Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter52


CHAPTER 52

Hindi halatain ang tatoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa niya yun para sa akin.

Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na hangin. Kumakapal narin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis na liwanag ng araw. Pasado alas dos palang ng hapon pero parang sabik na sabik ng pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Desyembre sa Baguio.

“Tara na?” aya niya.

“Five more minutes.” sabi ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.


***

Halos mag aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna niya ako sa bahay at pagkatapos ay sibat na agad siya pauwi sa kanila. Hindi na niya nakuhang bumaba pa ng sasakyan.

Sa loob ng halos isang linggo, isang beses lang ulit kami nagkasama. Saglit lang at sa basketball pa.

Si Mariel naman, halos araw-araw nasa bahay.


~~+~~


Sinindihan ko ang plapla na hawak ko gamit ang isang sigarilyo. Nagliyab agad ang pabilo nun kaya agad kong ibinato. Hindi pa man nakakalayo, sumabog na agad ng todo. Ang lakas. Nakakabingaw sa lakas. Parang sumabog ang ear drums ko.


Happy new year! bati ko sa sarili ko.


Dalawa lang kami ni yaya sa bahay. Buti nga anjan na siya kundi wala na naman sana ako kasama. Nagpasabi sila lola na uuwi dito, kasama ko, sama-sama naming sasalubungin ang Bagong taon pero walang ni-isang dumating. Ganon talaga. Hindi naman kasi ako ang paborito nung apo. Pasaway daw kasi ako.


Beep. Beep.

Text galing kay Mariel.


Hon, dumaan ka dito ha. Hintayin kita. Happy new year. Love you.



Beep. Beep. Another text.

Galing naman kay Kevin.


Para kang isang ligaw na bala!

Bakit? reply ko.

Sa iba nakalaan, ako ang tinamaan... Happy new year. Hohoho.


Patay don! Natawa ako sa banat niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka kung saan pa kami mapunta.

Pumasok na ako sa loob para tikman ang mga niluto ni yaya Rosie. Ang daming nakahain. Sabay kami ni yaya na kumain. Isa-isa kong nilantakan ang mga paborito ko. Lahat paborito ko. Hahaha.


“Yah, mga ala una alis ako ha?”

“Saan ka pupunta?”

“Kila Mariel... at Kevin.”

“Ingat ka. Delikado sa daan.”

“Ingat sila sakin yah.”

“Ikaw talaga bata ka. Yung mga paputok mo, nasa ref. Akala ko kanina kung ano. Nakabalot pa sa dyaryo.”

“Hahaha. Yah para malakas pumutok.”

“Ganon ba yun? Bakit ang dami mong binili?”

“Wala lang.”

“Kunin mo na dun. Baka mamaya-maya basa na yun.”

“Opo.”

“Mark. Dun ka sa labas ng bakuran magpaputok ha. Ang sakit sa tenga.”

“Yah ano kaba. Mas malapit sa bahay, mas maganda. Balak ko nga magpasabog ng kahit isang plapla dito sa loob ng bahay eh para lumabas ang masasamang ispirito. Para swertehin tayo.”

“Jusko Mark. Kaawaan ka.”

“Joke lang yun yah.”

Nagdala ako ng konting pagkain kila Mariel. Pag dating sa kanila pinakain ulit ako. Nakipag kwentuhan ng konti at pagkatapos ay humayo na agad ako. Ang dami kasing nag-iinom sa gawi nila, baka mapa toma na naman ako. Mahirap na.

Nasa labas si Kevin nang dumating ako sa kanila. Ang daming tao sa bahay nila. Nanduon pala ang buong pamilya at ibang kamag-anak nila.


Huminto ako sa harap niya.

“Kevin...” bati ko habang bumababa sa motor.

“Musta?” tanong niya.

“Okey naman. Bakit nasa labas ka?”

“Hinihintay ka.”

“Ah. Hindi mo ba ako pakakainin sa inyo? Ano ba handa niyo?”

“Hanep Mark. Mas nauna mo pang kumustahin yung handa kesa sakin.”

“Hahaha. Sorry. Kumusta ka pala? Happy new year.”

“Badtrip.”

“Bakit?”

“Ewan ko ba kung bakit ako nabadtrip.”

“Sorry.”

“Sanay nako dun. Tara na sa loob.”

“Sus.”

Inakbayan niya ako. Magka-akbay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya.

Nakita ko agad sila tita... ang buong pamilya. Lumapit ako sa kanila. Ang init ng pagtanggap nila sa akin.

Ipinakilala ako ni Kevin sa ibang kamag-anak na naroon pagkatapos ay sinabayan niya ako kumain.

“Hindi ka pa kumakain?”

“Hindi pa.”

“Bakit?”

“Hinihintay nga kita.”

“Ah.”

“Ikaw ba?”

“Pangatlo na.”

“Lupet.”

“Hahaha.”

“Oy Mark.”

“Bakit?”

“Makikitulog ako sa inyo.”

“Ayoko.”

“Matitiis mo ba ako dito?”

“Oh bakit? Ano problema dito?”

“Tignan mo nga. Ang daming tao. Saan matutulog yung iba jan. Edi sa kwarto ko.”

“Ah.”

“Oh ano?”

“Pag-isipan ko.”

“Sige wag na.”

“Joke lang. Tsssk. Sige na. Payag nako.”


***

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami. Maraming pinagbasyuhan ng mga fountain, lusis at iba pang pailaw sa labas... sa loob ng bakuran nila.

“Kevin tara dun sa labas. Sa gilid ng daan. Magpahangin tayo.”

“Magpahangin? Eh puro usok ng paputok lang ang malalanghap natin dun.”

“Basta tara dun. May sorpresa ako.”

“Ano?”

“Sorpresa nga eh. Edi hindi na yun sorpresa kapag sinabi ko.”

“O hige. Sige. Bahala ka.”

Pinauna ko siyang maglakad. Paglabas namin ng gate nila, maingat kong sinindihan ang isang plapla gamit ang lighter at pasimple kong inihagis yun sa isang gilid.


Kaboooom!


Sobrang lakas dahil ang lapit nun sa amin.

Nabigla si Kevin. Gulat na gulat. Nanlaki ang mga mata. Hinahabol ang hininga. Nakakatawa pero nakakaawa.

“Sorry.”

Hindi siya nagsalita. Nagalit ata.


No blood, no foul!
 

Join Date: Apr 2010
Location: Heart of the Champ

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento