Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter28


CHAPTER 28

Hindi naman ako galit sa kanya, sa ginawa niyang pagsapak sa akin dahil nararapat lang naman yun para pagbayaran ang aking mga kasalanan pero hindi ko talaga maalis ang tampo ko sa kanya. Ang dahilan? Hindi ko alam.

“Naririnig mo ba ako? Umalis ka na kako dito. Hindi kita kailangan.”

Tumayo siya at lumapit sa akin.

“Galit ka sakin ha? Sapakin mo ko.” nilapit niya ang kanyang mukha. “Sige sapakin mo ko. Tutal yan naman ang gusto mo diba? Nagaglit ka sakin dahil sinaktan kita? Pagkakataon mo na, eto gumanti ka, sapakin mo rin ako.”

Hindi ako kumibo. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi niya.

“Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan? Mas masakit ang ginawa mo Mark.” dagdag pa niya.

Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako muling iiyak. Sapat na ang mga luha na bumuhos nung mga nakaraang araw. Masyado ko nang binaba ang pagkalalaki ko. Nawawala na ang pagka-asti ko. Ayoko ng ganon.

Kahit anong pilit ko, pumatak parin ang aking luha nang hindi ko namamalayan. Sinubukan kong itago pero nabigo ako. Tumalikod ako pero hinawakan niya ako. Kinuha niya ang aking ulo at nilagay sa kanyang balikat, hinaplos ang aking buhok, niyakap niya ako ng mahigpit, hinagod ang aking likod.

I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hide

Lost and lonely
Now you've given me the will to survive
When we're hungry...love will keep us alive

Don't you worry
Sometimes you've just gotta let it ride
The world is changing
Right before your eyes
Now I've found you
There's no more emptiness inside
When we're hungry...love will keep us alive

I would die for you
Climb the highest mountain
Baby, there's nothing I wouldn't do

I was standing
All alone against the world outside
You were searching
For a place to hide
Lost and lonely
Now you've given me the will to survive
When we're hungry...love will keep us alive
...



“Ayos ba?” tanong niya.

“Hanep Kevin, ang lakas ng loob mo kumanta.”

“Hanep Mark, ang lakas ng loob mong manglait. Ikaw na nga 'tong..” napailing siya. “Badtrip.”

"Hayaan mo na. Ganon talaga. Hindi lahat ibinigay sayo. Gwapo ka kaya tanggapin mo na pangit talaga boses mo." sabi ko.

“Mark.”

“Bakit?”

“Wag mo naman pagpunasan ng sipon yung t-shirt ko. Giordano yan. Kahilig...”

Loko 'to ah. Biglaan eentra ng ganon. Naging katatawanan tuloy ang sana'y seryosong usapan.

“Mark maligo kana. Amoy paksiw kana.” pang-aasar pa niya.

Patay don! Ayaw tumigil ni loko.

“Maligo kana bilis. Jollibee tayo.” sabi niya.

Ngumiti siya.

"Libre mo?"

"Oo na."

Ngumiti ako.

“Diretso kana sa banyo bilis. Ako na maggagayak ng bihisan mo.”

Kahit naliligo, hindi parin maalis ang ngiti ko. Hindi ko na naisarado ang pintuan ng banyo sa sobrang saya.

“Mark yung towel at brief mo nakasabit sa doorknob. Hindi mo sinara yung pintuan akala mo naman papasukin kita.” sigaw niya.

“Bugok nakalimutan ko lang yun.”

Nahiya naman ako.



***


Sa Jollibee.


“Mark bilisan mo kumain. May pupuntahan tayo.”

“Saan na naman?”

“Basta.” ngumiti na naman siya, nakakagago.

“Ayan na naman yan loko ka. Wag na. Mag bola nalang tayo maya-maya. Dadayo tayo. Makikipagpustahan tayo sa kabilang bayan.”

“Hindi ka ba nagsasawa sa bola. Basta maganda 'tong iniisip ko.”

“Saan ba?” tnong ko. Nakakunot na nuo ko, nagtataka, kinakabahan.

“Basta.”

“Loko ka. Monday bukas. Buong linggo na akong absent.”

“Basta uuwi rin tayo mamaya.”

Kung dati bigla kaming napunta ng Baguio City, baka ngayon mapunta naman kami sa Tawai-tawi. Hahaha. Wala naman akong napansin na bag o kahit ano gamit sa kotse niya.

“Sa daan nalang natin kainin yan. Tara na.” sabi niya habang nakatingin sa kanyang relo.

Alas dos y medya palang naman. Ano problema nato? Mas lalo pa tuloy akong kinabahan. Bahala na nga si Batman. Pumayag narin ako.


***


Palabas na kami ng Pampanga, papuntang South. May kabilisan ang aming takbo, halatang nag-aapura ang driver, mukang may hinahabol.

“Oy malayo na tayo ah. Saan ba talaga tayo pupunta?”

“Pssst.” sumenyas siya, nakaturo sa kanyang bibig.

Buset na Kevin 'to, may nalalaman pang ganon. Kasarap lang tadjakan.

Nang makarating kami ng NLEX, mas lalo pa akong kinabahan. Malayo na kami, malayo na sa aming bayan. Tama ata yung sinabi ko, sa Tawi-tawi kami nato.

"Tawi-tawi?"

Umiling siya.

"Basilan?"

Umiling siya.

“Manila?”

Numiti lang siya kaya alam ko na pero saan sa Manila. Ang daming pwedeng puntahan dun. Baka sa bahay nila pero ano naman ang gagawin namin dun? Sumasakit na ang ulo ko kakaisip kaya tinigil ko nalang.

Alas singko na ng hapon ng makatungtong kami sa Manila. Medyo mabigat na ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan ng Metro kaya andaming shorcuts na ginawa ni Kevin. Halatang may hinahabol. Hindi ko lang alam kung ano.


***


Makapigil hininga ang paglubog ng araw habang pinanunuod mo yun sa gilid ng dagat. Maraming beses ko na yun naranasan dati. Ang pagkakaiba lang ay kasama ko ngayon si Kevin. Pumupula ng husto ang kalangitan habang papalubog si haring araw. Yun ang nagbibigay ng kakaibang appeal sa sunset ng Manila Bay. Tama sila, Manila sunset is the best sunset in the world.

“Dito sa Baywalk ang pinakamagandang lugar to view the sunset in Manila Bay.” sabi niya. Magkatabi kaming nakaupo, nakaharap sa dagat. “Nagustuhan mo?” tanong niya.

Tumango ako. Nakatingin lang ako sa malayo, pinagmamasdan ang pagbabago ng kulay ng kalangitan. Nagmimistulang isang malaking salamin ang karagatan sa magandang kalangitan. Ang hampas ng alon sa dalampasigan ang nagdadagdag ganda sa lugar.

“Lagi ka ba dito dati?” tanong ko.

“Yes.”

“Ah...”

Huminga siya ng malalim.

“Sana sa pagtanda natin maka balik tayo dito at sana kapag dumating ang oras na yun...” humampas ang alon, malakas. Tumigil siya saglit, huminga ulit ng malalim. “sana sa oras na yun kasama parin kita.”

Nakatuon parin ang aking paningin sa kalangitan, sa dagat, sa palubog na araw. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya.

“Mark, masaya ka?” tanong niya.

Tumango lang ulit ako, ngumiti habang nakatingin parin sa malayo.

“Ayokong gumising isang araw na tapos na pala ang panaginip na ito. Kung kasalanan ang pag-ibig sayo, paninindigan kong maging makasalanan habang buhay.” siya ulit ang nagsalita.

Tinignan ko siya. Tinitigan ko nang mabuti ang kanyang mukha, nakatingin lang din siya sa malayo habang nagsasalita. Hinayaan lang niya ako na titigan ang maamo niyang mukha.


***

Alas dose na halos ng gabi nang makauwi ako ng bahay. Hindi ko na siya pinababa ng sasakyan para makapagpahinga na siya agad. May pasok pa kasi kami kinabukasan.

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi parin ako makatulog.

Mababaliw na ata ako kakaisip kay Kevin...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento