Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter37


CHAPTER 37

Madalas naman ako maghubad. Sa bahay, sa lansangan kasama ng mga kaibigan, sa basketball court kapag laro-laro lang o nakikipagpustahan. Basta para sa akin normal lang yun sa amin.

Pero bakit ngayon nahihiya na ako? Dalawa lang naman kami sa kwarto. Si Kevin lang naman ang kasama ko.

Nararamdaman kong parang may humahatak sa akin paatras, para tumakas, gaya ng pagtakbo ko nun sa Baguio. Natakot ako nuon, natatakot ulit ako ngayon. Bahala na nga. Bahala na si Batman.

Sunod kong hinubad ang pambaba kong suot hanggang sa matira nalang ang aking boxer shorts. Napatingin ako kay Kevin. Para siyang binuhusan ng sangkaterbang suka, namumutla ang kanyang mukha. Pinilit kong wag matawa para hindi masira ang eksena naming dalawa.


“Mark kinakabahan ako.” sabi niya.

“Basta sumakay ka lang. Ako bahala sayo.”

“Hanep Mark, kailan ka pa natutong gumanyan.” nagkaroon narin ng konting pula ang kanina'y maputla niyang mukha.

“Ngayon lang.” sagot ko.

Nilapitan ko na siya. Hinablot ang kanyang damit na suot, hinubad ang pantaas na saplot. Sa itsura ng kanyang mukha, halatang nabigla sa aking mga ginagawa.

Hinawakan ko siya sa dibdib. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Hinaplos ko ang kanyang hubad na katawan, mula dibdib hanggang bewang. Umikot ang aking mga kamay hanggang sa kanyang makinis na likuran. Dinama kong mabuti ang kanyang mainit na katawan.

Nararamdaman ko ang kanyang panginginig.
Naririnig ko ang kabog ng kanyang dibdib.
Nagsisimula ng bumibigat ang kanyang paghinga, parang malakas na makina.

“Gagawin ko 'to para sayo. Dahil mahal kita.” bulong ko sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko siya sa tenga, sa pisngi, sa leeg, sa dibdib.

Natigilan ako ng hawakan niya ang balikat ko. Bigla siyang tumayo.

"Bakit?" maikli kong tanong.

Naghihintay ako ng sagot mula sa kanya pero nakatitig lang siya.

Humakbang siya hanggang sa maging sobrang lapit na naman namin sa isa't-isa. Tinulak niya ako, ang lakas ng kanyang braso. Ako naman ang napahiga sa kama.

Ako ang napunta sa sitwasyong kanina ay sa kanya. Ngayon, naiintidihan ko na kung bakit ganon nalang ang kabog ng dibdib niya kanina. Nakakatakot. Nakakakaba.

Lumapit pa siya sa akin. Pinatong niya ang kanyang mga kamay sa aking dibdib. Halos hindi ako makahinga sa bigat. Napapikit nalang ako. Napahawak sa bedsheet.

Isang mainit na halik ang dumampi sa aking labi. Mabilis lang yun pero nasundan agad. Nasundan ulit at nasundan ng isa pa hanggang sa tumagal na.

Hindi ko man lang naranasan 'to dati, sa iba. Ang lakas ng tama ko sa kanya, kakaiba.

Nakapikit parin ako. Ayoko kasi makita ng aking mga mata ang mga nangyayari. Baka hindi ko kayanin. Baka hindi ako makapagpigil. Baka madiskaril ang plano ko.

Gusto ko lang sana sukatin kung hanggang saan ako dadalin ng damdamin ko.

Nang makahanap ako ng tiyempo para magsalita... hindi na ako ng nagpatumpik-tumpik pa para kumawala.


"Kevin."

"Oh."

"Tama ka."

"Ha?"

Natigilan siya. Humiga siya sa tabi ko.

"Tama ka kanina sa sinabi mo."

"Na alin?"

"Mag Jollibee na nga lang pala tayo."

Hindi siya nagsalita. Bigla siyang nawalan ng kibo. Napahiya ata siya sa ginawa ko.

"Baka kasi ma-adik ako sayo. Baka hanap-hanapin ko." dagdag ko.

Hinawakan niya ang kamay ko. Ibinaling niya ang kanyang tingin sa akin. Tinitigan ko rin siya habang kami ay nakahiga sa kama. Una siyang ngumiti, gumanti narin ako.

"May pasok pa tayo bukas." sabi niya.

"Wag na tayo pumasok."

"Ang dami mo ng absent."

"Marami naman tayo natutunan, ngayon. Tssk."

"Gagong Mark."

"Basta sulitin natin ang gabing ito."

"Loko ka Mark. Kung ano-ano sinasabi mo."

"Hahaha."

Inabot ko ang damit niya na nasa aking gilid.

"Magbihis ka bilis.” sabi ko.

Tumayo ako at kinuha narin ang aking gamit na nasa sahig, agad din akong nagbihis.

"May naisip ako. Tssk." dagdag ko pa.

"Ayoko na, uuwi nalang ako."

"Wag. Maganda 'to."

"Wala nanaman kwenta yan panigurado."

"Basta masaya 'to."

"Sige. Ano?"

"Spin the bottle. Tssk."

"Kahilig. Laro ng mga jologs."

"Kung sino ang matapatan ng bote, aalisin niya ang isa sa mga nakasuot sa kanya. Kung sino ang unang mahubaran ng buong katawan, siya ang taya. Siya ang magiging alila. Uutusan buong linggo plus manlilibre mamaya kay Jollibee kahit anong order ang gusto."

"Dinaan mo na naman sa ganyan Mark. Ang babaw mo. Kung gusto mo maghuhubad nalang ako, sa harap mo. Matagal pa yan eh."

"Lakas."

"Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Oh hige na. Laruin na yan."

Sumalampak kami sa sahig. Gamit ang bote ng coke na walang laman, sinimulan na ang kakaibang laban.

Ako ang unang nagpaikot. Ang swerte ko dahil ako ang buena mano. Shit.
Hinubad ko ang aking damit.

"Kevin macho noh?"

Tinuro niya ang sarili niya. "Tinatanong mo ba ako?"

"Oo."

"Pwede na. Pwede ng pagtiyagaan."

"Sus."

Siya naman ang sumunod na nagpaikot. Sa wakas!
Sa wakas sa akin ulit tumapat.
Mukang mapapaaga ata ang bakbakan. Naman!
Hinubad ko ang tsinelas ko, na bago, na kabibili ko lang nuong linggo.

It's my turn. Hinimas ko muna ang bote, tinitigan, dinasalan.
Pinaikot ko ng sobrang bilis.
Nagbago din ang ihip ng hangin.
Buti naman sa kanya na tumapat.
Inalis niya ang kanyang hapit na damit.

Sa kanya ulit ang bote. Pinaikot.
Sa kanya ulit tumapat.
Tsinelas ang kanyang hinubad.

Ako ulit ang tanggero este bangkero.
Siya ulit ang tinapatan ng bote.
Kawawa naman ang loko.
Hinubad niya ang kanyang shorts.

Pinaikot niya ang bote.
Muling bumalik sa akin.
Inalis ko ang baller ko.
Buti nalang meron pako.

Ako ulit ang nagpaikot.
Anak ng tinapa, bakit ako pa.
No choice, shorts ko nalang ang natitira bago ang huling birada.

Wala nakong pupuntahan. Isang ikot nalang yari na ang laban. Siya may natitira pang bala. Meron pa siya suot na bracelet na bigay ko sa kanya.

Siya ang nagpaikot.
Siya rin ang tinapatan.
Tahimik lang siya.
Mukhang nag-iisip ng malalim.
Ilang sandali pa, napansin kong aktong huhubarin na niya ang kanyang brief.

"Oh oh teka. Diba may bracelet ka pa?"

"Hindi ko pwede alisin 'to."

"Ha? Bakit?"

"Ito ang huling bagay na aalisin ko sa katawan ko."

"Bakit nga?"

"Dahil nakaukit dito ang pangako ko sayo. Hindi kita iiwanan, hindi kita bibitawan. Kapag inalis ko 'to, para narin ako tumaliwas sa pangako ko sayo."

"Ang corny mo."

Niyakap ko siya. Umiling ako.

"Kevin hindi na yan kailangan. Tapos na ang laban." dagdag ko. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. Hindi ko na napigilan, pumatak ang luha ko ng hindi ko namamalayan. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento