Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter48


CHAPTER 48

Mark... pwede ba kitang makasama... kahit ngayon lang.”

Hindi ko nakita kung paano niya binitawan ang linyang yun pero malinaw naman na nakuha ng mga tenga ko ang sinabi niyang yun.

Hinatak ko ang case na nasa ilalim ng lamesa at kumuha ng dalawa... dalawang bote ng serbesa. Sinubukan ko buksan ang isang bote gamit ang ngipin ng tansan ng pangalawa.

“Oh eto.” sabi ko. Inabot ko sa kanya. Lumapit siya at hinatak ang upuan sa gilid ko, umupo siya sa harap ko at kinuha ang bote ng San mig na inaabot ko. Lumagok agad siya ng isa.

“Merry Christmas Mark.”

“Hindi merry ang Christmas ko.” napakunot siya ng nuo. Hindi ko alam kung nalalasahan parin niya ang pait ng alak o mapait lang talaga ang naging sagot ko.

“Bakit naman?” tanong niya. Halatang medyo nag-aalangan pa siyang magsalita.

“Tignan mo naman ako. Muka bang akong masaya?”

Hindi na nakakapag-preno ang bibig ko dahil siguro sa dulas ng alak na umakyat na sa utak ko. Naka ilang bote narin kasi ako, tatlo na ata, pang-apat ang hawak ko.

Tumungga ulit siya ng isa, matagal. Narinig ko ang sunud-sunod na lagok na umagos sa kanyang lalamunan.

“Mark... ano Christmas wish mo?” tanong ulit niya. Hindi pa naman siya lasing pero ang kulit na niya.

"Ang kulit mo. Uminom ka nalang jan."

Uminom ulit ako. Medyo mainit na yun. Hindi na swabe sa panlasa ko. Hindi ko na yun inubos. Hinipo ko ang natitirang mga bote ng alak sa case sa gawing paanan ko. Ganon din, medyo mainit narin.

Tumayo ako. Tumalikod at dumiretso sa loob.

“Oy saan ka pupunta?” tanong na naman niya.

Sumenyas ako. “Kukuha lang ng ice cubes.” sabi ko.

Bumalik ako sa ha-rapan namin ni Kevin dala-dala ang pitsel na may yelo. Nagbukas ako ng dalawang bote at ibinuhos sa pitsel na hawak ko.

"Itabi mo na yang iniinom mo. Hindi na masarap yan. Hindi na malamig."

Nilabas ko sa bulsa ko ang baso na kinuha ko, dalawa, tig-isa kami.

“Isang baso nalang gamitin natin. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan.” sabi niya.

Napangiti ako. Oo nga naman.

Tinabi ko nalang sa gilid yung isang baso at ang isa naman ay nilagyan ko na ng alak. Mamuno-muno yun dahil sa kanya ko ibibigay ang tagay.

“Dahan-dahan lang Mark baka kasi malasing agad tayo. Gusto kong sulitin ang gabing 'to kasama ka.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Mukang simpleng pangungusap lang naman yun pero parang hindi ko gaanong naunawaan ang nilalaman.

Binawasan ko ng kalahati ang baso na kanina ay puno. Kinuha naman niya pero hindi niya agad ininom.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... ano Christmas wish mo?”

"Ang kulit mo. Para kang bata na tanong ng tanong." sabi ko. Tinignan ko siya. Seryoso ang kanyang mukha.

Napakamot tuloy ako. Tumingin ako sa poste ng ilaw sa kalsada na natatanaw ko... napa-isip.

“Ah...” umiling ako. “Hindi ko alam. Ikaw?”

“Sana maging masaya kana.”

Napabuntong hininga ako. Ang lakas ng tama ng sinabi niya nayun, mas malakas pa sa tama ng alak na nainom ko.

“Salamat Kevin, pare.” nalang nag nasabi ko. Ngumiti ako kahit na mapungay na ang mga mata.

“Masaya nako. Kasama na kasi kita.” dagdag ko.

Ininom na niya ang baso na kanina pa naghihintay sa kanya. Kinuha ko ang pitsel at nagbuhos ulit ako. Itinaas, tinignan ko, mataas ang alak sa baso. Pinanindigan ko yun gaya ng paninindigan ko na wag siyang kalimutan... tinungga ko ang punong baso ng diretso.

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay. Tinitigan niya ako ng seryoso.

“Namumula kana.” sabi niya.

“Kevin... totoo ba... yung sinabi mo nun sa mall. Nung isang isang isang araw ata yun.” tanong ko, paputol-putol.

“Nung twenty one.” sagot niya.

“Oo. Nung Twenty one nga.”

“Ano ba don?”

“Sinabi mo kasi na parang hindi naman ako ganun kahalaga sayo.”

“Ah...”

Natigilan ako. Napayuko bigla at napatitig sa baso.

“Hindi totoo yun. Sabi ko lang yun.” sagot niya.

Napangiti nalang ako kahit na nakatago ang mukha ko.

Nakalimutan ko, sa kanya na pala ang ikot ng baso. Nagbuhos ulit ako, naparami ulit. Hindi ko na ata makontrol ang sarili ko. Lumalakas na ata ang sipa ng alak sa katawan ko. Nahihilo nako.
Babawasan ko sana pero agad naman niya yun kinuha. Ininom niya yun ng straight.

Nagbuhos ulit ako. Pinuno ko ulit ang baso pero itinabi ko muna yun sa gilid para maya-maya inumin.

“Hindi ko alam kung ano meron sayo. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Alam ko mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa kanya.” lumalakas na ang loob ko. Mas nagiging malakas habang dumadami ang baso ng alak na naiinom ko pero ang luha ko, hindi ko na napigilan na muling pumatak. Mahirap pala kontrolin yun ng basta tapang lang.

Pinunasan ko ang mga mata ko ng braso. Kinuha ko ang baso na na puno ng alak sa tagiliran ko, naubos ko yun ng isang lagukan.

Tuluyan nakong bumigay. Naghalo-halo ang emosyon, tama ng alak at pagod. Naramdam kong unti-unti ng bumibigat ang katawan ko kaya dumukdok ako sa lamesa sa harapan.

Ilang sandali pa lumapit na siya sa akin. Kinuha ang isang kamay ko at nilagay yun sa balikat niya. Itinayo niya ako. Tumayo kami ng sabay.

“Tama na Mark. Magpahinga kana.” sabi niya. Ang boses niya, kakaiba.

Wala na akong nagawa pa. Sumunod nalang ako sa pag-hakbang ng kanyang mga paa. Dahan-dahan, narating namin ang kwarto ko ng magka-akbay.

Nahiga agad ako sa kama habang siya ay bumaba pa para isara ang naiwang nakabukas na pinto. Bumalik naman agad siya at umupo sa tabi ko. Hinintay ko talaga siya bago ako tuluyan makatulog.

“Kevin dito ka lang. Wag moko iiwan.”

Inabot ko ang kamay niya, hinawakan yun ng mahigpit at ipinikit ko na ang aking mata mata para umidlip.

Ilang sandali pa. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Ibubukas ko sana ang aking mga mata pero biglang dumampi ang kanyang labi sa aking nuo, bumaba sa pisngi at nanatili sa labi... matagal... ang init ng kanyang mga labi. Ang bigat ng bugso ng kanyang hininga. Hindi ako gumanti. Mas pinili kong nakapikit.

Nagsimula nang lumakad ang kanyang mga kamay, parang tubig na dumudulas sa aking katawan. Hinawakan niya ako sa balikat at muling hinalikan.

Hindi ko na kinaya. Dumilat ako, bumungad sa mga mata ko ang mukha ng puso ko... kalahati ng puso ko at siya yun... si Kevin yun. Lumaban ako. Hinalikan ko rin siya... hinalikan ko siya sa mukha niyang maamo.

Sa mga sandaling yun, wala na akong iniisip pang iba... kundi siya.

Hinubad niya ang damit na suot ko. Nagpatuloy siya ng paghalik sa aking dibdib. Bumangon ako kahit na nahihilo. Tinukod ko ang siko ko sa kama at pinagmasdan lang siya.

Naghubad siya ng pantaas. Lumapit ulit ang kanyang muka sa aking mukha, ang aming mga labi ay muling nagtama.

“Mark... ito ang pinakamasayang Pasko ko... dahil kasama kita.” bulong niya.

Hinalikan niya ulit ako. Ngayon, napapaso na ako. Napadagan ang mainit niyang katawan kaya napahiga ako ng tuluyan.

Hingal. Pagod. Pawis. Tamis. Isang gabing hindi ko makakalimutan, kahit kailan.

Niyakap niya ako mula sa dulo hanggang sa pagpikit ng mga mata ko.

"Mahal kita." ang huling mga kataga na narinig ko mula sa kanya bago ako tuluyang makatulog. Naging mahimbing ang bawat minuto ng pagtulog ko dahil alam kong kasama ko siya.


***

Ang sakit sa balat ng pagtama ng sikat ng araw. Nakabukas siguro ang kurtina sa ulunan ko. Binukas siguro ni Kevin.

Kahit na hirap pang dumilat ang mga mata, pinilit ko ibukas ang mga yun at itinuon sa kaliwang bahagi ng kama kung saan siya nakahiga. Wala.

Kinuskos ko ang mga mata ko at agad bumangon. Hinanap ko siya, hinanap ko siya gamit ang aking paningin na sabik sa kanya, nananabik na muli siyang makita. Hindi ko siya nakita.

Tumayo ako, bumaba. Tanging bakas nalang ng nangyari kagabi ang aking nakita. Wala na siya.

Bumalik ako sa kwarto. Naupo ako sa kama, nag-isip ng kung ano-ano, karamihan dun puro siya.


Beep. Beep.


Hinanap ko ang cellphone ko. Natagpuan ko yun sa gilid ng kama. Ang daming nag text. Text messages galing kay Mariel, sa mga kaibigan, kay yaya, kay lola at kung kani-kanino pa. Lahat bumabati ng Merry Christmas.

May isang text na pinadala isang oras na ang nakakaraan.

Merry Christmas Mark. Wag ka na mangungulit ha. Wag kana magdadrama. Kay Mariel mo ibigay ang buong puso mo dahil siya ang karapat dapat para sayo. Mahalin mo siya dahil mahal na mahal ka niya. Ingat ka palagi. Smile. Bye.

- Kevin

Tinawagan ko agad siya pero hindi ko na siya makontak pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento