Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter46


CHAPTER 46

Late kami dumating. Mahigit isang oras din ata yun. Dali-dali kaming pumasok ng restaurant at agad na hinanap sila Kevin. Iilan lang ang nakaupo sa loob kaya madali naman namin sila nakita. Hawak-hawak ko ang kamay ni Mariel, lumapit kami sa kinauupuan nila.

“Hello.” bati ni Mariel. May ilang hakbang pa ang layo namin sa kanila.

Tumayo naman agad si Kevin para salubungin si Mariel, kakamayan sana niya ito pero yakap ang ibinigay ng girlfriend ko. Halata sa mukha niya na namiss niya si loko.

“Kumusta kana? Siya ba girlfriend mo?”

Sweet talaga si Mariel sa mga kaibigan. Lagi mo siyang makikitang nakangiti kapag nakikipag-usap sa iba... laging masaya, nakakahawa kaya ang sarap niyang kasama.

Tumayo naman agad yung girlfriend niya. Nilapitan ni Kevin at hinawakan sa bewang.

“Yes. She's Anne.”

“Hi.” matipid na bati ni Anne. Halatang nahihiya pa.

"Babe, this is Mariel."

Babe amp. Natawa ako.

Nilapitan ni Mariel si Anne, nakipag beso-beso.

“Nice to meet you Anne. You're so pretty.”

“Thank you.”

"Bagay na bagay kayo ni Kevin."

Napangiti yung dalawa.

Inabot ko naman ang kamay ko sa girl friend niya.

"I'm Mark. Mukang nakalimutan nako ipakilala ng boyfriend mo." sabi ko.

Napangiti naman ang lahat maliban sa isa... si Kevin.

"Hello Mark."

Inabot naman niya agad ang kamay ko ng nakangiti at pagkatapos ay nag-aya nakong umupo.

“Kanina pa kayo? Sorry ha. Eto kasi si Mark ang tagal.”

“No. It's okey. Kapapasok lang din namin dito, ten minutes ago.” sabi ni Anne.

“Okey lang talaga kayo dito? Pwede tayo lumipat ng ibang resto if you want.” sabi ni Mariel.

“Okey na dito. Favorite kasi ni Kevin si Jollibee. Tssk.” sabat ko.

Sinipa ako ni Kevin sa ilalim ng mesa ng pasimple.

“Ako pa ituturo mo eh ikaw nga itong nagtext na dito tayo magkita."

Napangiti tuloy yung dalawang dilag na katabi namin. Nahiya naman ako. Bisto!

“Kayo talagang dalawang magkaibigan kahit kailan. Ang dami niyong nalalaman. Tara na umorder na tayo baka hindi pa natin abutan yung last full show. Kasi naman kayo, ang pangit ng time na naisip niyo. Ang dami naman sanang pwedeng oras at lugar.” sabi ni Mariel.

Tumingin ako kay Kevin. “Eh kasi.---”

“Oh ano, ako nanaman ituturo mo?”

Buset nato ah. Bakit kaya ang init ng ulo.

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa gaya ng ginawa niya kanina.

Napatingin si Anne sa baba, sa ilalim.

Imbes na si Huget, si Anne pala ang nasipa ko. Putek nakakahiya! Buti nalang medyo mahina lang ang pagkakasipa ko.

“Nako sorry Anne. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry. Sorry.”

Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Anne.

“No need to say sorry. Ikaw talaga. Wala yun.”

Nakangiti naman siya. Nagtataka rin siguro sa naging reaksiyon ko.

“Tara na nga Anne. Tayong dalawa na ang umorder. Hayaan na natin yang mag best friend dito.”

“Ano order niyong dalawa?” tanong nila, magkasabay pa.

Napaisip ako. Napaisip din si Kevin ng ilang segundo.

“B3 nalang kami ni Kevin. Double go large.”

Napatingin sakin si Kevin.

Umalis na yung dalawa para umorder. Naiwan kami ni Kevin sa table na magkaharap.

Tinitigan ko rin siya... ng mabuti na parang nang-aasar.

Nagulat nalang ako ng simulan niya ililis ang kanyang manggas pati kwelyo. Ang dami niyang pasa sa dibdib at mga braso.

“Ano ba ginagawa mo? Baka kung ano sabihin ng mga tao, loko.”

“Hindi mo ba nakikita? Yan yung ginawa mo kanina, sa basketball.”

Inililis din niya ng bahagya ang babang bahagi ng kayang polo, may mga pasa rin akong nakita sa bahaging yun ng kanyang katawan. Maputi kasi siya kaya madaling mapansin. Naawa tuloy ako.

“Sorry.” ang tangi kong nasabi.

Umiling siya, ngumiti.

“Buti nalang ikaw si Mark.”

“Oh bakit naman?”

“Ikaw lang kasi ang bukod tanging nanakit sakin ng hindi ko kayang gantihan.”

Patay don! Nahiya ako bigla sa ginawa ko. Naawa ako sa kanya. Nagi-guilty tuloy ako.

“San mo ba napulot este nakilala yung girlfriend mo?”

Tinitigan niya ako ng seryoso. Sablay nanaman ata ako.

"Kahit kailan ka talaga Mark."

"She's nice." bawi ko.

Napangiti naman siya.

"Ex ko."

"Ah."

"Naikwento ko na siya sayo, diba?"

Tumango ako.

“Okey nako Mark. Masaya ako, mas masaya ako ngayon.”

“Edi ayos pala.”

Tumango siya.

“Mark salamat, ha.”

“Para saan?”

“Sa lahat. Sa pagkakaibigan.”

“Para ka naman nagpapaalam niyan. Magkaibigan naman tayo, hindi yun magbabago.”

Umiling siya. Napayuko, medyo nakatago ang mukha.

“Mark.”

“Oh.”

“Kung pipili ka ng isa, sino samin dalawa?”

“Ang hirap naman ng tanong mo. Wala na bang iba. Tssk.”

Pinilit ko nalang tumawa.

“Seryoso. Si Mariel o ako?”

Hindi ko sinagot dahil ayokong magkamali.

“Alam mo bang kung ako ang sasagot niyan... hindi ikaw ang pipiliin ko. Marami pang mas higit sayo sa buhay ko. Marami pang kaibigan ang darating na mas hihigit pa sayo. Seryoso 'to Mark, gusto na talaga kita kalimutan. Ayoko na balikan ang nakaraan Kung ano man ang meron sa atin nuon, wala na yun.”

Ang sakit. Mas masakit dahil sa kanya ko pa yun narinig. Pagkatapos nun ay hindi na kami nag-usap pa.

Ilang sandali pa ay dumating na pala sila, yung dalawa. Kung hindi ko pa naramdaman na tinabihan ako ni Mariel, hindi ko man lang sila mapapansin.

“Mukang seryoso usapan natin ah. Kanina pa namin kayo tinitignan ni Anne mula dun sa counter. Iniisip namin kung ano ang pinag-uusapan niyo.”

“Tara kain na tayo. Gutom na ata ako. Hahaha.” sabi ni Kevin. Masaya na ulit siya, ang mukha niya mukang masaya.

Saglit lang kami kumain. Hindi na halos naubos yung pagkain dahil nagmamadali yung dalawa na manuod ng sine. Last full show kaya hindi pwedeng mahuli kundi sayang lang yung panunuod kasi wala ng kasunod.

Sa maikling oras, naging close yung dalawa. Sila lagi ang magka-kwentuhan at laging nagtatawanan. Madalas ko pa silang nakikitang nagbubulungan habang kami ni Kevin, tahimik lang na nakabuntot sa aming mga kasintahan.

Aalog-alog ang sinehan ng kami ay pumasok. Mabibilang mo lang sa daliriang nakaupo para manuod. Karamihan ay mga magkakasing-irog.

Sa bandang taas, sa gawing gilid kami umupo. May dalawang upuan ang pagitan namin.

Madrama yung pelikula na napili ng dalawa. Walang buhay ang mga eksena. Puro iyakan at salitaan lang.

"Hon, okey ka lang?"

Naka-akbay ako sa kanya habang siya naman ay nakasandal sa aking balikat.

"Oo. Bakit?"

"Kasi mukang malalim ang iniisip mo kanina pa. May problema ba kayo ni Kevin?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Napapansin ko kasi eh."

Hindi ko na siya sinagot. Hinalikan ko siya sa nuo. Mas hinigpitan ko pa ang akbay ko sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa.

Nasa kalagitnaan na halos ng palabas ng biglang lumapit samin si Anne at si Kevin.

"Mariel mauna na kami ha." paalam ni Kevin.

Umayos kami ng upo.

"Maaga pa ah." nagtatakang sabi ni Mariel.

"May pupuntahan pa kasi kami eh. Importante."

"Ganon ba."

"Bye Mariel. Bye Mark. Nice meeting you guys." paalam ng girlfriend niya.

Napatayo ako, hinarap ko si Kevin. Medyo magkalayo sila ni Anne kaya nilapitan ko siya, malapitan.

"Ano problema mo?" mahina kong tanong.

Nag-iinit ako sa galit.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko." mabilis niyang sagot.

Natigilan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinipigil ko ang sarili ko.

"Sige, umalis kana baka hindi pako makapagtimpi sayo."

Tinitigan niya ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

Biglang lumiwanag ang screen. Lumiwanag ang mukha niya. Nakita kong nanggigilid ang luha niya. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento