CHAPTER 43
Ngumiti siya.
“Ah... Ganon ba.” tugon niya.
“Sinasabi ko 'to dahil ayokong maglihim sayo.”
Hindi siya kumibo. Tinitigan lang niya ako. Kahit hindi siya magsalita, nararamdaman ko naman ang mga mata niya, malalim pero may sinasabi, malabo pero nababasa ko.
Nilapitan ko siya, tinabihan, inakbayan. Tinitigan ko ang kanyang mukha ng malapitan.
“Mahalaga ka sa akin Kevin.”
Hindi ulit siya nagsalita. Inalis niya ang kamay ko na nakaakbay sa balikat niya. Dumasog siya ng kaunti papalayo sa akin.
Sinundan ko siya. Dumasog ako palapit sa kanya. Inakbayan ko ulit siya ng mas mahigpit kaysa sa kanina.
“Ano ba. Nasasakal ako.” naiirita niyang sambit.
Hinawakan niya ako sa kamay, pilit niyang inalis ang aking akbay. Lumaban ako pero nagawa parin niya yun tanggalin.
“Sorry Kevin.”
Tumayo na siya at inayos ang nagusot na manggas. Tumalikod siya at humakbang papalabas.
“Oh saan ka pupunta?”
“Uuwi na.”
Tumayo agad ako, hinabol siya. Hinakawan ko siya sa braso para pigilan.
“Teka. Dito ka muna.”
Nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Hindi niya pinansin ang aking hawak.
Binitawan ko siya.
“Hintayin moko Kevin. Magpapalit lang ako ng damit. Ihahatid na kita.”
Hinubad ko na agad ang sando na suot ko. Mabilis akong kumilos para kumuha ng damit sa kabinet. Hindi ko na nakuhang isuot ang damit na hawak ko sa pagmamadaling bumaba.
Inabutan ko siya na nakasakay na sa kotse, sa driver's seat. Kinatok ang salamin nun at agad naman niya yun binuksan.
“Ako na magda-drive. Masakit pa yang paa mo.” sabi ko habang nagsusuot ng damit.
Bumaba naman siya, ibinigay ang susi sa akin at dumiretso na agad sa kabila.
Tahimik lang siyang sumakay. Hindi ako gaanong makapagsalita dahil hindi siya kumikibo.
Mabagal lang ang andar ng sasakyan. Sinasadya ko yun para mas mahaba ang oras na makasama ko siya. Marami kasi akong gustong sabihin sa kanya.
“Tahimik ka.”
Hindi ulit siya nagsalita.
Kinalabit ko siya sa balikat.
“Pssst.”
Lumingon naman siya pero saglit lang. Agad niya ulit ibinaling ang kanyang tingin sa ibang dako, sa harap, sa daan at kung saan-saan.
Kinalabit ko ulit siya.
“Oy.”
Hindi na siya lumingon pa.
Pinitik ko siya sa tenga pero wala... hindi niya talaga ako pinapansin.
Nag menor ako ng sasakyan at inihinto ko sa gilid ng daan.
Humarap ako sa kanya. Sinubukan kong idikit ang puso ko para pakinggan ang puso niya pero nahirapan ako na mailapit man lang yun sa kanya.
“Kevin naman. Ayoko ng ganito tayo.”
Sa wakas hinarap din niya ako. Nagkamot siya at pagkatapos ay ngumiti.
“Marky boy, akala ko ba ayaw mo ng drama.” ginulo niya ang buhok ko. “Wag mo sasaktan si Mariel ha, kundi makakatikim ka ulit sa akin.”
“Salamat Kevin.”
“Dito ka nalang para hindi kana mapalayo. Sumakay kana pauwi, kaya ko na 'to mag-isa.”
“Hindi na. Ihahatid na kita.”
Nang aktong kakambiyo na ako para muling umandar, pinigilan niya ako. Hinawakan niya ako sa kamay.
Umiling siya.
“Sige na Mark. Dito ka nalang.”
“Pagbigyan mo nako.”
“Dumidistansya nako sayo. Sinisimulan ko na. Sinusubukan ko na ngayon.”
"Ha?"
"Hindi mo ba ako naiintindihan? Sinusubukan ko ngayon na mabuhay ng malayo sayo, sana subukan mo rin."
“Hindi. Ayoko.”
“Okey ka naman nung wala pako. Okey naman ako nung wala ka pa sa buhay ko. Nahihirapan tayo ngayon pero lilipas din yun. Magiging okey ulit tayo gaya ng dati, nuong hindi pa tayo nagkakakilala.”
“Iba nuon. Iba ngayon. Palagay mo lang ganon lang yun kadali pero sigurado akong hindi. Ayokong subukan Kevin. Ayokong malayo sayo.”
“Kung ayaw mo. Bahala ka. Ako? Oo, gagawin ko.”
Naluluha niyang tinanggal ang bracelet na bigay ko.
“Hindi ko na ata matutupad ang pangako ko sayo. Sabi ko sayo dati, ito ang huling bagay na aalisin ko sa katawan ko pero hangga't nakasuot ito dito sa braso ko, hangga't nakikita ko ito dito... lagi lang kita maiisip, lagi lang akong malulungkot, lagi lang ako mananabik sayo kaya eto, binabali ko ang pangako ko. Sorry Mark.”
“Tinatalikuran mo ba ang pagkakaibigan natin?”
“Hindi.”
“Bakit iiwan moko?”
“Hindi naman kita iiwan dahil hindi naman ako mawawala, hindi naman ako lalayo. Magkikita parin naman tayo. Dadalawin parin naman kita paminsan-minsan sa bahay niyo. Magkakasalubong parin naman tayo sa school, sa ibang lugar, basta...”
“Ayoko ng ganon. Ayoko ng minsan. Ayoko na matagal kitang hindi nakikita at nakakasama. Hindi ko yun kaya.”
“Ano ka ba Mark. Akala ko ba malakas ka. Akala ko ba astig ka. Akala ko ba ayaw mo sa baduy, OA at sa drama. Hindi bagay sayo.”
Ngumiti ulit siya... ngumiti siya para subukang itago ang matang nagsimula ng lumuha.
Ito na ata ang pinakamalungkot na sandali ng buhay ko. Mas mabigat pa ang nararamdaman ko ngayon kaysa sa paghihiwalay namin ni Mariel nuon.
Sinubukan kong punasan ang luha niya pero pinigilan niya ako.
***
“Yah, kung papipiliin ka, best friend mo o gilfriend?”
“Ikaw talaga bata ka. Itulog mo na yan.”
“Sige na yah, sagutin mo na please, please, please.”
“Yan ba ang epekto sayo ng alak?! Ang pag-inom inilulugar anak. Kangursunada ka pa dun sa kanto kanina. Hindi ka naman ganyan ah.”
“Hayaan mo na yung **** na yun. Mayabang eh, hanep makatingin, para akong lalamunin ng uto.”
“Pano nga lasing na lasing ka kanina. San ba kayo nagpunta, ha?”
“Jan lang po sa tabi-tabi.”
“Bakit yung mga kaibigan mo hindi naman gaanong lasing. Ikaw lang ang bukod tanging langong-lango.”
“Yah naman. Para ka naman NBI kung makapag-interrogate niyan eh. Sagutin mo nalang yung tanong ko, please.”
“Ano? Best friend at ano?”
“Girlfriend.”
“Si Kevin ba yung best friend mo? si Mariel yung isa?"
"Basta yah. Kakulit mo naman. Ikaw ata ang lasing jan eh."
"Yan ba dahilan kung bakit naglasing ka, ha?"
Bumigat ulit ang pakiramdam ko. Akala ko ba kapag lasing ka, manhid kana? Akala ko ba pag lasing ka, magiging matapang ka?
"Bakit hindi ko po sila makuha ng sabay? Bakit kailangan pa mawala ang isa para lamang makuha ang isa? Nahihirapan po ako."
Niyakap ako ni yaya.
"Tama na anak. Wag ka umiyak. Tahan na. Hindi man kita masagot sa tanong mo pero wag mo isipin na hindi kita naiintindihan."
"Yah, ayoko po mawala ang isa sa kanila. Hindi ko po ata kaya."

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento