Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player: Chapter 3



CHAPTER 3

San kana?
Hon.
Text ka naman.
Sagutin mo naman tawag ko hon.
Anong oras na.



Oo nga, nakalimutan ko, may usapan nga pala kami ni Mariel ngayon. Agad kong tinignan ang oras. Alas tres na pala.pitong oras nakong late sa date. Putek.

Mamaya ko nalang siya siguro itetext. Iisip pa akong ng magandang palusot.

In-off ko agad ang cellphone ko. Hindi ko na binasa ang iba pang text messages galing sa ibang sender.


~~+~~


“Mark, anong oras kana umuwi kagabi?” bungad ni yaya habang pababa ako ng hagdan. Siya naman ay nakaupo sa sala habang nanunuod ng tv.

“Hindi ko na po matandaan.” sagot ko.

“Ganon ba. Sige kumain kana jan.”

“Yah, ano ba ulam natin?”

“Pinakbet.”

“Sige yah. Busog pako.”

“Ikaw talaga bata ka. Kumain ka ng gulay. Sige ka, isusumbong kita sa mama mo.”

“Basta yah, next time. Sige po alis nako.”

“San ka na naman pupunta, ha?”

“Kukunin ko lang yung motor ko. Naiwan ko kagabi sa ibang bahay.”

“Nako Mark. Baka kung ano-anong kalokohan yang mga pinaggagawa mo ha.”

“Ikaw naman yah.”

“Anong oras ka uuwi mamaya?”

“Hindi ko po alam. Wag niyo nako hintayin.”

Hinalikan ko siya sa pisngi sabay sibat ng mabilis.

Matagal na namin siyang kasama sa bahay. Nuong magdesisyong lumipat sa Canada ang buong pamilya pwera ako para manirahan, kaming dalawa nalang ang laging magkasama sa bahay kaya parang nanay na ang turing ko kay yaya Rosie. Lagi niya akong pinagtatakpan sa mga kalokohan sa nanay ko. Siya lagi ang kakampi ko kahit nuon na nandito pa ang buo kong pamilya. Kapag papaluin ako nung bata ako, sakanya ako madalas tumakbo.


~~+~~


Madali ko naman nakuha ang iniwanan kong motor. Nalasing kasi ako kagabi. Naparami ang inom kaya mas minabuti ko nalang na magpahatid sa isa kong kasamahan sa bahay.

Dumaan ako sa isang Jollibee malapit sa amin.

“Miss dalawang order ng B3, double go large, dine-in at isang order ng B1, regular coke and fries, take out yun.”

“Okey sir.”

“Miss teka.”

“Sir?”

“Jen pala pangalan mo.”

“Bakit po?”

“Sa name tag mo.”

“Ah. Yes sir.”

“Bago ka dito no?”

Tumango siya. Nagtataka ang reaksiyon niya.

“Ngayon lang kasi kita nakita eh.”

Ang ganda ng ngiti niya. Napangiti narin ako sa kanya. Kumpleto na naman ang araw ko. Hay. Hanep lang sa trip.

Madalas akong kumain kay pareng Jollibee. Minsan kasama ko si Mariel o kaya ibang mga kaibigan pero madalas ako lang mag-isa. Dito ako lagi tumatambay kapag walang magawa sa bahay o sa buhay-buhay.



~~+~~



Habang nasa byahe papunta sa Ospital kung saan nagtatrabaho si Mariel...


Mabilis ang takbo ko sa daang wala halos sasakyan. Mabilis din ang takbo ng isip ko na gumagawa ng isang malupit na palusot. Sigurado kasi na nagtatampo ngayon si Mariel sa hindi ko pagsipot kanina. Malay ko ba na hindi ako magigising. Hay.

Hindi ko napansin ang malaking truck na kasunod ko. Nawala sa isip ko. Nakatutok na pala ako masyado sa likuran ng sasakyan. Nag menor naman agad ako pero biglang nawalan ako ng control sa manebelang hawak ko. Huli na ang lahat dahil pabagsak na ang motor na sakay ko kaya minabuti ko nalang yun na kabigin pakanan. Sumadsad sa gilid ng daan. Kung mamalasin ka nga naman.

Tumulapon ako may ilang metro mula sa pinagbagsakan ng motor. Nakapahiga ako sa gilid, sa damuhan. Nakatingala lang sa itaas. Natatakot akong bumangon para tignan ang katawan ko. Kinakabahan akong baka may tama o kung ano man.

Bata pa ako at marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. Kung ito ang pangalawang buhay ko, pinapangako ko magpapakabait nako.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento