CHAPTER 21
Biglang kumabog ang dibdib ko,
palakas ng palakas, pabilis ng pabilis. Parang huling tatlong segundo sa finals
ang pakiramdam. Yung tipong lamang ang kalaban ng isa at nasa akin ang bola,
ako ang titira. Ganon. Basta.
Lumapit ako. Umupo ako, katabi niya. Inakbayan ko siya.
“Mark, bukas na uwi natin.”
“Baka kasi hindi ko matumbasan pagmamahal mo.”
“May gusto ka pa bang daanan bukas bago tayo umuwi?”
“Ingatan mo yang bracelet, ha?”
“Maaga tayo bukas. Matulog kana para maaga ka magising.”
“Pag nawala yan sasakalin kita.”
“Ano?”
“Yung bracelet.”
“Mahal kita.”
Tumalikod ako sa kanya. Humarap sa salamin. Hinagod ang buhok, inayos ang
patilya, ngumuso, nilabas ang ngipin, ngumiti.
Sumikip ang aking paghinga. Niyakap niya ako, mahigpit. Nakikita ko siya mula
sa salamin. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay na nakatali sa aking katawan.
Buong lakas kong inalis ang kadena ng kanyang pagkakayakap.
Humarap ako sa kanya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Nanginginig ang
kanyang mga labi. Hindi ko inasahang papatak ang luha niya. isa.
Umalis siya sa harapan ko, umupo sa isang gilid ng kwarto. Walang imikan.
Ilang sandali pa, tumayo muli siya. Naglakad siya. Tinignan ko lang siya.
Pumasok siya sa bukas na banyo na ilang hakbang lang ang layo sa kanya.
Binuksan ang ilaw, binuksan ang heater, binuksan ang shower.Hindi ako kalayuan
kaya nakikita ko ang bawat galaw niya. Itinapat niya ang kanyang sarili sa
ilalim ng shower. Nabasa ang kanyang buong katawan. Hindi ko alam kung ano
iniisip nya.
Buntong hininga. Naglakad ako ng ilang hakbang patungo sa kinaroroonan nya.
Kumakabog na naman ang dibdib ko. Parang sasabog. Lumapit pa ako sa kanya.
Niyakap ko siya.
“Mark---”
Hinaplos ko ang kanyang buhok, mukha, at mga labi. Hinalikan ko siya. Gumanti
siya. Hinubad niya ang basa kong damit. Hinubad ko rin ang sa kanya. Muli,
naglapat ang aming mga labi.
Habol sa paghinga kaming dalawa. Para akong nalulunod sa kaba. Gusto ko ng
tumigil pero hindi ko makaya.
“Nilalamig ako.” bulong niya sabay sa ingay ng tubig na patuloy na bumabagsak
sa aming mukha.
Natauhan ako. Nakabalik ako sa dati kong mundo.
Tumigil ako. Natigilan din siya. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha.
“Sorry.” sabi ko.
Napangiti siya sabay tango. Alam kong naintindihan niya gusto kong ipahatid.
Tumalikod ako. Lumabas ng banyo. Pumasok ako sa isang kwarto. Nagpunas ako ng
katawan. Nagbihis ng mabilis at pagkatapos ay pumunta sa sala. Binuksan ang tv
at naupo sa harap nun na parang walang nangyari.
Muntik na. Muntik na kaming dalawa. Buti nalang.
~~~+~~
Beep. Beep. Si Kevin.
Oy Mark, check mo email ko.
Sige. Mamaya.
Ngayon na.
Mamaya na. Kakulit mo.
Ngayon na kasi.
Hindi na ako nagreply. Ilang minuto, nagtext na naman siya.
Oy Mark.
Grrr. Ano ba kasi yun?
Basta tignan mo na. Hehe. Ano ba kasi ginagawa mo?
Nanunuod ako ng NBA. Replay.
Portland at Knicks?
Oo.
Nako wag mo na panuodin yan. Alam ko na
kung sino nanalo.
Wag mo sabihin. Yariin ko muna.
Sige hindi ko sasabihin na ang nanalo ay Portland. 89-91.
Pu-ta!
Sorry. Hindi ko sinasadya.
O sige na. Wag kana makulit. Check ko na email mo.
Hindi na siya nagreply.
Buset na Kevin nawala tuloy gana ko manuod ng game. Pagkahintay-hintay ko pa
naman yun.
Nakabukas naman yung computer kaya inopen ko na agad yung account ko. Ang
daming messages, karamihan galing kay Mariel. Wala naman bago sa mga mensahe
niya kaya hindi ko na nireplyan. Binuksan ko yung email ni Huget. Virus ang
subject kaya tinext ko muna siya.
Hoy Kevin anong virus?
Joke lang yun. Buksan mo na.
Baka puro kalokohan na naman yan.
Kapag hindi na ako nakapag-reply malamng
tulog na ako. Good night.
Binuksan ko yung email. May link kaya binuksan ko naman. Bumukas sa another tab
ang isang site. Photobucket account ni Kevin. Ang daming pictures at karamihan
ay kuha namin sa Baguio. MK ang name ng folder. Binuksan ko yung pictures ni
manong guard sa The Mansion, yung mga pictures namin sa Botanical Garden, sa
Mines View, sa Grotto at sa bahay na tinuluyan namin. Pu-ta may mga pictures pa
ako habang tulog, nakatalikod, nakadungaw sa labas at kung ano-ano pa. Bigla ko
namiss ang Baguio.
Paulit-ulit ko yun tinignan. Para akong tanga
na ngumingiti mag-isa.
Kinuha ko yung isang picture namin na kuha sa Mines View Park. Magkaakbay kami
na wacky shot. Ginawa ko yun desktop background ng computer ko.
Hindi ko na pinatay ang computer at
tinitigan nalang ang desktop background buong magdamag.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento