Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter25


CHAPTER 25

Naka-upo lang ako sa loob ng balwarte ni Jollibee, dala-dala ang tinake-out ko, hinihintay ang reply ni Kevin. Lumipas ang ilang minuto pero wala parin siyang sagot kaya minabuti ko na siyang tawagan.

The network you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try again later.

Nag-stay parin ako sa loob, nakaupo mag-isa. Naghintay parin, nagbabaka sakali na mag-reply parin siya.


Beep. Beep.

Excited ako na tignan kung sino ang nagtext. Hindi si Kevin kundi si yaya.Bakit kaya? Madalang lang kasi magtext si yaya at pag nagtext yun talaga buong-buo ang mga words. CAPITAL letters lahat.

Mark, san k? Uwi ka d2 haws now. Important.

Bakit yah?

Basta uwi kna. Wait kita. Ge bye.

Ano kaya problema nun? Si yaya ba talaga ang may text nun? Tinignan ko ulit. Baka kasi nagkamali lang ako ng tingin sa sender. Siya nga. Si yaya nga.

Naghintay pa ako ng ilang saglit at nang halos isang oras na akong naka-upo at parang tangang naghihintay sa wala, nagdecide na akong umuwi. Ibibigay ko nalang kay yaya yung tinake-out ko.


***

Hindi agad ako makapasok sa bahay dahil sinusubukan kong pakiramdaman ang paligid. Mukang normal naman, parang dati lang kaya pumasok na ako. Agad kong hinanap si yaya. Nakita ko siya sa kusina, inaayos ang lamesa. Mukang okey naman, nakangiti pa nga eh.

“Yah, bakit po?”

“O Mark, kanina ka pa namin hinihintay.”

“Namin?” pagtataka kong tanong. Nakita ko ang ayos ng lamesa, pang tatlong tao ang nakahanda sa hapag kainan.

“Basta” maikli niyang sagot.

“Yah, dalawa lang tayo dito sa bahay. Bakit tatlo yung plato mo?”

“Ay oo nga pala. Yaan mo na yan jan. Ililigpit ko nalang mamaya pagkatapos natin kumain.”

“Yah, eto pala oh Jollibee para sayo.”

“Salamat anak. Bakit ang dami ata nato?” tuwang-tuwa siya.

Hindi ko na sinagot ang tanong niya.

“Yah panik lang po ako sa taas saglit.”

“Wag na Mark, umupo ka na jan. Kakain na tayo.”

Nakakahiya naman sa kanya. Naghanda siya ng dinner para samin tapos dededmahin ko lang. Kahit hindi pa ako nagugutom, umupo na agad ako. Nagsandok na ng kanin si yaya.May softdrinks pa na paborito ko. Alam kong ayaw yun ni yaya kaya madalang kaming uminom nun sa bahay. Sunod na inilabas ni yaya ang ulam. Adobo.

“Yah, lumulutang sa mantika adobo mo.” puna ko.

“Diba paborito mo yan?”

“Ha. Hindi ah. Si Kevin ang may paborito niyan.”

Biglang ngumiti si yaya kaya mas lalo pa akong nagtaka. Umupo narin siya sa harap, handa na kaming kumain.

Nagulat ako ng biglang may magtakip ng aking mga mata. Nanggaling yun sa likuran ko kaya hindi ko agad napansin. Ang laki ng kamay, nagawa nun na takpan ang halos buo kong mukha. Muka bang bola ang ulo ko?

“Sino ba 'to?” naiirita kong tanong.

“Hulaan mo.” ang laki ng boses niya.

Gago ba. Gawin pakong manghuhula. Pinilit kong alisin ang kanyang kamay pero ang lakas niya. Wa-epek ang ginawa ko.

“Ayokong makipagbiruan.” sabi ko.

“Wala ka naman pala eh. Ang bilis mo sumuko.” nagbago ang boses niya, ngayon ay pamilyar na.

Bumitaw siya.

“Putek parang nadurog ang mukha ko.” sabi ko.

“OA mo Mark.”

Umupo siya sa tabi ko. Para sa kanya pala ang plato na hinanda ni yaya. Kinuskos ko ang aking mga mata at ibinaling ang tingin sa kanya.


Si Kevin pala. Naka school uniform pa. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento