CHAPTER
10
Sa Manila. Sa kanila.
Isinama ako ni Kevin sa bahay nila sa Manila. Nakilala ko ang kanyang mga magulang. Ipinakilala niya ang kanyang nakababatang kapatid at mga kaibigan. Isinama niya ako sa kanyang eskwelahan at kung saan-saan. Marami kaming napuntahan sa loob ng limang araw. Maraming pahina ng kanyang buhay ang aking nabasa pero mas gusto ko pa siyang makilala. Masaya ako kapag kasama ko siya. Marami kami napagkakasunduang dalawa.
“Pare may basketball tournament daw sa isang linggo ah.”
“Oh.”
“Ipapasok namin yun dating team.”
“Ah.”
“Isasama kita samin.”
“Kinukuha din ako ng grupo ko.”
“Sayang.”
Napaisip siya.
“Sige. Sama nako sa inyo.”
“Ayos.”
“Sa isang araw daw, may practice na tayo.”
“Kasama na talaga ako?”
“Oo. Nasabi ko na sa kanila. May malakas kako akong isasama sa grupo. Ikaw yun.”
“Sus.”
~~+~~
Kinabukasan.
Sam. Greg. Erik. Bisitang hindi ko inaasahan. Mga barkada ko nung hayskul. Buo ulit kami ngayon. Lahat kami naging magkakaibigan dahil sa hilig sa basketball. Matagal na kaming hindi nagkakasama-sama. Pagkatapos kasi ng hayskul graduation, nagkahiwa-hiwalay na kami ng landas. Ako, naiwan dito. Si Sam, napunta ng Amerika. Dun na siya nag-aral. Si Greg, Nursing student sa Manila. Si Erik sa Cebu. Dun talaga sila nakatira. Ang gulo parin namin. Parang hayskul lang. Hindi maubusan ng pag-uusapan. Halos lahat, mga kagaguhan namin nuon.
“Mark, buo tayo ng team.” aya ng isa.
“Nako pare hindi nako pwede.”
“Minsan lang 'to Mark. Minsan lang tayo mabuo. May team ng binubuo yung kilala ko, naka line-up na tayong apat.”
“Nakakahiya kasi pare sa na-oohan ko na. May team na kasi ako.”
“Pwede yan. Ikaw pa. Kayang-kaya mo yan ilusot.”
“Subukan ko.”
“Wag na. Baka napipilitan ka pa.” sabi ng isa.
Napakamot nalang ako sa ulo.
“May dadalin akong isa. Dalawa kami sasama.” sabi ko. Iniisip ko si Kevin.
“Hindi na pwede. Katorse na tayo. Wala ng atrasan. Buo na tayo.”
“Patay don. Sige bukas, malalaman niyo sagot ko.”
Kahirap naman magdesisyon.
~~+~~
Tol san ka? Pupuntahan kita.
May lakad ako.
Ah. ganon ba.
Bukas. Agahan mo. Practice. Alas otso.
Oo.
Pacenxa na.
Bakit?
Bukas nalang.
Sige.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento