Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter33


CHAPTER 33

Hapon na kami umalis ni Kevin dahil tinulungan pa namin si yaya na maglinis ng buong bahay tutal bakasyon naman atsaka ilang arw din akong mawawala sa bahay kaya ayun. Natambakan daw kasi siya ng ga-bundok na labahin. Si Kevin naman ay napilitang magwalis, mag-agiw at maglampaso ng sahig, halatang hindi sanay sa gawaing bahay habang ako naman ay nanuod ng tv at nag dota. Hahaha.


~~+~~


“Oy Mark. Kanina ka pa tahimik jan? Kinakabahan ka ba?”

“Hindi ah...”

“Hindi naman kumakain ng tao ang pamilya ko. Tssk.”

“Bugok.”

“Si daddy at mommy kilalang-kilala kana. Yung kuya ko parang ako lang kaya wag ka mag-alala. Yung isa naman ganon lang yun, tahimik, pero mabait. Ihanda mo lang ang sarili mo sa dalawa kong pamangkin, mapapasabak ka sa kanila. Hahaha.”

“Uto. Mag-drive ka nalang jan.”

Halos alas nuebe na nang dumating kami sa bahay nila. Naipit kasi kami sa traffic dahil sa bugso ng mga sasakyan sa daan, palabas ng Metro.

Agad kami pumasok sa bahay nila at sakto nandun naman sila tita, buong pamilya.

“Oh ijo, long time no see ah.” salubong ni tito Jamie.

Agad naman akong lumapit sa kanila.

Nung mga nakaraang araw kasi, hindi ko na sila madalas makita. Busy daw sa work kaya ang anak nilang si Kevin halos sa bahay na nakatira.

Lumapit si Kevin sa kanyang mommy, yumakap, humalik.

“Oh Kevin tawagin mo na sila sa taas para makakain na tayo.”

Agad naman pumanik si Kevin sa taas para tawagin ang kuya at ang pamilya niya at ang kanyang nakababatang kapatid.

Ilang sandali pa'y magulong nagbabaan ang ibang kapamilya. Nakapasan kay Kevin ang isang pamangkin habang ang isa naman ay nakasabit sa kanyang leeg. Tinuro ako niya ako sa kanila. May kung anong binulong. Ilang sandali pa'y nagtakbuhan ang dalawa papunta sa akin. Nagulat ako habang si Kevin, todo ngisi. Takte. Kaya pala sa bag ko nilagay ni Kevin yung mga chocolates na binili niya kanina. Yun pala ang hanap ng dalawang bata.

“Mark, this is my kuya Alex.”

Inabot ko naman ang aking kamay at tinanggap naman niya yun agad. Tama si Kevin parang siya lang ang kuya nya, malakas ang dating, kalog din.

“This is ate Michelle, kuya's wife.”

Kumamay nalang ako din ako. Para siyang dalaga, ang ganda niya. Bigla tuloy akong nahiya sa kanya.

“Cris Angelo”

Nagkakilala na kami dati pero saglit lang kami nagkasama, nagkausap. Madalas siyang laging wala sa bahay dahil sa duty at lakwatsa. Kung si Kevin ay kalog, si Angelo ay laging seryoso.

Ang huling pinakilala ni Kevin ay ang malilikot, makukulit, maiingay nyang mga pamangkin na nakakandong sa akin.

“Malamig na ang pagkain. Tara na.” aya ni tita.

Kinuha ni tito Jamie ang kamay ni tita.

Kinuha ni kuya Alex ang kamay ng asawa, kasama ng kanilang mga anak.

“Tara na Mark.” aya ni tito.

Nagulat nalang ako ng biglang kinuha ni Kevin ang braso ko. Napatingin tuloy si Cris na katabi lang namin. Nagulat naman ako.

Ang daming pagkain na nakahain, parang fiesta. Magkatabi kami ni Kevin, sobrang lapit namin.

“Oh Mark kumusta studies niyo ni Kevin.” tanong ni tito.

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain. “Okey naman po. Ayun po lagi ko pong tinutulungan si Kevin sa assignments niya. Nirereview ko po kapag exams niya.”

Bigla akong tinapakan ni Kevin, siniko ng patago. Tinitigan.

“Nako Mark, nakakahiya naman sayo.” sabi ni tita.

“Okey lang po yun.” ngumiti naman ako.

Patay ako mamaya nato sa loob-loob ko.

“Baka naman puro chicks inaatupag niyo. Ganyan ang mga basketbolista, habulin.” sabat ni kuya Alex.

Nagkatitigan kami ni Kevin. Wala ni-isa ang sumagot sa amin.



***

Pagkatapos kumain, nagkaroon pa kami ng time para makapagkwentuhan. Para na talaga akong kapamilya dahil hinayaan lang nila akong makasama sa ilang mga personal na usapan. Ang saya ng pamilya nila. Naikwento ko rin ang ilang parte ng buhay ko. Naalala ko tuloy ang pamilya ko sa Canada, namiss ko sila bigla.

Nilapitan ako ni tita, hinaplos ang buhok ko.

“Mark... anak, ituring mo sana kaming parang sarili mo naring pamilya. Basta open lagi ang bahay namin para sayo. Wag kayo maghiwalay ni Kevin.”

Tinignan ko sila isa-isa. Sinipat ko ang kanilang reaksyon. Para kasi sa akin, baduy ang eksenang yun pero sa kanila hindi, seryoso silang lahat.

Binago ni Michelle ang takbo ng usapan. Madrama na kasi ang nagiging agos ng kwentuhan. Malamang napapansin niya na hindi ako komportable sa ganong eksena.

“Mark nasan girlfriend mo?” tanong niya. Muli naging masaya ang buong bahay, lahat mukhang interesado sa sagot ko.

Tumingin muna ako sa kay Kevin. “Ah... Wala eh.”

“Halata nga... halatang nagsisinungaling. Ganyan din ako dati nung binata pa ako.” sabat naman ni kuya Alex. Nagtawanan ang lahat maliban kay Cris na seryosong nagmamasid.

“Si Kevin naman, may pinopormahan na ba sa school niyo?” tanong naman ni tita.

Tumingin ulit ako sa kanya.

Umiling nalang ako.

“Simula kasi magbreak sila ng girlfriend niya last year, naging seryoso na yan, naging tahimik bigla. Hindi na sumasama sa mga kaibigan, madalang ng lumabas. Buti nga nanjan kana Mark. Napansin kasi namin na malaki ang pinagbago ni Kevin nung maging magkaibigan kayo. Kaya nga nung nagpaalam yan sa amin na lilipat ng school kaya pinayagan narin namin.”

Hindi ko man nalaman yun samantalang halos araw-araw ko kasama si Kevin. Hindi ko man lang naitatanong sa kanya yun. Nakakahiya.


***

Tatlo kami sa isang kwarto, ako, si Kevin at si Cris. Hindi gaanong malaki ang espasyo. Sa kama si Cris at sa baba naman kami ni Kevin, sa nakalatag na kutson.

“Kevin tumigil ka. Loko.”

“Bakit, miss lang naman kita.”

“Bugok ka ba? Magkasama lang tayo kanina.”

“Sungit mo naman.”

“Psst. Wag ka nga maingay. Marinig tayo ng kapatid mo.”

“Tulog na yun.”

“Dumusog ka kasi dun. Kaluwang ng higaan eh.”

Lumayo naman siya bahagya ng higa. Naglagay ako ng una sa pagitan naming dalawa.

“Kevin...”

“Oh.”

“Sorry pala...”

“Sorry? Saan?”

“Marami pa pala akong hindi alam sayo. Hindi man lang ako---”

“Pssst. Wag kana magdrama Mark. Hindi bagay sayo. Matulog na tayo.”


***


Nagising ako. Ginala ko ang aking mga mata... umaga na pala... may araw na.

Tulog na tulog parin si Kevin, nakatalikod ako sa kanya. Nakayakap siya sa akin.

Teka. Oo nga pala, si Cris.

Mabilis kong inalis ang kamay ni Kevin. Mabilis kong inalis ang kanyang paa na nakapatong sa akin. Tumayo ako agad para tignan ang kapatid niya.

Wala na sa higaan.

Patay don! 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento