Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter51


CHAPTER 51

Habang bumabyahe papuntang Mines View Park.

“Oy Mark.”

Inaantok na naman ako. Hindi ko namalayan, unti-unti na pala bumabagsak ang mga mata ko.

“Inaantok ka na naman?”

“Kakakain lang kasi saka ang lamig." Hihikab-hikab. "Nakakaantok.” dagdag ko.

“Iba ka talaga Mark. Lupet mo.”

“Kevin naman... Sino ba naman ang makakatiis na wag aantukin kung ang mga kanta na naririnig mo ay mga sinaunang awitin. Yang mga favorite mong kanta, mas matanda pa satin yan eh.” sabi ko.

Iniject niya yung CD sa stereo at pagkatapos ay inilagay niya sa radio. Humanap ng FM station.

“Oh ayan boss.” sabi niya pagkatapos.

Hindi ko na siya sinagot. Napapikit nako sa antok.

Ilang sandali pa.

Biglang may nag ring. Cellphone ko. Nagising ako. Si Mariel tumatawag.


Oh.
May pinuntahan lang ako.
Si Kevin.
Mamaya uwi narin ako.
Ha?
Okey.
Sige. Bye.


Call ended.


“Mariel?” tanong agad ni Kevin.

Tumango ako habang binabalik ang cellphone sa bulsa ko.

“Hinahanap kana ata?”

“Hindi naman.”

“Ah.”

Babalik na sana ako sa pag-idlip ng bigla siya ulit nagtanong.

“Mark anong regalo ibinigay mo kay Mariel?”

“Roses.” sagot ko. Bagsak na ang ulo at nakapikit na ulit ako.

“Roses?”

“Yep.” pahina na ng pahina ang boses ko.

“Bakit?”

“Favorite niya yun.”

“Bakit sa akin jersey?”

“Diba nga maka Kobe ka? Favorite mo rin yun.”

“Kahit na mahal? Kahit kapusin ka pa sa pera? Bibilin mo parin?”

“O-o...”

“Bakit?”

Napadilat ako. Napakunot nuo.

“Ang dami mo naman tanong Kevin. Anong bakit?”

“Bakit mo ginagawa 'to?”

"Ang alin ba?"

"To"

“Kaibigan kita.”

“Ginagawa mo ba yun sa iba mong kaibigan?”

“Hindi.”

“Eh bakit ako?”

Napabuntong hininga ako. Napakunot ulit ng nuo. Napakamot ng ulo. Natigilan ako ng ilang segundo. Ano ba to, para akong may kausap na toddler. Lahat nalang tinanong.

“Iba ka eh.” matipid kong sagot.

“Panong iba?”

Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita. Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Napansin niya yun. Nagmenor siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Hindi niya ako nililingon. Ang lamig pero parang ibig niyang pagpawisan.

“Mark bakit ganon? Bakit may batas pang dapat sundin sa pag-ibig?” mahina ng boses niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam kong nahihiya siya sa mga sandaling yun.

Nakuha ko naman ang sinabi niya kahit papano pero iba ang naging sagot ko.

“Hindi kita naintindihan.”

“Sana nakatira tayo sa mundo kung saan pwede mong mahalin ang kahit sino.” paputol-putol ang bagbigkas niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Pinag-aralan ko mabuti sa isip ko ang sasabihin ko.

“Wag mo na hanapin pa yang sinasabi mong mundo dahil sa panaginip mo lang yun makikita. Sa mga kwentong pambata lang yun pwedeng mangyari. Hindi dito. Hindi kahit kailan.”

“Susunod ka ba sa batas nila?” ang dami niyang tanong. Ang lalalim ng mga tanong. Naninibago ako sa kanya. Parang ibang tao ang kausap ko. Parang hindi si Kevin na puro kautuan lang kanina.

“Hindi ko ulit nakuha.”

“Yung batas ng pag-ibig. Hehe.” pinipilit niyang tumawa. Halata naman kasi siya. “Batas na nagsasabing ang lalaki ay para sa babae at ang babe ay para lamang sa lalaki. Ganon. kuha mo?” dagdag pa niya. Nabubulol parin siya.

Nagsimula na akong kabahan sa kanya imbes na matawa.

“Oo.” sagot ko.

"Susunod ka?"

"Oo."

“Dahil gusto mo?”

“Ikaw. Nuong nagpaalam ka. Nuong iniwan moko. Umalis ka ba dahil gusto mo?” ibinalik ko ang tanong niya sa kanya dahil hindi ko kayang sagutin yun ng diretso sa sarili.

“Hindi.”

“Alam mo Kevin, tanggap ko naman na kahit kailan hindi pwedeng maging tayo. Kung ganon talaga, hindi ko na yun ipipilit pa. Kung hindi kita pwedeng mahalin sa paraan na bawal, mamahalin kita sa ibang paraan. At yun ang ginagawa ko kaya ko. Kaya ngayon magkasama parin tayo. Bilang isang matalik na kaibigan. Hindi hindi kita iiwan.”

Humarap narin siya sa akin. Pulang pula ang kanya muka.

“Hindi mo ba napapansin?”

“Na alin?”

“Habang tumatagal nagiging*emo na tayo.”

“Napag-uusapan lang naman Kevin.”

“Dati kasi ikaw lang ang madrama, ngayon pati ako nadamay na.”

“Kumana ka na naman Huget. Seryosang usapan, bigla ka sisingit ng ganyan. Ikaw nga itong nagsimula.”

Napangiti siya at kasunod ay tawa na ng malakas. Nabasag na ang seryosong usapan.

“Mark.”

“Ano? Hihirit ka na naman ng walang kwenta.”

Hindi parin mawala-wala ang ngiti niya.

“May ipapakita ako sayo.”

“Loko ka Kevin. Kapag yan walang kwenta. Bubugbugin kita.”

“Nang alin? Nang pagmamahal? Hahaha. Saka ko na nga ipapakita. Baka kasi maiyak kapa.””

“Hanep. Tara na nga. Humahapon na. Mahirap na bumaba kapag ginabi tayo sa daan.”

“So nagpaparinig ka?”

“Ano?”

“Over night? Yun gusto mo? Dito? Sa Baguio?” sabay kindat ni loko.

“Tara na kako para makauwi na tayo.”

“Miss na miss mo na siguro ko, noh?”

“Tara na.”

Mag aalas dos na ng hapon ng marating namin ang Mines View Park. Ang tagal namin humanap ng paparadahan. Puno ang mga parking spaces sa paligid. Mas marami palang tao kapag holiday. Mga dalawang daang metro ata ang layo ng pinagparadahan namin mula sa bunganga ng Park.

Paglabas namin ng kotse, nakaramdam agad kami ng kakaibang lamig. Mas malamig kesa kanina. Marahil ay papahapon na.

Pumasok ulit siya sa kotse para kuhanin ang jersey na bigay ko sa kanya. Inabot niya sa akin.

"Oh."

"Ano gagawin ko jan?"

"Isuot mo. Idoble mo sa suot mo."

"Bakit nga?"

"Malamig na. Baka sipunin kapa."

"Sayo na. Ikaw nga etong mahina ang katawan."

Naglakad siya. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na naman napansin, nasakal na naman ako ni Huget.

"Oy. Nakakahiya loko. Bitawan moko."

"Isuot mo na."

"Sige. Oo na."

"Good."

Ako ang taong hindi pwede imanipulate ng kahit sino. Pero pag dating sa kanya, hindi ko na yun napapanindigan pa. Ewan ko ba kung bakit.

Naglakad na kami papunta ng Parke. Diretso na agad kami sa loob, sa dulo, kung saan maraming tao. Sa gawi ng higanteng bato na nakaharap sa tanawan ng Mines View.

“Mark. Naalala mo ba yung bracelet na binigay mo? Diba dito mo yun binili?” tanong niya. Parehas kaming nakasandal sa malaking bato.

“Oh.”

“Wala na yun. Hindi ko na yun isusuot pa.”

“Edi ayos. Edi kasaya pala kung ganon.”

“Sus. Halatang halata ka Mark.”

“Tara na. Umuwi na tayo. Baka nasimot na lahat ng gamit namin ng mga akyat-bahay.”

“Ayan ka na naman. Binabago mo na naman usapan.”

“"Ano gusto mo sabihin ko? Ano gusto mo mangyari?” napalakas ata ang boses ko. Ang dami pa naman ng tao. Bigla akong nahiya. Putek.

Napangiti siya. Ngumiti na naman ng nakakago. Lalo lang akong nainis.

Umupo siya sa di kalayuan. Sa bandang gitnang upuan na may bubong na pabilog. Sumenyas siya. Inaaya niya akong tumabi sa kanya. Hindi ako lumapit.

Tumayo ulit siya. Nilapitan ako. Inakbayan ako. Wala na akong nagawa kundi sumama.*

“Diba sabi ko sayo, huling bagay na aalisin ko sa katawan ko yung bracelet na bigay mo?”

“Paulit-ulit nalan...”

“Pssst. Diba sabi ko kanina, may ipapakita ako sayo?”*

Bahagya niyang itinaas ang kanan niyang paa.

“Mahiya ka Kevin. Dito mo pa ididisplay yang madumi mong paa.”

“Nakikita mo ba yan?” tinuro niya yung nakasulat sa kanyang kanang paa. Sa pagitang ng sakong at bukung-bukong, nakapaloob. Parang maliit na ibig magsugat. Namumula yun. Hindi ko gaanong makita.

“Letter M yan. Sariwa pa kasi kaya nahihirapan ka pang makita.” sabi niya.

Ibinaba niya yung kanan at sunod na itinaas ang kaliwa. Gaya ng nauna, may isang letra rin dun nakasulat. Namumula din at ibig-ibig magsugat. Letter K ang nakasulat.

“Anong kalokohan naman yan Kevin?' singit ko.

“Permanent tattoo yan Mark. Letter M for Mark, K for Kevin. Hehe.”

“Baduy mo.”

Hahaha. Basta... Kahit saan ako magpunta, lagi na kitang kasama.” 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento