?”

“Yup.”

“Owws?”

“Oo nga. Ang sarap ng tulog mo eh kaya hindi na kita ginising.”

“Teka punta muna ako ng banyo. Nakakahiya naman sayo.”

“Sige. Buti naman.”

Naghilamos ako. Nag toothbrush. Nag-ayos ng buhok. Natagalan ako sa loob.

“Bakit mo pa pinilit na puntahan ako dito. Edi sana ako nalang ang pumunta sa bahay niyo.”

“Eh mukang problemado ka eh. Nag e-emo-emo kana kasi kagabi. Hindi tuloy ako mapakali kakaisip sayo.”

“Ke-vin... Alam mo nakausap ko si Mariel kagabi.”

“Oh.”

“Uuwi daw siya.”

“Masaya ka?”

Tumango ako.

“Kelan?”

Umiling ako.

Ilang segundo kaming natigilan.

“Kevin.”

“Oh.”

Kami na ulit.” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento