CHAPTER
11
Kinabukasan.. Sa practice...
“Tol kanina pa kita hinihintay.”
“Si coach?”
“Ayun. Bakit?” tanong niya. Nagtataka.
“Balik ako ha. Kakausapin ko lang siya.”
***
“Coach, pwede ka makausap?”
“O Mark late ka na naman. Ano ba yun?”
“Hindi napo ako magpapaliguy-ligoy pa.”
“Sige.”
“Aalis ako sa team natin. Sasama ako sa iba.”
“Bakit sa iba pa?” nakakunot na tanong niya.
“Andon kasi yung mga dati kong kasamahan. Hindi na ako nakatanggi.”
“Bibitinin mo naman kami Mark. Iiwanan mo kami sa ere.”
“Si Huget. Malaki magagawa niya sa grupo.”
“Ikaw nga lang ang sinundan niyan dito, tapos iiwanan mo.”
“Kakausapin ko po.”
“Sige bahala. Mukang hindi kana talaga mapipigilan.”
“Salamat coach.”
“Sana magkaharap tayo sa finals.”
***
“Warm up na tayo.”
“Kevin pare, sa ibang team ako maglalaro.” nahihiya ako sa kanya.
“Ha?”
“Pacenxa na pare.”
“Pano ako?”
“Hiwalay ang paglalaruan natin ng team.”
“Ang labo mo naman.”
“Sorry.”
“Okey lang. Sige.”
Tumalikod na siya. Kinuha ang bola. Nagsimula na siyang maglakad papalayo. Ako naman, umalis na. Pumunta sa practice ng bago kong grupo.
~~+~~
A week later. Opening ng Petron Junior Basketball tournament.
Isang oras akong late. Buti nalang wala pa kaming laro. Si Kevin agad ang hinanap ko. Maraming tao. Hindi ko siya makita. Kakausapin ko pa naman siya. Isang linggo na kasi yun hindi nagpaparamdam.
“Bukas second game tayo.”
“Yung dati kong team?”
“Laro sila mamaya. Bracket A tayo. B sila.”
“Ah.”
***
“Kevin pare.” tawag ko kay Kevin. Nasa harapan lang siya. Katabi ng mga dati kong kasama. Out nila.
Hindi ako pinansin ng loko. Sa bench nila ako nakaupo. Katabi ng ilan sa mga kasama ko.
“Mark, kaibigan mo ba yung Huget?” tanong ng isa.
“Oo. Bakit?”
“Hanep sa moves. Ang galing gagalaw sa loob ng court.”
“Idol ko yan.”
“Halata nga ha. Kanina kapa nakatingin sa kanya. Baka naman mainlab ka na niyan.”
“Loko.”
“Maraming fans si kano. Marami na kayo.”
“Gago.”
~~+~~
Panalo sila kanina. Tinambakan nila yung kalaban. Si Kevin ang nagdala ng dati kong team. Nagpaulan siya ng three-points sa buong laro. Kapansin-pansin siya. Ibang-iba siya maglaro.
Namiss ko na ata si loko. Namiss ko na ata yung mga kwentuhan at kulitan namin dalawa. Ang dami kong namiss sa kanya.
Maitext nga.
Pare. Congrats.
Suplado ka naman.
Hindi ka namamansin kanina.
Oy. Reply ka naman.
Walang ni-isang reply. Makatulog na nga lang.
Isang oras. Hindi parin ako makatulog. Bibiling sa kanan. Bibiling sa kaliwa. Hay. Mai-message na nga lang si Mariel sa YM. Kumustahin ko naman. Hindi pa ako nakakatayo, nakatanggap ako ng tawag.
Ikaw! Nang-iwan ka.
Anong drama yan?
Iniwanan moko sa ere.
Miss na kita pare. Tara libre kita ng Jollibee.
Ganyan ka na pala ngayon.
Lasing kaba?
E ano ngayon?
Itulog mo na yan. Bukas mag-uusap tayo.
E kung ayoko?
Bahala ka.
Call ended.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento