Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter38


CHAPTER 38

Umiiyak ka ba?

“Hindi ah.”

“Sus umiiyak ka eh.”

“Hindi nga. Kulit mo.”

“Tatanggi ka pa. Eh basang-basa na ng luha mo ang likod ko.”

“Napuwing lang ako.”

“Ngek.”

Kumawala na ako sa pagkakayakap sa kanya. Agad kong pinunasan ang luha na sinasabi niya. Siya naman ay hindi mapakali kakangisi. Ang sarap lang tadjakan.

Hindi na kami lumabas para mag Jollibee. Hindi ko narin siya pinauwi sa bahay nila dahil malalim na ang gabi.


“Kevin ano oras uwian mo bukas?

“Five.”

“Ah.”

“Bakit?”

“Puntahan kita sa klase mo ng alas tres.”

“Bakit nga?”

“Wag kana maraming tanong. Basta ihanda mo nalang sarili mo.”

“Para ka naman bugaw niyan. Hahaha.”

“Basta dadaanan kita bago mag-alas tres.”

“May pasok pa nga ako nun kakulit.”

“Lakasan mo nalang loob mo. Hahaha.”

“Bahala ka na nga bata ka. Kakulit mo.”

“Gisingin mo nga pala ako bukas.”

“Ako?”

“Yep. Gisingin moko ng alas otso.”

“Bakit ako? Wala ka bang alarm clock?”

“Eh baka kasi hindi ako magising ng simpleng alarm lang.”

“Kaya ako ang magsasakripisyo para sayo? Ganon?”

“Sige na. Diba may kasunduan tayo kanina sa spin the bottle. Imbes na buong linggo kita uutusan, isang beses nalang. Bukas lang.”

“Ohige. Nakakahiya naman sayo.”

“Salamat.”

Tinitigan niya ako. Nginitian ko naman siya. Ilang sandali pa ay ngumiti narin siya.

“Diba ten yung klase mo? Parehas tayo.” tanong niya.

“May mahalaga lang akong gagawin sa school.”

“Sus.”

“Ano sabi mo?”

“Ang bait mo kako.”


~~+~~

Maaga naman ako nagising este ginising ni Kevin. Nag-alarm pa daw siya para sa akin. Pag bangon ko, nakahanda na lahat ng gagamitin ko. Ni-ready narin niya lahat para papasok nalang daw ako. Swerte ko naman.

Sabay na kaming umalis. Siya ay diretso uwi sa bahay at ako naman ay sa school para sa importanteng bagay. Excited na ako para mamaya. Hindi na ako makapaghintay. Hay.

Hindi na sana ako papasok sa first subject, buti nalang naayos ko agad yung mga dapat kong ayusin. Lumipad lang ang isip ko kung saan-saan. Natapos ang dalawang oras na klase ng hindi ko namamalayan. Pag dating ng lunch break, umuwi ako ng bahay. Ginayak ang ilang mga gagamitin para mamaya.

Hindi ko narin nakuhang mag-lunch. Nalate pa ako ng thirty minutes sa unang subject ko sa hapon. Katulad kanina, ganon din naman, wala din akong natutunan. Siguro excited lang ako.

Late na kami pinalabas ng klase. Malapit na daw kasi ang examination week kaya naghahabol kami ng ilang mga naiwang topics. Kainis. Bakit ngayon pa. Ako ang kauna-unahang lumabas ng classroom at dali-daling pumunta sa building nila Kevin. Sakto naman ang dating ko... saktong nasa gitna ng klase si loko.

Kumatok ako sa pinto. Napalakas ang bukas. Natigilan ang buong klase. Mukang nagambala ko ata ang mga daga sa kanilang lungga. Dumiretso lang ako sa loob ng kwarto. Patay malisya sa kanila.

Kinuha ko sa bag yung letter. Inabot ko nalang agad yun para hindi na masyadong magtanong si titser. Muka kasing terror, mabalasik ang mukha, hanep kung makatingin at nakakatakot.

Binasa naman niya agad ang liham na inabot ko. Pagkatapos basahin ay binigyan ako ni teacher ng matinding tingin. Napalunok tuloy ako sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin.

“Mr. Huget. Good luck sa game. You're now excused.

"Thank you Ma'am." sabi ko.

Marunong naman palang ngumiti si titser.

Nanlalaki ang mga mata ni Kevin. Wala siyang ideya kung ano ang sinasabi namin. Lumapit na agad ako sa kanya.

“Tara.”

Sumama naman siya agad sakin palabas ng classroom habang ang kanyang mga classmates ay nakatingin lang sa amin.

“Anong game ba yung sinasabi nun?” tanong niya.

“Diba gusto mo lumaro sa varsity team?”

"Oo bakit?"

"Maglalaro ka na ngayon."

“Di nga?”

Tumango ako. Sobrang ngiti naman si loko. Ang saya niya pero sigurado akong mas masaya ako para sa kanya.

“Pano wala akong gamit panglaro?”

“Makakalimutan ko ba naman yun. Eto oh.”

Inabot ko yung dala kong bag. Binuksan naman niya agad.

“Bakit kulang?”

"Panong kulang ba?"

"Tig-iisang pares lang 'to."

“Hindi ako maglalaro. Ikaw ang pinalit ko sa slot ko. Maaga akong pumasok kanina para kausapin yung mga kasama ko, sila coach para maipasok ka. Pinapirmahan ko narin yung excuse letter mo kanina.”

“Hala. Bakit naman hindi ka lalaro?”

“Kumpleto na kasi yung team. Katorse na kayo. Wala ng ibang slot. Basta gilasan mo ha. Sabi ko sa kanila, the best ka.”

“Mark, para sayo yun.”

"Hindi. Para sayo 'to. Huwag mo ko tanggihan kasi magtatampo ako sayo."

"Salamat Mark."

“Oh siya tara na. Wag kana magdrama. Nagwawarm-up na siguro sila.”

Inakbayan ko siya.


***


Kalahati na ng sitting capacity ng gym ang occupied nang pumasok kami. Karamihan puro taga ibang school ang nanunuod. May mangilan-ngilan nursing students ng St. Jude ang naroon. Malamang maya-maya lang dadagsa na ang mga tao. Invitational game yun ng school namin sa kalabang school, yung school na lagi namin nakakatapat sa basketball.

Isinama ko siya sa bench ng team, sa buong grupo. Hindi naman na ako nahirapan na ipakilala siya dahil nakikita naman na siya nila sa school.

“Magbihis ka na.”

“Sigurado ka bang okey lang sayo?”

“Okey lang ako.”

“Salamat ulit Mark.”

Kinuha ko yung bag na dala niya. Binuksan ko.

Oh ayan, jersey ko ang isusuot mo. Dala-dala mo ang apelido ko kaya galingan mo.” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento