CHAPTER
2
Pagkalipas ng dalawang oras.
Sa bahay ni Mr. Cheng...
Victory party. Buong team kumpleto kasama ang mga sponsors namin. Bumaha ng alak at pagkain. Kami ang tinanghal na kampeyon ng inter-commercial basketball tournament.
Pumasok ang last bonus shot ko dahilan upang makuha namin ang isang puntos na kalamangan sa kalaban. Hindi na nila nagawang hablutin ang kalamangan sa nalalabing tatlong segundo.
Kumamada ako ng bente nuebeng puntos. Career high ko sa isang official game. Bukas ang awarding. Sana makuha ko ang matagal ko ng pinapangarap na titulong Most Valuable Player.
~~+~~
Congratz Lopez.
Salamat Santos. Sayang hindi mo napanuod ang laro ng hon mo kanina.
Oo nga eh. Hayaan mo next time, hon. Teka, nasan ka ba ngayon? Ang ingay ata.
May konting celebration lang.
Inuman?
Konti lang naman.
Wag ka uminom ng marami ha?
Yes boss.
Anong oras ka uuwi?
Maya-maya lang.
Ayan na naman yan.
Hon, baka hindi na kita masundo mamayang eleven.
Okey.
Kita nalang tayo bukas. Labas tayo.
Anong oras?
Mga seven or eight ng umaga.
Okey.
I love you.
Love you too.
Call ended.
Mariel Santos. Siya ang girlfriend ko. Isa na siyang licensed nurse. Kasalukuyag nagtatrabaho sa isang malaking hospital. Halos three years ang agwat ng edad namin. Twenty two siya, ako naman ay nineteen. First year HRM student ako ng maglakas loob akong manligaw sa nuo'y Miss St. Jude University. Simple lang siyang babae. Madalas walang make-up at simpleng mag-ayos pero nagagawa niyang paikutin ang mundo ng maraming lalaki. Mahilig siya sa basketball kaya ginamit ko yun na bentahe upang maipanalo ang laban, para masungkit ang kanyang matamis na oo. Tatlong taon na ngayon ang aming relasyon. Sana kami na hanggang sa huli.
~~+~~
Kinabukasan...
Nagising ako sa init. Tumatama ang araw sa balat ko. Bumangon ako. Kung anong suot ko kagabi, suot ko parin hanggang ngayon. Hinubad ko agad ang pantaas na jersey kong amoy pinaghalong pawis at alak. Naalala ko ang nagdaang gabi na inuman at puro tawanan. Maraming usapang paulit-ulit, halos lahat ay kwento na hinugot sa nagdaang laban. Napapangiti parin ako sa kasayahan. Sana magtuloy-tuloy hanggang mamaya. Hanggang sa awarding. Sana ako ang makakuha ng titulong MVP.
Nilinga ko ang mga mata ko. Naalala ang cellphone ko. Hinanap. Kinapa ko kung saan-saan. Nasa ilalim lang pala ng unan. Agad kong tinignan, binuksan.
Ang daming text messages at missed calls. Sa mga kasamahan ko sa basketball team, sila coach pero karamihan ng mensahe galing kay Mariel.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento