Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter55


CHAPTER 55

Oy Mark, gising. Oy.”

Ang sakit ng ulo ko dahil sa sobrang puyat.

“Inaantok pa 'ko.”

“Mag aalas nuebe na. Gayak kana. May exam ka diba?”

“Matutulog muna ako ng konti Kevin. Alas diyes y medya pa naman exam ko.”

“Wag na. Ganon din yun.”

“Hindi kasi ako nakatulog kagabi.”

“Oh bakit?”

“Kumikirot kasi ang paa ko magdamag.”

Pati puso ko.

“Umiinom kaba ng mga gamot mo?”

“Oo.”

“Ano sabi ng nurse mo? Si Mariel.”

Umiling ako.

“Oh bakit?”

“Apat na araw na niyang hindi sinasagot yung mga text at tawag ko.”

“Bakit naman?”

Natigilan ako. Mas pinili ko nalang wag magsalita. Kinuha ko ang unan ko na nasa gilid at niyakap ng mahigpit. Muli akong pumikit.

“Sige Mark, matulog ka muna. Gigisingin kita after thirty minutes, ha? Igagayak ko na yung mga gagamitin mo.”


***


“Oy Mark. Wag ka naman sumimangot. Sige ka, baka itlog ang makuha mo mamaya niyan sa exam.”

Ngumiti ako kahit kunwari lang.

“Oy teka, nag review kaba kagabi?”

“Sumakit nga magdamag yung paa ko.”

“Dapat tinext mo ko.”

"Edi nangulit ka lang. Lalo lang akong napuyat."

“Sus.”

“Mangongopya nalang ako mamaya.”


***


“Miss apat na B3. Double go large. Coke.”

“Okey sir.”

“Wait miss. Yung chicken joy niyo.”

“Yes sir.”

“Kapag ba kinain namin yun, magiging maligaya 'tong kasama ko?”

“Sir?”

“Chicken joy kasi eh. Hehe.”

Napatingin nalang ako sa kanya kahit na walang kwenta joke niya.

“Joke lang.” sabi niya.

“Sir okey napo ba?”

“Teka miss.”

“Yes sir...”

“Pahingi narin ng sabaw.”

Napaisip tuloy yung empleyado ni Jollibee.

Siniko ko si Kevin sa tagiliran. Nginitian lang ako ni loko.

“Joke lang ulit.”

Napangiti narin si Miss.


***


“Mark, ano balak mo bukas?”

“Hindi ko alam. Ikaw?”

“Si Mariel?”

“Hindi ko alam.”

“Happy Valentines Mark.”

“Ikaw?”

“Wala na kami... ni Anne.”


~~+~~


Isang araw bago ang laban kung saan ako nagkaron ng injury.


Nasa bahay ako nuon, nag do-Dota sa Garena. Pasado alas tres na ata ng hapon ng makatanggap ako ng text message mula sa hindi inaasahang pangalan. Si Anne. Girlfriend ni Kevin.


Mark.

Anne. Musta?

Busy ka?

Hindi. Bakit?

Pwede ba tayong mag-usap?

Ngayon?

Yes. Sana.

Okey. Saan ka?

Fiorgelato

Okey. I'll be there in ten minutes.


Pagpasok ko palang ng coffee shop, nakita ko na agad siya. Iilan-ilan lang ang tao sa loob. Nasa isang gilid siya, gawing dulo nakaupo. Lumapit agad ako. Nakita niya naman ako habang papalapit.

“Hi.” pagbati ko.

Ngumiti naman siya.

Kahit na nakangiting Anne ang sumalubong sa akin, hindi parin naitago nun ang nanggigilid na luha mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Madali ko yun napansin dahil yun agad ang tinitignan sa isang taong hindi ko madalas nakikita at nakakasama... mata.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang siya kaya mas pinili ko nalang na wag muna magsalita.

Ilang saglit pa...


“Break na kami.”

“Anne.” lang ang naging tugon ko.

Nagsimula ng pumatak ang kanyang luha.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ibinigay sa kanya. Agad niya yun kinuha. Nagpunas ng uumaagos na luha. Ngumiti ulit siya pero ako, nakatitig lang sa kanya.

“Sorry Mark.”

Umiling ako.

“Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Gaya ng dati, ganon parin ako sa kanya pero siya alam kong meron ng iba. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko, nararamdaman ko, hindi na ako ang nasa puso niya. Mahal ko siya kaya pinapakawalan ko na siya. Masakit. Oo masakit siguro ngayon pero mawawala rin siguro 'to. Baka. Sana. Basta masaya siya, magiging masaya narin ako para sa kanya.”

Nakatitig lang ako sa kanya. Ilang segundo ang nagdaan pero wala akong nasabi kahit isang salita.

Hinaplos niya ang aking mukha. “Huy Mark.”

Wala parin akong nasambit.

“Masaya ako dahil nakilala kita. Ikaw na bahala kay Kevin, ha? Ikaw lang ang katapat nun.”

Napatango nalang ako. Ngumiti siya. Hindi na ako nakaganti pa.

“Hope to see you again... siguro in Manila. Hehe.”

Humalik siya sa akin... sa pisngi.*

“Bye.”*

Umalis na siya habang ako ay napatingin nalang sa baba, napatulala.


~~+~~


Wala parin ako sa sarili kinabukasan. Sa unang quarter palang ng game nuon, napansin na ni Kevin na malamya ang aking laro. Ilang beses din akong nilabas ni coach sa loob ng court dahil sa sunod-sunod na turnovers na aking ginawa.


Back to the ball game!


“Mark, okey ka lang ba?”

“Yep coach.”

“Ingat ka. Yung mga talon mo, napansin ko medyo wala sa tiyempo. Ano ba ang nangyayari sayo? May problema ba? Dapat wag mo dalin dito sa laro, delikado.”

Hindi ko na pinasin si coach. Ako ang uang pumasok sa loob ng court.

Pumito na ang referee na naka pwesto sa gitna pagkatapos ay tumunog na ang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na muli ang game.

Ilang baba palang ng bola ay na steal na agad nila. Ako ang nagdadala ng maagaw ng kalaban. Hindi ko na mabilang ang nagawa kong kamalian. Sinubukan ko pang isalba ang aking pangit na laro pero nabigo lang ako.

Gaya ng pangamba nila coach, nangyari ang kinakatakutan ko... ang makakuha ng serious injury.


~~+~~~


“Oy Mark. Ang lalim na naman ng iniisip mo. Bilisan mong kainin yang fries at burger mo, may exam ka pa. Mag aalas diyes y medya na.”

Hindi ko na inubos ang pagkain. Pumasok na ako sa school. Hinatid lang niya ako dun at umuwi narin. Wala kasi siya klase nuong araw na yun. Susunduin nalang daw niya ako sa uwian ko sa hapon.


***


“Tara sa loob?”

“Hindi na. May gagawin pako.”

“Nako. Tara na.”

“Sige na. Pumasok kana.”

“Ka arte mo Huget. Tara na. Ang aga pa. Anong oras palang. Alas sais palang.”

“Oh eto.”

Kinuha ko ang inabot niya.

“Roses?”

“Ibigay mo sa kanya.”

“Ha?”

Ngumiti siya.

“Bye.”

Umalis na siya. Ako ay naiwan sa na nakatayo sa gate ng parang*tangang nag-iisip.

Agad akong pumasok ng bahay. Nakakapanibago, walang nakabukas na mga ilaw. Walang kaingay-ingay sa paligid.

Binukas ko ang ilaw. Inilapag ko ang aking bag sa maliit na lamesa sa sala. Ibinukas ko ang tv. Dahan dahan akong umupo at maingat na inalis ang AIR Cast na aking suot sa kaliwa kong paa.

Napansin ko na may nakahain sa hapag kainan. Parang may handaan. Lumapit ako. Tinignan. May ilang potahe. Lahat paborito ko.

"Happy Valentines hon."

Boses galing sa madilim na bahagi ng kusina na walang naka bukas na ilaw. Lumapit siya.

Yumakap siya. Hinalikan niya ako.

"For you." Inabot ko ang tatlong rosas na hawak ko.

"Sorry hon. I love you." sabi niya. Hinalikan ulit niya ako. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento