Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter34


CHAPTER 34

Bumalik ulit ako sa higaan. Gusto ko pa sana matulog pero naputol yun dahil sa isang malakas na katok. Tumayo agad ako para buksan ang pinto. Si Cris pala.

"Breakfast na." sabi niya.

"Gisingin ko lang si Kevin. Sunod na kami agad."

Isang matipid na ngiti lang ang sagot niya. Agad din siyang umalis para bumaba.

Pagkatapos ng breakfast, nagsimula na kaming gumayak para sa aming kanya-kanyang lakad. Sila tita, diretso sa work. Sila kuya Alex sa Laguna naman ang byahe para umuwi. Si Cris may lakad daw, hindi nga lang namin alam kung saan. Kami naman ni Kevin, gagala sa Metro maghapon.

Ilang hindi ko pa napupuntahang lugar sa Manila ang aming pinuntahan. Para akong turista na namamasyal sa sariling bayan. Buti nalang may kasama akong tour guide, si Kevin.

Sa MOA na kami nagkita-kita nila tita, dun na kami kumain at pagkatapos ay tuloy na kami sa CCP para sa isang pagtatanghal. First time kong manunuod ng musical, hindi ko man hilig ang ganung palabas, excited parin ako. Wala lang. Maiba lang.


***

Ginising ako ng isang kalabit, mula yun kay Huget.

“Naman. Mark, wag ka matulog.”

Tumingin ako sa paligid. Gumala ang aking paningin 360 degrees.

Dumiretso ako ng upo, tumingin sa entablado. “Bravo... Bravo...” pumalakpak ako ng malakas, sunod-sunod.

Biglang nagtingan sa akin ang mga tao sa paligid, nabigla, mukang nagtataka lahat.

Inakbayan ako ni Kevin. Pasimple niya akong sinipa ng mahina sa paa. Nakalog ata ang utak ko. Nagising ata ang diwa ko. Takte naalimpungatan lang pala ako!

Tumingin sa akin si Kevin, natatawa, hindi alam ang gagawin sa pagpipigil.

Umupo ako ng tuwid. Kinuskos ko ang mga mata. Inayos ko ang aking kwelyo. Pu-ta nakakahiya.

“Mark, pilitin mo. Wag ka mag-alala malapit natong matapos.” bulong ni Huget sa akin. Hindi parin mawala ang ngiti sa kanyang mukha.

Sabi ko na nga ba eh. Gagawa at gagawa ako ng eksena. Anak ng tinapa!

***

Malalim na ang gabi ng matapaos ang palabas. Sa wakas.

“Nagustuhan mo ba Mark?”

“Yes tita. Sobrang ganda po. Wala akong masabi.”

Patago akong kinalabit ni Kevin. Minulagatan ng mata. “Loko ka Mark. Pano mo naman nasabi na nagustuhan mo eh ilang beses kang nakatulog.” bulong niya sa akin.

Hindi ko nalang siya pinansin.

Umiling siya. “Iba ka talaga Mark. Wala akong masabi sayo.” bulong ulit niya sabay ngisi ni loko.

Sila tita, nakatingin lang sa amin. Nagtataka marahil.


***


“Mark, samahan mo nalang si Cris sa bahay ha?”

Tumango ako. “Oo sige.”

“Baka bukas na ako makabalik. Baka kasi umagahin na kami sa daan.”

“No prob. Ingat nalang kayo sa byahe.”

Nasira kasi yung sasakyan nila tita kaya iniwan nalang nila yun sa isang shop para ipagawa. Ihahatid sila ni Kevin sa Pampanga. Kinakailangan daw kasi nilang sumagsag para umuwi dahil may hinahabol ang mga ito na mga ilang mahahalagang bagay sa Probinsya kinabukasan.

Hindi na kami nagpahatid kay Kevin. Sumakay nalang kami ng taxi para tuloy-tuloy na sila sa kanilang mahabang byahe. Dumaan muna kami ni Cris sa isang coffee shop malapit sa bahay. Hindi parin siya masyadong makwento. Kung ano ang dinaldal at kulit ni Kevin siya namang tahimik ng kanyang nakababatang kapatid. Ako lagi ang bumabangka sa usapan. Nakarami narin ako ng kung ano-anong kwento, naubos na ang kape at tsokolate, wala parin silbi.

“Ikaw naman magkwento. Inaantok nako. Hindi ka naman sana pipi kasi nagsasalita ka kahit papano. Ano problema mo?”

Natakot ata sa sinabi ko.

“Joke lang yun brad.” dagdag ko.

Natawa naman siya. Napilitang magsalita ng kahit ano nalang.”

“Sabi ni brader, magaling ka daw sa basketball.”

“Sakto lang. Tara bola tayo minsan?”

“Baka kawawain mo lang ako sa loob ng court.”

“Engot lang ako. Hindi ako kasing galing ng kuya mo.”

“MVP Mark Lopez III.”

“Hahaha. Most Vovo Player yun.”

“Parehas pala kayong uto ng kuya ko. Kaya pala hindi kayo mapaghiwalay.”

“Gago. Hindi ah. Nahawa lang ako sa kuya mo.”

“Ganon sana.”

“Hindi pala kayo magkamuka ni Kevin.”

“Mas gwapo ako sa kanya?”

“Hindi. Mas gwapo kuya mo.”

“Ka-sweet mo naman. Nakuha mo pang magsinungaling para sa kanya.” sabi niya sabay tawa.

“Loko.”

“Ang cute niyo nga tignan eh. Para kayong magsyota.”

Napangiti nalang ako. **** rin pala 'to sa loob-loob ko. Iniliko ko nalang sa ibang daan ang usapan.

“Nasan na kaya sila ngayon?” tanong ko para maiba lang.

“Oh namiss mo na agad. Kakahiwalay niyo palang kanina ah.”

“Patay don.”

“Hahaha. Sorry.”

“Uto karin pala. Akala ko Emo ka.”

“Emo? Hindi na uso yun.”

“Marami ka daw chicks sa school sabi ng kuya mo.”

“Torpedo nga ako eh.”

“Jamming amp.”

“Brader.”

“Oh. Bakit?”

“Pansin ko, laging masaya si Kevin.”

“Dagdagan mo naman ng kuya... kuya Kevin naman.”

“Oo. Hindi kasi siya ganon dati... si kuya Kevin.”

“Hindi kita naiintindihan.”

“Basta wag mo iwan ang kuya ko.”

“Ano ba sinasabi mo?”

“Basta.”


~~+~~


Minor subjects nalang ang bubunuin ko para makagraduate. Mas marami na akong time para maglakwatsa este mag-aral. Ang bilis ng mga araw, parang kelan lang nung pumasok ako sa kolehiyo, ngayon gagraduate narin ako. Sana.

“Mark punta ka sa bahay mamaya. Dinner..”

“Bakit?”

“Birthday ko kaya.”

“Ah... Happy birthday.”

“Hihintayin kita ha.”

“Teka.”

“Nung birthday mo, pumunta ako sa inyo tapos ngayon---”

“Eh kasi---”

“Nako Mark, ayan ka na naman. Hmmp.”

“Sige. Pupunta ako.”

Bigla niya akong niyakap kahit maraming tao sa loob ng klase. Nagulat ako sa ginawa niya. Gaya ng dati, nakakabigla parin ang mga kilos niya.

“Asahan ko yan Mark, ha. Isama mo narin si Kevin.”

“Hindi. May pupuntahan yun.”

“Ah... Ganon ba. Sayang naman. Akala pa naman ng mga friends ko pupunta siya kasama mo.”

“Mauna nako Mags. Kita-kits nalang mamaya.”

“Saan ka pupunta niyan?”

“Lunch.”

“Tara?”

“Ha.”

“Sabay na tayo.”

“Sige.”

Nagtext nalang ako kay Kevin na hindi na ako makakasama sa kanya para kumain.

Sa labas ng school kami nag lunch. Marami na kasing tao sa food court ng school. Dumiretso na siya sa bahay nila pagkatapos. Ako naman ay bumalik parin ako sa school, yun nga lang hindi para pumasok kundi para tumambay. Late na kasi ako ng thirty minutes sa nag-iisa kong subject sa hapon. Napasarap kasi ang kwentuhan namin ni Maggie habang nagla-lunch kaya hindi ko na napansin ang oras. Hinintay ko nalang na makalabas si Kevin para sabay na kaming umuwi.

“Kevin... next time nalang siguro tayo manuod ng Saving Private Ryan mo. Marami pa naman pagkakataon.”

“Bakit?”

“May pupuntahan kasi ako mamaya. Baka late nako makauwi.”

“Bumili pa naman ako ng dvd kanina. Naka-set up narin yung projector sa kwarto ko.”

“Ganon ba. Gusto mo mamaya? Agahan ko nalang na umuwi.”

“Ikaw. Nasasayo yun.”

“Text nalang ako sayo ha.”

“Agahan mo. Magluluto kasi ako ng adobo.”

“Hindi na. Wag ka na mag-abala pa.”

“Bahala ka. Teka saan nga pala punta mo?”

“Birthday.”

“Nino?”

“Maggie.”

“Ah...”

“Sige. Text nalang ako.”


***

“Mark, sigurado ka ba? Kaya mo mag-drive? Nakainom ka.”

“Kaya.”

“Gusto mo dito ka na matulog?”

“May importante akong pupuntahan.”

“Ipahatid na kaya kita?”

“Wag na. Kaya ko 'to.”

“Salamat ha?”

Humalik siya sa pisngi. Ngumiti nalang ako.

Lumabas na ako ng bahay nila. Baka kasi mas lalo pa ako mapainom sa loob kapag hindi pa ako umalis.

Umupo ako sa isalng gilid, nahihilo, nasusuka. Naparami ata ang naiinom ko. Pasado alas diyes narin ng gabi. Gustuhin ko man umuwi, hindi ko talaga kaya mag-drive ng motor. Umiikot na kasi ang aking paningin sa hilo dala ng tama ng alkohol.


Kevin, text ko sa kanya.

Saan ka na? reply niya.

Dito kila Maggie.

Gabi na.


Sunduin moko. Nahihilo na kasi ako. Natatakot akong mag-drive pauwi.

Oh sige. Jan ka lang. Papunta nako.

Ang bilis. Ilang minuto lang, dumating na si Kevin. Pagbaba pa lang kotse, nasipat ko na agad ang seryoso niyang mukha. Nakaramdam ako ng konting takot hindi ko nga lang alam kung bakit.

Walang sabi-sabi, lumapit siya sa kinaroroonan ko, kinuha ang aking kamay, inilagay niya yun sa kanyang balikat at buong lakas niya akong inalalayang tumayo para isakay sa kotse.

Bago pa man makasakay si Kevin, nakita niyang palabas ng gate si Maggie kaya nilapitan niya ito. Nakita ko silang nag-uusap. Gustuhin ko mang bumaba, hindi ko magawa dahil sa hilo. Ilang sandali pa ay sumakay narin si Kevin, tahimik, wala kaming kibuan.


***

Sa bahay nila.


“Kevin, sorry ha.”

“Wag ka na magsalita Mark. Matulog kana.”

“Galit ka ba?”

Buhay mo yan. Gawin mo ang gusto mong gawin. Bahala ka. Kung masyado ka nang nasasakal... kumawala ka na.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento