CHAPTER
6
Panalo kami sa game. Naipako namin ang kanilang score sa mga huling minuto ng laban. Sunod-sunod na jump shots ang pinakawalan ni Huget sa labas ng three point line. Mabilis naming nabaliktad ang takbo ng laro. Highest pointer ako na may bente tres puntos sa kabuuang game habang pangalawa naman si Huget na may bente uno. Karamihan ng puntos ko, galing sa mga assists niya. Malinis siyang maglaro. Hindi katulad ko, magaslaw. May iba siyang galaw na hindi ko masundan. Aminado ako, mas magaling siya sa akin.
~~+~~
Nag text ako sa kanya. Nagpa-alam ako sa kanya na hindi na makakapunta. Alas dos na ng umaga. Ilang sandli pa, nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.
Kanina pa kita hinihintay.
Cenxa na pare. Late na kasi lumabas si Mariel sa duty. Kain sa labas. Napahaba ang kwentuhan.
Hindi kana pupunta?
Next time pare.
Mag-isa lang ako dito.
Nasa bahay nako eh.
E ano naman. May motor ka naman.
Inaantok nako pare.
Nagluto pa naman ako ng adobo.
Nako... nakakahiya naman.
Punta kana dito. Walang kakain nato.
Next time talaga pare.
Bahala ka. Sige.
Call ended...
Takte. Antok na antok nako. Bahala na nga.
Hindi pa man ako nakakaakyat ng kwarto, agad akong lumabas para pagbigyan ang alok ng taong hindi ko pa naman gaanong kakilala.
Tinext ko na agad siya. Sabi ko, hintayin ako at papunta nako. Hindi naman na sumagot.
~~+~~
Nag doorbell ako ng sunod-sunod pero walang sumasagot. Nag doorbell pa ulit ako. Wala parin. Nagtext ulit ako. Wala din sagot. Baka tulog na. Naghintay pako ng ilang minuto sa harap ng gate nila. Nakaupo. Naghihintay sa wala. Tumitilaok na ang mga manok sa paligid. Pipikit-pikit na ang mga mata ko sa sobrang antok. Hindi ko na ata kayang mag drive pauwi. Kung mamalasin ka nga naman.
“MVP”
Napalingon ako sa likod.
“Akala ko ba hindi ka makakapunta?” tanong niya habang binubuksan ang gate.
“Nakakahiya naman. Nanghiram na nga ng sapatos, simpleng hiling hindi ko pa mapagbigyan.”
“Sus. Natalo nga ako sa pustahan diba?”
“Wala yun.”
“Tara sa loob. Ako lang mag-isa dito.”
***
“Ang laki naman ng bahay niyo.” sabi ko.
“Namana lang namin 'to sa lolo't lola ko.”
“Ah. Taga dito kaba talaga sa Pampanga?”
“Oo.”
“Hindi kasi kita nakikita. Bagong mukha.”
“Sa Manila ako nag-aaral. Kasama ko yung kapatid ko dun. Sila mommy at daddy lang ang umuuwi dito. Madalang pa.”
“Bakit nandito ka ngayon.”
“Bakasyon. Basketball. Yung liga na yun. Nabalitaan ko kasi na meron ngayon kaya nagpa-line up ako.”
“Ah...”
“Tara kain na tayo.” aya niya.
“Hindi na pare. Busog pako.”
“Sus. Niluto ko nga yan para sayo eh.”
“Di nga?”
“Oo.”
“Nagluluto ka talaga?”
“Hindi. Yan lang kaya kong lutuin. Tssk.”
***
“Masarap?”
Tumango ako.
Nilagyan pa niya ng adobong lumulutang sa mantika ang plato ko. Dinagdagan ng sangkaterbang kain.
“Pare, busog nako.”
“Sige. Kaya mo yan.”
“Hindi ako makakatulog nato.”
“Sino ba may sabing matutulog tayo.”
“Loko.”
“Joke lang.”
Natapos ang kinakain ko. Hindi na halos ako makahinga sa busog. Mas lalo pa ata akong tinamaan ng matinding antok. Nagsimula na akong maghikab ng maghikab.
Alas kwatro y medya na ng umaga.
“Uwi nako pare.”
“Dito kana matulog tol.”
“Nako, baka paluin ako ng nanay ko pare.”
“Hahaha. Ang laki mo na.”
“Biro lang. Seryoso pare, kailangan ko ng umuwi. Pano, salamat nalang?”
“Hindi pwede salamat lang. Dito kana matulog. Samahan mo nako dito.”
“Ha?”
“Wag ka mag-alala tol. Hindi kita re-rape-in.”
“Gago.”
“Joke lang tol.”
“Sige na nga.”
“Good.”
***
Malaki ang kwarto niya. Malaki ang kama. Magkatabi kaming dalawa.
“Mariel hano?”
“Oo.”
“Matagal na kayo?”
“Three years.”
“Wow.”
“Ikaw?”
“Wala.”
“Hindi ako naniniwala.”
“Oo nga. Ano ba akala mo?”
“Wala lang.”
“Na marami akong chicks?”
Napangiti ako. Nayayabang na kasi ako.
“Matagal kana naglalaro ng bola?” tanong ko para maiba naman ang usapan.
“Since first year High School.”
“Manila?”
“Yep.”
“Kaya pala.”
“Anong kaya pala?”
“Masyado ka kasing malinis magbola. Masyado kang masunurin sa mga batas ng laro.”
“Puro may officials kasi mga games namin sa Manila. Nasanay na.”
“Ganon ba. Ako kasi madalas, hindi ko maalis yung larong kalye. Simula't sapul kasi, mga tambay ang lagi kong mga kalaro. Sa kanila ako natutong humawak ng bola ng basketball.”
“Magaling ka naman eh. Napansin ko, marami kang alam na dirty tactics sa game.”
“Yun ba. Sige one time, turuan kita.”
“Wag na.”
***
Punong-puno ng posters ang kwarto niya. Kobe Bryant at LA Lakers ang karamihan.
“Pare.”
“Oh.”
“Maka Kobe ka pala.”
“Oo.”
“Lebron kasi ako.”
“Nako. Magkaaway pala tayo. Kaya pala sagasa ka kung maglaro, parehas kayo ng idol mo.”
“Loko. Si Kobe nga buwakaw eh.”
“Buwakaw nga pero sureball naman. Siya ang next Jordan.”
“Hindi ako sang-ayon jan pare. Nagkakamali ka.”
“Ikaw ang nagkakamali tol. Malayong-malayo si Kobe kay Lebron.”
“Hindi rin.”
“Aminin mo na tol.”
Napahinga ako ng malalim. Alam kong mababaw lang ang pinagtatalunan namin pero baka hindi ako makapagpigil, papatulan ko itong loko 'to. Hindi na ako kumibo.
“Nagalit ka na ata.”
“Tulog nako.”
“Sus. Nagalit na nga. Sige tol, daanin nalang natin sa bunong braso.”
“Ha?”
“Kung sino matalo, uutusan buong linggo.”
Nagpapatawa ba 'to.
“Tulog mo na yan pare. Antok lang yan.”
“Natatakot kaba?”
Isa pa. Nagtitimpi lang ako.
“O ano tol? Kinakabahan kaba?”
Buset. Buti nalang pinahiram ako ng sapatos nato. Pinakain pa pala ako. Pinatulog pako. Tapos aawayin ko.
Bumangon ako.
“Sigurado kaba?”
Ngumiti siya. Akala naman niya, kung gaano kalaki katawan niya. Sigurado ako mukha lang ang maipagmamalaki nato. Panigurado lampa 'to.
“Tara.” aya ko.
Humanda ka. Ibabagsak ko yang kamao mo. Sa isip-isip ko. Hindi nato alam, ako ang pinakamalakas sa bunong braso sa buong grupo.
Umupo kami sa sahig. Magkabilang gilid kami sa maliit na lamesa sa kanyang kwarto. Walang ano-ano, naglaban na ang aming mga braso.
Sa una, hindi ko pa gaanong sineseryoso. Akala ko madali ko siyang matatalo pero malakas pala si loko. Hindi ko matumba ang kanyang braso. Pinilit kong pabagsakin, pero nahirapan ako.
Ilang minuto. Isa. Dalawa. Tatlo. Talo. Natalo ako. Napalakas ang bagsak ng kamao ko. Masakit. Nakakahiya.
Patay don! Utusan ako buong isang linggo.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento