Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter24


CHAPTER 24

Wala ako sa sarili nung mga sandaling yun.

“Akala ko ba ayaw mo sa Jollibee?”

“Basta.”

“May problema ka?”

Hindi ako makasagot sa tanong niya. Magulo ang isip ko. Napansin sigurado niya ang hilatsa ng mukha ko.

“Mark ,okey ka lang?” tanong niya. Nagsimula na siyang magalala.

“Mags, mahal mo ko?” seryosong tanong ko.

“Ha?”

Nagulat siya sa tanong ko. Hindi siya makasagot, halatang nagtataka.

“Kasi ako mahal kita.” dagdag ko.

“Mark, ano ba nangyayari sayo?” mataas ang tono ng boses niya. Nagulat siya marahil sa sinabi ko.

“Gusto ko sana tayo na.” mabilis kong tugon.

“May girlfriend ka.”

“Wala na yun. Ano sex tayo?”

Sinampal niya ako, malakas at sigurado akong narinig yun ng mga tao sa paligid. Nagtinginan ang iba at ang ilan ay patay malisya. Tinitigan niya ako ng masama, nanggigilid ang kanyang luha. Bigla akong natauhan sa aking mga ginawa. Nagsimula na akong makaramdam ng matinding pagkahiya.

“Sorry Maggie.” nakayuko ako, hiyang hiya. Wala akong mukang maiharap sa kanya.

Bigla siyang umiyak.

“Mark babae ako na dapat ding igalang. Akala ko iba ka, iba sa mga bastos na lalaki jan. Akala ko hindi ka tulad nila na kung tratuhin ako ay isang laruan.”

Pinagpipyestahan kami ng mga matang nasa paligid pero hindi ko yun pinansin.

“Sorry. Hindi ko sinasadya.” nanginginig ang boses ko.

Tumayo siya, biglang lumabas. Sinundan ko naman siya pero yun nga lang hindi ko alam ang gagawin ko. Naglakad siya, naglakad palayo. Sinundan ko lang siya.

“Sorry Maggie. Magulo lang kasi isip ko kanina.” sabi ko.

Kinakausap ko siya habang naglalakad kami. Nasa harapan sya, nauuna habang ako ay nasa likuran lang niya.

“Hindi ko inaasahan na sayo manggagaling yun Mark.” umiiyak parin siya.

Binilisan ko ang paglalakad at naabutan ko siya sa tapat ng isang walang taong eskenita, sa ilalim ng isang poste ng ilaw. Hinawakan ko siya sa kamay, nagpupumiglas siya. Niyakap ko siya. Kumakawala parin siya.

“Patawarin mo ko Maggie. Magulong-magulo lang talaga ang isip ko kanina. Ikaw ang unang pinuntahan ko dahil iniisip ko na ikaw lang ang makakaintindi sa akin, sa pinagdadaanan ko. Hindi ko talaga sinasadya na bastusin ka pero tinatanggap ko ang pagkakamali ko. Sinaktan kita at hindi man lang inisip ang mararamdaman mo. Puro sarili ko lang ang inintindi ko. Nagmamakaawa ako sayo Maggie, patawarin mo ako.”

Tumigil na siya sa pagkawala sa pagkakayakap ko. Mas lalo pa siyang umiyak kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap ko.

“Gusto kita Mark, gustong gusto pero hindi dahilan yun para ibaba ko ang pagkababae ko. Hindi ko alam yang pinagdadaanan mo pero iintindihin nalang kita. Nagagawa mo lang siguro ang lahat ng 'to dahil may mabigat kang dahilan.”

Ilang saglit pa ay umupo kami sa isang tabi, hindi kalayuan sa poste ng ilaw. Nung una medyo naiilang pa kaming magsalita pero siya na ang bumasag ng katahimikan ng panimulang “Sige ilabas mo yan, makikinig ako.” Nabubulol pa ako sa kaba nung simula pero nagawa ko naman ikwento ang lahat ng nangyari at pagkatapos ay niyakap niya ako, tinapik sa balikat.

“Hindi parin sapat yan Mark para gawin mo yun pero pinapatawad na kita.”

“Salamat. Sorry ulit.”


***

Ang sakit ng puson ko. Nanghihina pa ako pero pinilit kong bumangon. Ang dami kong text at missed calls na natanggap kaya isa-isa kong binuksan. Halos lahat galing kay Kevin. Oo nga pala, pupuntahan nga pala niya ako sa bahay, nakalimutan ko. Iniwan nalang daw niya yung pasalubong niya sakin kay yaya. Ang dami niyang text na wala man lang akong reply. Hindi ko na kasi nagawang basahin yun kagabi.

Masarap parin ang tulog ni Maggie. Magkatabi kami sa higaan. Tinitigan ko siya ng matagal. Naalala ko si Mariel. Nagi-guilty ako sa mga nangyari. Naging marupok ako. Nahihiya ako sa sarili ko. Pinagpalit ko lang siya ng ganun-ganon lang.

Tumayo ako at dumiretso sa banyo. Naligo ako. Ilang beses kong sinabon ang buo kong katawan. Nandidiri ako sa mga ginawa ko.

Nagbihis na agad ako at umalis. Iniwan ko si Maggie sa motel ng walang paalam.


~~~+~~


Ilang beses pa tumawag si Mariel sa araw na yun pero hindi ko sinagot. Hindi dahil sa ayaw ko siyang kausapin kundi wala akong maihaharap sa kanya.

Ilang beses din tumawag si Kevin pero hindi ko rin sinagot. Nakahiga lang ako maghapon sa loob ng kwarto. Hindi ko na nakuhang kumain ng almusal at mananghalian.

Tok tok...

“Mark...”

Hindi ako sumagot.

“Mark hindi ka ba bababa? Kanina ka pa nakakulong jan ah.”

Nasa labas lang siya ng kwarto ko dahil naka-lock yun, hindi siya makapasok.

“Yah, mamaya nalang po.”

“Okey ka lang ba?”

“Opo.”

“Siya nga pala nakalimutan ko ibigay kanina. Eto yung pasalubong ni Kevin para sayo.”

Tumayo naman ako, naglakad, binuksan ang pintuan.

Inabot ni yaya ang isang malaking box ng brownies.

“Ang tagal ka niya hinintay kagabi.” sabi niya.

Hindi na ako kumibo kaya bumaba na rin agad si yaya. Bumalik naman ako sa kwarto ko at kinandado muli ang pintuan. Inilapag ang box ng brownies sa tabi ng keyboard ng computer at bumalik ulit sa higaan. Ilang saglit lang ang nakakaraan, may kumakatok na naman.

“Mark nandito si Kevin.”

Hindi ako sumagot. Nagkunwari akong natutulog.

Tok tok..

“Mark si Kevin 'to.”

Hindi ulit ako sumagot.

“Mark...”

Ilang beses pa niya tinawag ang pangalan ko.

“Mark alam ko gising ka. Text ka lang pag kailangan moko.” sabi niya.


~~+~~


Monday...

Hindi ako pumasok sa school kahit na may test kami sa first subject. Hindi narin dumaan si Kevin sa bahay para manundo. Maghapon lang ulit akong tumambay, sa bahay. Pilit kong kinakalimutan ang lahat.

Nagdecide na akong kausapin si Mariel. Naaawa na kasi ako sa kanya. Nasa malayo siya, malayo sa mga mahal sa buhay, malungkot at nagiisa tapos dadagdag pa ako bilang problema.

Nag-email ako sa kanya at inabot pa ng halos isang oras bago siya tumawag. Kinumusta ko siya at siya rin naman sakin. Nagkukunwari akong okey na para hindi siya masyado mag-alala. Sabi niya, hindi daw siya mapakali dahil sa pagiisip sa akin. Halata sa boses niya ang nagpatong-patong na problema na nadadala sa mga katagang sinasambit niya. Kahit milya-milya ang layo namin sa isa't-isa, alam ko, nararamdaman ko siya.

Mahigit kalating oras din kaming magkausap. Hindi kami nagkabalikan pero at least ngayon medyo maluwag na sa pakiramdam.

Napansin ko na nilalanggam na yung brownies na bigay ni Kevin kaya tinapon ko na yun sa basurahan. Sayang hindi ko man lang yun natikman. Inayos ko ang aking kama at niligpit ang mga kalat sa paligid. Binukas ko kurtina ng bintana para lumiwanag. Naligo ako, nag-ahit ng bigote at balbas... nagbihis. Alas kuwatro palang ng hapon kaya pumunta muna ako sa baba, nakipagkwentuhan kay yaya. Nang pumatak ang alas sais, lumabas na ako ng bahay.

“Miss paorder naman ng apat na B3, double go large lahat. Take out.”

Tinext ko si Kevin.

Namiss ko na si loko.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento