Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter16


CHAPTER 16

Kung iba lang 'to, siguro kanina ko pa 'to nasapak.

Makatayo na nga. Hindi rin naman ako tatantanan ng Huget nato. Mangungulit at mangungulit 'to kahit anong gawin kong pag-iwas. Tama naman ang sinabi ko, talagang hindi niya ako tinigilan. Hanep.


~~+~~


First day of school. Na miss ko ang pagiging estudyante. Na miss ko ang mga klasmeyts at mga kaibigan ko. Namiss ko din syempre ang mga professors. Kailangan ko pagbutihan ang pagaaral dahil graduating nako. Priority ko muna ang pag-aaral ngayong school year. Aalisin ko muna sa bokabolaryo ko ang salitang bolakbol at lakwatsya. Pipilitin ko.

“Hey Mr. Lopez, kumusta naman ang bakasyon?” tanong ni Maggie, klasmeyt ko.

“Okey naman Mags. Masaya.”

“Halata nga eh. Todo smile ka kanina pa pansin ko.”

“Ikaw musta?”

“Okey din. Hindi nga lang kasing-saya mo.”

“O bakit naman?”

“Loveless buong vacation.”

Napalunok ako.

“Ows?”

“Hindi ka naniniwala?”

“Hindi.”

“Bakit?”

“Sa ganda mo na yan. Imposible.”

“Alam mo Mark, tamang-tama ka sa basketball.”

“O bakit?”

“Kalakas mo kasi mambola. Hindi ka parin nagbabago.”

“Kung kasalanan na ang magsabi ng totoo, makasalanan na pala ako.” sabi ko.

“Wag ka ganyan Mark. Sige ka baka mainlove ako sayo.”

“Wag... Pigilan mo yan.”

Natawa naman siya. Napangiti naman ako. Eto ang namiss ko sa school. Ang dami kong pwedeng makausap. Hindi tulad pag bakasyon puro muka nalang ng mga tambay sa kanto nakikita ko. Si Maggie pala, klasmeyt ko,. Crush ko siya matagal na. Alam ko may boyfriend siya na anak ng isang bigating pulitiko kaya medyo dumidistansya ako nuon pero ngayon na wala na sila ng aso este syota niya, pagkakataon ko ng mapapalapit sa kanya ng husto. Wala naman akong balak na iba sa kanya. Kaibigan lang talaga. Basta.

“Congrats nga pala Mark.”

“Para saan?”

“MVP.”

“Tsamba lang yun. San mu naman nalaman?”

“Ako pa.” sabay ngiti.

“Salamat.”

“Treat moko.”

“Ha. Eh... sige next time.”

“Gusto ko mamaya.”

“Baka may gawin ako saka wala ako dalang sasakyan.”

“May dala akong sasakyan. Diba sa Concepcion High-way ka lang? Dadaan naman ako dun eh.”

“Oo. Sige. Saan mo ba gusto?”

“Mall nalang tayo. Dun nalang.”

Anak ng... Buti nalang pala kararating lang ng allowance ko. Hindi na ako naka hindi sa kanya. Nakakahiya naman kung tatanggihan ko.

“Same parin ba number mo?”

“Yes. Call nalang kita maya.”


***


[i]Beep. Beep.


Mark sino ba si St. Jude?

Basta santo yun. Sa kanya pinangalan yung school. Bakit?

E tinatanong ako ng titser namin eh. Sasapakin ko 'tong bading nato. Ako ang favorite tanungin.

Easy lang. Daanin mo sa pacute tutal jan ka naman magaling eh. Ipakita mo yung killer smile mo.

Grrr.

Goodluck. Hahaha.

Hindi na siya nagreply. Naiimagine ko si Kevin na hindi mapakali sa upuan, natataranta. Nakakatawa. Isang linggo na ang nakakaraan ng magpaalam siya sa mga magulang niya para magtransfer sa school ko. Akala ko talaga hindi na matutuloy. Ilang beses niya kinumbinsi pero ayaw talaga siya payagan. Simula hayskul kasi sa Manila na sila nag-aral magkapatid tapos bigla-bilang lilipat dito sa province, graduating pa. Mabuti raw sana kung nun pa niya yun naisipan. Oo nga naman. Nagdahilan nalang si loko na kemo nire-recruit daw kasi siya ng isang fraternity sa school niya sa Manila kaya ayun, epektibo. Pinayagan si Huget. Ka-loko no? Nagsinungaling pa para lang payagan. Na-credit naman yung halos lahat ng subjects nya sa dati niyang school. Naka enroll din siya ng isang subject sa ibang school para hindi sya mahuli. Hindi kasi offer yung subject sa school namin.


***


“Kumusta first day?” tanong ko.

“Wala man lang akong kausap sa room kanina.”

“Sa una lang yan. Naninibago lang sila sayo. Transferee ka kasi saka baka natatakot sila lumapit sa gwapo.”

Tinignan niya ako ng masama. Nakakunot ang nuo at nakasalubong ang mga kilay. Imbes na matakot ako ay natawa pa ako. Lahat ata ng gawin nito sa mukha nya, gwapo padin ang loko.

“Bagay pala sayo yung uniform ko ah.” sabi ko.

Ayan ngumiti na siya.

“Oo nga.” sabi niya.

Pinahiram ko kasi muna siya ng dalawang uniform kasi ayaw daw niya isuot yung pinagawa niyang polo. Palalaban daw muna niya ng maraming beses para hindi mukang bago. Nakakairita daw kasi isuot kapag bagong bili. May school logo kasi yung uniform niya sa school nila kaya no choice, magpapagawa talaga siya.

“Oy Mark, baka naman iwan-iwanan moko dito sa school. Wala pa naman ako laging kasama.”

“Ikaw pa.”

May tumatawag. Nagpaalam ako kay Huget. Sasagutin ko lang kako saglit yung tawag ko. Agad kong tinignan. Si Maggie pala.

Mark saan ka na?

Dito lang sa tapat ng Admin building. Ikaw saan ka?

Ah... kalalabas ko lang sa last subject ko. Daanan na kita jan.

Wag na. Tatawagan na sana kita. May sasabihin kasi ako.

Ano yun?

Baka next time nalang kita i-treat. May importante kasi akong gagawin.

Ah ganon ba. It's okey. Don't worry Mark.

Mags, thanks.

Next time huh?

Yes. Promise.

Okey bye.

Bye.

Hindi ko naman kasi maiwan si Kevin. First day namin 'to bilang schoolmate tapos ipagpapalit ko lang siya sa isang Maggie. Ang dami nang ginawa para sakin ni Kevin. Nakakalula ang mga sakripisyo niya para sakin. Mas pinili niyang mapalayo sa mga kaibigan nya sa Manila dahil ayaw niyang malayo sa akin. Handa niyang isakripisyo ang paggraduate para lang makasamana ako lagi. Ilang beses na siyang napaaway dahil ayaw niya akong nakikitang nasasaktan. Lagi siyang nariyan kapag kailangan ko ng isang kaibigan. Ako? Ano ba ang nagawa ko para sa kanya. Siguro oras na para makabawi naman ako.


“Sino yun?” tanong niya.

Umiling ako. “Wala. Isang kaibigan.” kako.

“Ah.”

“Kevin, gusto mo Jolibee tayo? Treat ko ulit.”

“Aba. Maraming pera.”

“Hindi. Sakto lang.”

“Haha.”


Sa simpleng bagay na tulad nito masaya na si loko. Ang sarap tignan ang kanyang pagngiti na parang sobrang saya. Hindi siya maingay kung tumawa pero nakakahawa.
Nung una ko sya makilala akala ko suplado. Kwento niya kabaligtaran naman ang sa kanya. Magaan na daw ang loob niya sakin sa simula palang.


“Maiba ako. Diba irregular pa ang klase this week?” tanong ulit niya.

“Medyo. Marami pa kasi ang nag-eenroll. Bakit mo naitanong?”

“Wala. Basta.”

“Anong basta?”

“May pinaplano kasi ako.” sabi niya. Nakangiti na naman sya. Natatakot ako sa iniisip nya. Mukang may balak ang loko. Hindi ko nga lang alam kung ano.

“Nako. Kevin, kung puro kagaguhan lang yan, itago mo nalang yang plano mo.”

“Basta Mark,” kumindat siya. “Maaga ka gumising bukas. Susunduin kita sa inyo.”

“Bukas? May klase tayo.”

“Basta. Mga ala una ng umaga.”

“Adik ka ba? Ala una? San naman tayo pupunta.”

“Wag ka na maraming tanong. Basta ako bahala sayo.”


Kahit na hindi ko alam kung ano ang plano ni Kevin, napa oo nalang ako. Ala una ng umaga? Adik ba? Mga limang minuto pa , nagdecide na kami umuwi ni Kevin. Maaga pa nagaya na agad siya umuwi dahil aayusin pa daw niya yung plano nya. Hindi na ako nagdala ng motor dahil delikado daw sabi ni Kevin. Kotse nalang daw niya ang gagamitin namin. Sa madaling salita, siya ang maghahatid sundo sa akin. Tignan natin kung makatagal siya. Dumaan kami sa Jolibee para kumain. Paalis na sana kami nang may umupo sa aming tabi. Galing yung tao sa likod na kinauupuan ko kaya hindi ko agad napansin.


“Aha... may importante daw na gagawin ha.”

Nagulat ako.

Si Maggie pala!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento