Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter13


CHAPTER 13

Nag-reply ako.

Kevin, saan ka?

Hindi reply.

Tumawag ako. Nakapatay na ang kanyang cellphone.

Hay. Napasuntok nalang ako sa lamesang nasa harap ko. Siguro ganon talaga. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos sa kanya. Ang dami niyang ginawang maganda sa akin. Napahikbi. Sana magkita parin kami. Sana makasama ko ulit siya. Sana...


~~+~~


Kinabukasan. Do or die game. Semis.


Tulak dito. Hawi duon. Garapalang talon. Rebound kung rebound. Offensive. Tinawagan ako ng pang-apat na foul. Isa nalang, masisipa na ako sa game. Naghahabol kami. Lamang parin ang kalaban ng marami. Patay!


Twenty second time-out. Tawag ni coach.


“Mark, easy lang. Wag ka manggigil sa laro. Kanina kapa sa foul trouble. Mahaba pa yung oras. Kukulangin tayo sa player kung mawawala ka.” paalala ni coach sakin sa kalagitnaan ng game.

Napahawak ako sa nuo habang naghahabol ng hininga. Mala gripong patak ang pawis ko. Hingal na hingal ako. Nakakapagod. Kumuha ako ng isang basong tubig na malamig. Ibinuhos sa mukha ko. Baka sakaling magbago ang laro ko.


Back to the ball game! Tawag ng commentator. Pumito na ng mahaba ang referee na may hawak na bola sa gitna.


Hablot dito. Hablot duon. Paa. Ulo. Siko. Katawanan. Balyahan. Tulakan. Sakitan. Maka puntos lang. Naghahabol kami. Labas pasok ako sa laro.

Third quarter palang, fouled-out nako. Ang sama ng loob ko.


~~+~~


Tahimik na ang gabi ng dumating ako sa bahay. Hinintay pala ako ni yaya para daw sabay na kami kumain. Tamang tama. May take out akong Jollibee. Ibinigay ko sa kanya ang isa. Sabay kaming kumaing dalawa.

“Mark, kumusta laban niyo?” tanong ni yaya.

“Panalo po. Finals na kami.” sagot ko habang kumakagat sa burger.

“Balita ko sikat kana daw. May fans kana nga dun sa kanto.”

“Kanto?”

“Oo. Kinukuha nga sakin number mo.” seryoso siya. Natatawa naman ako.

“Nako. Nambola na naman kayo.”

“Hindi anak. Totoo.”

“Hahaha.”

“Anak.”

“Oh.”

“Kumusta na nga pala si Mariel?”

“Okey naman daw.”

“Mabuti kung ganon. E si ano... si Kevin na kaibigan mo?”

“Ah. Bumalik na sa Manila.”

“Ganon ba. Alam mo ba anak, nagkita nga pala kami kahapon sa... jan sa gawi jan. Hinintuan ako. Pauwi na ata. Ihahatid daw niya ko. Sabi ko wag na. Ayun... bumaba ng kotse niya. Kinukumusta ka.”

“Talaga?”

“Sabi ko naman e diba magkasama kayo palagi.”

“Ano sabi?”

“Oo nga daw pala.”

“Tapos?”

“Wala na. Inaaya ko nga dito sa bahay pero sabi wag na.”

“Ah.”

“May problema ba kayo anak?”

“Wala po.”


~~+~~


Finals.


“Eto na ang game na hinihintay natin. Ipanalo natin 'to.”

“Oo coach. Kukunin natin ang panalo. Pangako!”

“Mark, ikaw ang inaasahan ko. Kulang-kulang na tayo pero alam kong kayang-kaya mo.”

“Kaya coach. Sa atin ang game nato.”

Fifteen minutes na warm up. Sobrang ingay sa loob ng gym. Ang daming tao. Pati mga players ng ibang team, andun din nanunuod.

Final coaching ng first five.

“Mark tulong kayo ni Kevin sa labas ha. Kayo bahala sa play.”

Tama ba ang narinig ko? Kevin daw?

“Mark magsuot kana ng sapatos mo. Last five minutes warm up.”

“Mark... Mark... nakikinig ka ba? Ano ba iniisip mo?”

Lumilipad lang pala isip ko. Akala ko totoo na.

Pagkatapos, pumasok na sila sa court para sa mag warm up. Naiwan ako. Kinuha ang bag ko sa gilid. Umupo ako para magsuot ng sapatos.

“Buti hindi mo nakalimutan magdala ng sapatos?” sabi ng boses sa likod ko.

Pamilyar na boses. Nilingon ko. Hindi ko maisa-isa ang mga mukha. Ang dami palang tao sa likod ko. May mangilan-ngilan pang tumatawag sa apelido ko. Balik ako sa pagtatali ng sapatos.

Handa nako. Tumayo nako. Ilang hakbang palang... natigilan agad ako.

“Sikat ka na kasi. Hindi ka na marunong mamansin!”

Napalingon ulit ako.

Siya nga ba yun... Kevin? 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento