Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter8


CHAPTER 8

Malapit na mag lunch break nang dumating si Huget sa bahay. Ayoko pa naman ang naghihintay ng matagal. Badtrip.

Hindi pa man nakakapasok sa pintuan, may paliwanag na siya.

“Sorry tol. Late akong nagising.” bungad niya.

“Kanina pa kita gusto iwanan. Nahihiya lang ako sayo.”

“Sorry na. Tara na.”

“Alas dose na. Sarado na ang mga opisina sa school.”

“Anong oras ba magbubukas ulit?”

“Ala una y medya.”

“Tutal kasalanan ko naman, libre nalang kita ng lunch.”

“Wag na.”

“Tol sorry na.”

“Okey na.”

“Tara na?”

“Oo. Ako manlilibre sayo”

“Sus.”

“Baka sabihin mo hindi ako tumutupad sa napagkasunduan.”

“Iba naman ang utusan sa gatasan.”

Natawa ako sa hirit niya. Nabura tuloy ang galit ko sa kanya.

“Sit. Roll. Bark. Ganon ang utusan tol.”

“Gago.”

Sa mall na kami nag lunch at nagpalipas oras. Pagkatapos kumain, naglaro kami sa arcade ng mall. Mahilig daw siya maglaro ng resident evil at kung ano pang patayan. Sunod lang ako sa kanya. Nanunuod ng bawat kilos niya. Pagkatapos, nag-aya siyang kumanta sa videoke sa gitna. Kung saan maraming kumakanta at nanunuod na mga tao.

“Ayoko pare. Ikaw nalang.”

“Bakit?”

“Hindi ako marunong kumanta. Nakakahiya pa.”

Natawa siya.

“Bakit tumatawa ka?” tanong ko sa kanya.

“Wala lang. Nakakatawa lang kasi reaksiyon mo tol. Kakanta ka lang naman. Wala naman silang pakialam sa boses mo kahit na boses palaka pa yan.”

“Pare hindi ka na nakakatuwa.”

“Joke lang yun. Baka suntukin mo nako.”

“Okey lang.”

“Kakanta kana?”

“Hindi nga. Kakulit mo naman.”

“Hahaha. Sige. Ako nalang kakanta para sayo.”

“Sige. Gawin mo gusto mo.”

Naghintay pa kami ng halos labing limang minuto para tapusin ang mga kantang naka-reserved sa videoke machine. Puro ngiti si Huget sa gitna ng maliit na stage. Ang haba ng intro ng kanta kaya ang haba din ng oras niyang magpacute sa mga tao. Loko.


I'll be by Edwin McCain.

The strands in your eyes that color them wonderful
Stop me and steal my breath.
And emeralds from mountains thrust toward the sky
Never revealing their depth.
Tell me that we belong together,
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above.

I'll be your crying shoulder,
I'll be love's suicide
I'll be better when I'm older,
I'll be the greatest fan of your life.

And rain falls angry on the tin roof
As we lie awake in my bed.
You're my survival, you're my living proof.
My love is alive -- not dead.
Tell me that we belong together.
Dress it up with the trappings of love.
I'll be captivated,
I'll hang from your lips,
Instead of the gallows of heartache that hang from above

And I've dropped out, I've burned up, I've fought my way back from the dead.
I've tuned in, turned on, remembered the things that you said


The greatest fan of your life.
...greatest fan of your life.



“Kanta mo ba yun sa girlfriend mo?”

“Wala nga ako tol girlfriend.”

“Oo nga pala. Sa ex mo...”

Ngumiti siya.

“Marami atang nainlove sayo. Nakatingin silang lahat sayo. Patay ka.”

“Hahaha.”

Paalis na kami ng may humabol na isang taong kanina pa nakatingin kay Huget. Kinuha yung number niya. Agad naman niyang ibinigay. Pagkatapos ay may humabol pang isa at may isa pa. Lahat pinagbigyan ni Huget na kuhanin ang number niya.

“Pare bakit nagbibigay ka ng cellphone number sa taong hindi mo naman kilala?” tanong ko.

Nginitian lang niya ako.

“Ibang trip pala ang alam mo pare.”

“Basta.” lang ang sagot niya.

Hindi pa man kami nakakalayo, biglang tumunog ng sunod-sunod ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko. Agad kong tinignan kung sino. Tatlong text messages galing sa tatlong unknown sender.

Hi. Ako nga pala si bla bla bla. Ano name mo? Sabi ng isa.
May girlfriend kaba? I'm bla bla bla. Sabi ng pangalawa.
Thanks ha. Anong pangalan mo. Cute mo. Ganda pa boses mo. Sabi ng pangatlo.

“Oh ayan. Replyan mo yang mga katext mo. Gamitin mo cellphone ko.” sabi ko kay Huget sabay abot ng telepono.

Ngumiti lang siya. Nakakainis pero bakit ba hindi ko makuhang magalit sa kanya.


~~+~~


Saglit lang kami sa school. Nag release lang ako ng mga grades sa mga titser ko. Inayos ang ilang grades na incomplete tapos pinasyal ko siya sa ilang mga lugar sa campus namin. Ipinakita ko rin sa kanya yung kinukwento kong basketball court na pinaglalaruan namin madalas. Ipinakilala ko siya sa masahan ko sa basketball team at ilang mga titser na kabiruan ko. Dinala ko rin siya sa mga tambayan namin sa school. Sa gilid ng audiorium kung saan kami madalas gumagawa ng mga kodigo. Sa tree house sa dulo kung saan kami madalas magkwentuhan ng kung ano-ano. Sa taas ng lumang building na tabi ng gymnasium kung saan namin ang mga walang kwentang plano. Lahat ng kautuan ko sa eskwelahan, naikwento ko sa kanya. Lahat ng kabulastugan, nalaman niya. Ilang araw palang kami magkasama, magaan na agad ang loob ko sa kanya.

“Tol madalas kaba kumain dito?”

“Oo. Kapag nag may I go out nako sa titser ko, dito nako didiretso. Wala ng balikan sa klase.”

“Fish ball boy ka pala eh.”

“Masarap lang kasi dito sa labas tumambay minsan. Hindi ka sakop ng rules ng eskwelahan. Pwede mong alisin yung ID mo at ibukas ang polo. Pwede kang manigarilyo dito at gawin ang gusto mo.”

“Naninigarilyo ka?”

“Na-try ko na.”

“Oh.”

“Oo. Pero hindi ko na tinuloy. Bubugbugin kasi ako ng nanay ko kapag nalaman.”

“Hehe.”

“Ikaw ba?”

“Hindi rin.”

“Itry mo minsan.”

“Ha?”

“Kapag nagbago isip mo, tuturuan kitang manigarilyo.”

“BI ka pala.”

“BI?”

“Bad influence.”

“Loko. Biro lang yun. Sige. Tuhog lang ng tuhog. Libre kita hanggang halagang limang piso.”

“Limang piso? Nakaka bente na ata ako.”

“E problema mo na yun. Wala ako ngayon baon kasi bakasyon.”

“Hahaha.”


~~+~~


Pagkalipas ng dalawang oras. Bandang alas kwatro ng hapon sa covered basketball court sa plaza malapit sa amin.


"Pare bakit kasama mo yang si Huget?" pabulong na tanong ng isang kaibigan.

"Yaan muna,. Okey yan. Kaibigan yan."

Nakahalata naman agad si Kevin sa malamig na pagtanggap sa kanya ng mga kaibigan ko kaya nagpresenta nalang sya na hindi na maglalaro. May mababakante kasing isang tao kapag sumali pa siya.

"Hindi pare. Kasali ka. Ako ang lalabas. Ikaw ang maglaro." sabi ko Huget.

Nahiya naman yung isang kasama ko kaya nagboluntaryo nalang na pumalit sa second half ng laro. Wala ng problema. Makakapaglaro na kami dalawa. Makakasama ko ulit siya sa game.

"Tol yan ba yung mga kalaban natin?" sabay nguso sa mga tao na papalapit sa amin.

"Oo pre bakit?"

"Eh puro matatanda na yan ah. Parang hindi papahuli ng buhay. Hindi basketball ang laban jan, wrestling." sabi niya sabay tawa.

"Gago. Kaya natin yan."

“Bakit naka tsinelas lang lahat?” tanong niya.

“Ganon talaga. Masanay kana. Larong kalye 'to.”

“Magtsi-tsinelas nalang ako?”

“Wag na. Nakasuot ka narin naman. Ituloy mo na. Tssk.”

Sa simula palang ng game mainit na agad ang laban. Balyahan. Pisikalan. Sa halagang limang daang pusta, buhay mo ang nakataya.

Lagi ko nalang iniipit si Huget sa gilid ng court para hindi ma-braso sa loob ng court. Kinukuha ko ang mga bantay na bakulaw para hindi siya masaktan kapag sila ang nagbantayan. Hindi naman siya pahuhuli. Siya madalas ang pumupuntos. Paborito niyang pumukol sa labas. Hindi makalamang ang kalaban kaya naging mas pisikal ang laro.

Ipinasa nya sakin ang bola. Dribble. Cross-over dribble papuntang gitna. Maraming bantay sa sa daraan ko. May isang metro mula sa pinakamalapit na bantay, tumalon agad ako. Aktong ja-jump shot ng biglang may sumulpot sa harap ko. May sumabay galing sa gilid ko. Sahod!

Tumama sa katawan ko yung kalaban. Nawalan ako ng balanse sa ere. Bumagsak ako sa sahig ng court ng padapa. Mabuti nalang at hindi pangit ang pagbagsak ko. Imbes na tulungan ako bumangon ng sumahod sakin, lumayo pa ito at hindi ako pinansin.

"Gago ba! Eh kung nabalian si Mark don!"

Nakita ko nalang si Huget na naka amba ng suntok sa taong sumahod sa akin. Tumayo ako pero hindi ko na siya naabutan. Nahagip na niya yun ng suntok. Agad akong pumagitna ng aktong pagtutulungan na siya. Kakilala ko naman ang karamihan sa kanila kaya inarbor ko nalang. Hinatak ko agad si Huget sabay sibat.

***

"Ano problema mo?" sabi ko.

"Sinahod ka. Tinawanan kapa. Gumanti ako para sayo tapos kasalanan ko pa.”

Tinapik ko siya sa balikat. Diretso lang ang tingin niya habang nagda-drive.

"Kevin, pare salamat."

"Salamat lang?”

“Ha?”

“Ilibre mo nalang ako."

"Saan mo gusto?"

"Sa Max's"

"Hindi kaya ng wallet ko yun. Pang Jolibee lang pera ko.”

"Sige kahit saan nalang. Kung saan ka masaya."

Beep. Beep. Mariel.

Hon dumating na visa ko. Usap tayo mamaya. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento