Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter17


CHAPTER 17

Buset si Maggie pala!

Parang wala akong mukha na maiharap sa kanya. Bakit ba kasi nagsinungaling pa ako. Bahala na ilulusot ko nalang 'to.

“Oy Mags, nandito ka pala.” ngek tinanong ko pa talaga.

“Oy Mark nandito karin pala.” sagot niya.

Lumipat siya ng isang upuan kaya ngayon ay magkatabi na kami. Nakaharap kami kay Kevin. Tinapik niya ako sa likod ng mahina.

“Mags, si Kevin nga pala. Kaibigan ko.”

Tutal inulit lang niya ang sinabi ko, eto mag-usap kayo ni kano. Sumenyas ako kay Kevin patago. Tinitigan ko sya. Saluhin moko. Sana nakuha niya ang gusto kong sabihin.

Kinuha niya ang kamay ni Maggie. Nabigla yun. Laugh trip si Huget. Makikipagkamay lang pala si loko. “Hi. I'm Kevin.” sabi niya sabay ngiti. Mukang kinilig naman si Maggie at wala tuloy nasabi.

“Mags, pauwi na talaga kami. Dumaan lang kami dito para hindi nako magdinner mamaya. Totoo yun. May importante talaga akong gagawin... mamaya.” mahaba kong eksplanasyon.

“Oops Mark, hindi mo na kailan magpaliwanag. Ano ka ba that's okey.” nakangiti niyang tugon. Maganda talaga siya. Nanlaki ang aking mga mata.

“Mags, mauna na kami.” paalam ko.

“Okey. Bye. See you tomorrow.”

“Bye.”

“And Kevin.”

Hindi na sumagot si kevin. Ngumiti nalang siya para magpaalam.


***

Habang nasa biyahe pauwi...


“Mark.”

“Bakit?”

“Gusto mo yung Maggie?”

“Oo.”

“Ah...”

“Joke lang...” sabi ko pero ang totoo ay oo.

“Ang ganda niya. Imposible na hindi ka mainlove.”

Napangiti nalang ako. “Hindi rin.” sabi ko.

Tinigil nya ang kotse, itinabi sa gilid ng high-way.

“Bakit?” tanong ko.

Tinitigan lang niya ako. Seryoso. Naging seryoso narin ako. Ilang sandali pa, biglang ngumiti siya. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang sabihin. Maya-maya pa ay umandar narin kami. Napakatahik ng naging biyahe namin. Mabagal lang ang takbo pero kabado ako. Ilang sandali pa ay nakarating narin kami sa bahay. Maaga pa, nasa alas syete palang siguro nang makauwi ako.

“Tara sa loob.” aya ko sa kanya.

“Sige hindi na. May gagawin pa ako eh.”

“Sigurado ka?”

“Yup.”

“Sige.”

“Oy. Saglit.”

“Bakit?”

“Yung usapan natin ah? Ala una. Susunduin kita.”

“Seryoso ba yun?” tanong ko haang nakakunot nuo. Nakahawak ako sa sa pintuan ng kotse niya na nakabukas.

“Oo. Basta ala una lumabas kana. Nandito nako sa gate niyo nun.”

Tumango nalang ako. Sinarado ko na ang pinto. Medyo napalakas ata. Bumusina naman siya ng mahina habang papasok ako sa gate. Sumenyas naman ako bilang tugon.

Naninibago ata ako. Ang aga pa kasi para sa uwi ko. Naabutan ko si yaya na nakaupo sa sala, nanunuod ng paborito niyang drama. Pilit niya ako pinakakain, pilit naman ako sa pagtanggi. Hindi kasi masarap ang ilam na niluto niya. Kalabasa daw.

“Yah, pag nagising ka sa busina ng kotse mamayang umaga, mga bandang ala una, wag mo nalang pansinin.” sabi ko sa kanya.

“Bakit Mark? Sino yun?” tanong niya.

“Basta yah. Matulog ka lang ng mahimbing.”

Nagtataka siguro si yaya sa mga sinasabi ko. Ang gulo naman kasi sa totoo lang. Bakit naman may bubusina sa harap ng bahay ng ganong oras.

Nanuod lang ako ng replay ng laban ng Dallas Mavericks at New York Knicks sa NBA tv at nakatulog naman agad ako pagkatapos.


~~+~~


Buset parang kaingay. Binabangungot kaya ako? Alam ko gising na ang diwa ko pero ayaw bumangon ng katawan ko. Fifteen minutes pa ata bago ako nakabangon.

Oo nga pala may usapan kami ni Kevin. Teka anong oras na ba? Alas tres na pala. Pu-ta! Ang dami kong natanggap na missed calls at text messages, lahat galing kay Kevin. Napatayo agad ako sa kama. Bumaba agad ako. Lumabas ata lahat ng adrenaline. Ilang segundo lang ay nagawa ko nang makababa. Agad kong binuksan ang ilaw sa harap ng bahay. Umuwi na ata si Kevin. Nag-lakad palabas. Nagulat talaga ako ng may makita akong kotse na nakaparada sa gilid. Nakita ko si Kevin nakaupo sa isang sulok malapit sa gate. Nilapitan ko sya.

“Sorry hindi ako nagising.”

“Ang tagal mo naman.”

“Alas tres na ah. Bakit hindi ka pa umuwi?” tanong ko sa kanya.

“Sabi ko naman sayo hihintayin kita diba? Alas dose y medya pa nga lang nandito nako eh.”

“Di nga?”

“Oo nga. Ayoko kasi na ma-late ako sa usapan natin.”

Nahihiya naman ako. Pupungas pungas pa ako. Hindi ko alam kung puro muta ba ako o ano.

“Gayak kana.” sabi niya.

“Ha? Bakit?”

“May pupuntahan tayo.”

“Sige. Gusto mo ba pumasok muna?” Bahala na nga.

“Wag na. Hintayin nalang kita dito.”

Pumasok na agad ako sa loob. Diretso agad sa banyo. Hindi na ako naligo. Naghilamos nalang ako at nag toothbrush. Shorts lang ako at shirt na kulay yellow, naka tsinelas. Gulo-gulo pa ang buhok ko kaya nag cup nalang ako. Kinuha ko cellphone ko at hindi na ako nagdala ng wallet. Wala naman siguro kaming bibilin. Nakita ko yung ipod ko na nakasabit sa handle ng cabinet ko kaya dinala ko narin. Gagamitin ko yun in case na mangulit si Kevin. Para hindi ko siya marinig.
Wala pang ten minutes nakalabas na ako.

“Ang cute mo naman.” bungad niya. Sabi ko na nga ba eh mangungulit 'to. Tama ako. “Ready?” dagdag niya.

Tumango lang ako. Nauna pa akong sumakay kaysa sa driver.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko sa kanya.

“Basta sumakay ka lang. Ako bahala sayo.”

Pinaandar niya na ang sasakyan. Unti-unting bumilis ang takbo namin. Nakarating kami sa di kalayuan hanggang. Tanong ko saan ba tayo pupunta niyan. Sabi niya basta daw. Hanggang sa napansin ko na palabas na kami ng Pampanga. Thirty minutes na kami bumabiyahe kaya nagtaka na ako.

“Oy saan ba tayo pupunta?” medyo galit na ako.

Hindi siya sumagot kaya inulit ko ang tanong ko.

“Saan tayo pupunta?”

Nagmenor siya.

“Sa Baguio.” mahina niyang tugon.

“Ha?” ang lakas na ng boses ko.

“Oo sa Baguio. Hindi ka na makakatanggi kasi malayo na tayo.”

Pu-ta. Baguio? Kalayo!

“Wala akong bihisan.” sabi ko.

“Don't worry, dinalhan na kita. May damit, shorts, jeans, brief, toothbrush, lahat kumpleto na.”

Hindi ko alam ang magiging reaksiyon. Gusto ko magalit kasi hindi man lang niya sinabi pero wala na ako nagawa. Eto pala ang sinasabi niyang plano niya.

“Pano yung pasok natin?” tanong ko.

“Hindi pa naman regular class. Sabi mo nga kanina diba?” sagot niya.

Oo nga naman. Ako pala ang nagsabi non.

“Wala akong pera. Hindi ko dala wallet ko.” buti nga nadala ko pa cellphone ko.

“Diba sabi ko nga ako bahala sayo.” sagot niya.

“Kelan tayo uuwi?”

“Sa isang araw.”

“Hindi pwede. three days tayo dun? Ganon?”

“Yup.” nakangiti pa siya.

“Bakit hindi mo sinabi sakin 'to?”

“Kasi hindi ka papayag. Ibukas mo yung ilaw sa likod ng sasakyan. Tignan mo anjan lahat ng gamit natin.”

Binukas ko ang ilaw, totoo nga. May dalawang malaking travel bag don. May tag pa parehas. Mark at Kevin. Tig-isa kami. Halatang planado ni loko. Binuksan ko yung bag ko, may mga brief na naka-box pa. Halatang bagong bili. May toothbrush, mga damit, shorts at jeans na sa tingin ko karamihan ay sa kanya. Napangiti tuloy ako.

“O may kulang ba? Dumaan kasi ako ng supermarket kanina pagkatapos kitang ihatid sa bahay niyo. Bumili na ako ng ilang gagamitin natin.” sabi niya.

“May magagawa pa ba ako.” sagot ko.

“Wag ka mag-alala Mark. Ako bahala sayo. Siguradong mag-eenjoy ka.”

Baguio? Totoo ba 'to? Tanong ko sa sarili ko. Napakamot nalang ako sa ulo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento