Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter22


CHAPTER 22

Napuyat ako. Sabog ako ng pumasok sa eskwelahan. Para akong nakatira ng sandamukal na katol. Ang lalim ng mga mata, nakalobong eyebags, matamlay, ganyan ako kapag kulang sa tulog.

Absent na naman ako sa first subject ko ngayong araw. Nagising naman ako ng maaga pero hindi ko lang kaya bumangon. Tinext ko nalang si Kevin para hindi na niya ako sunduin. Tinuloy ko nalang ang tulog tutal hapon pa naman ang next subject ko.


“Mark tahimik ka kanina pa. Hindi ka ata hyperactive ngayon.”

“Tahimik naman talaga ako dati pa. Tssk.”

“Dati kasi ikaw ang pinakamagulo sa klase. Nahawa tuloy yung mga alipores mo. Wala ka bang sakit?”

“Napuyat lang Mags. Alipores ampu---.”

“At sino naman ang pinagpupuyatan mo? Last week three days kang absent tapos ngayon lutang ka naman. Okey ka lang ba talaga?”

“Grabe ka naman. May mga importante lang ako ginawa.”

“Mukha nga. Hindi ko pa nga pala nakakalimutan promise mo sakin.”

“Anong promise?”

“Yung treat mo. Ano ba yan nakalimutan mo na agad. Hmmm.” pataray na sabi niya.

“Oy Mags, biro lang yun. Tara mamaya?”

Napangiti siya. “Nako Mark, pag drawing na naman yan susuntukin na kita.”

“Sure na 'to.”

“Jollibee?”

“Wag don.”

“Bakit?”

“Basta.”

“E bakit sa Jollibee ko kayo nakita dati ni Kevin?”

“Basta.”

“Sige na nga.”


***

Buset parang lumulutang pa ako. Hindi ko namalayan na natapos na pala ang klase ko. Wala man lang akong natutunan kahit ata isa.

Inaaya ako ng mga kasamahan ko sa dapartment para magbasketball pero hindi ako sumama. Hinintay ko si Kevin sa lobby malapit sa gate ng school. Ang tagal niya at wala man lang text. Baka nasa klase pa yun kaya naglakad-lakad muna ako sa pasilyo ng school. Marami naman akong nakakwentuhang mga kakilala kaya hindi naman ako nainip.


Beep. Beep. Si Maggie pala.

Mr. Mark Lopez III, ano tara na?

Wait lang Mags. May hinihintay lang ako.

Okey. Take your time.

Nasan ka ba?

Dito sa tapat ng department. Walang kasama.

Ah. Sige puntahan nalang kita jan.

Okey.


Pinuntahan ko naman agad siya. Nadatnan ko si Maggie kasama ang ilan niyang mga kaibigan.
Napasobrahan ata ng tabas ang kanilang mga uniform. Hapit na hapit. Mahigsi. Takaw tingin tuloy sa iba.


“Akala ko magisa ka lang?” tanong ko agad.

Sumabat naman agad yung isa. “Ikaw naman Mark, ayaw mo ba kami makasama?” Nagtawan silang lahat.

Ngumiti ako. “Hindi. Hindi. Hindi ganon.”

“Uy Maggie sinusundo ka na ata ng Prince Charming mo.” sabat ng isa.

Pinakilala naman ni Maggie sakin sila isa-isa bago kami umalis.

“Mags may dala akong motor, siguro susundan nalang kita.”

“Mark wala akong dalang sasakyan.” sabi niya habang naglalakad kami.

“Kaya mo ba umangkas?”

“Bakit naman hindi. Exciting.”

“Ikaw. Bahala ka.”


***

Sa mall na kami dumeretso. Naglakad-lakad kami ng konti.

“Mark diba may girlfriend ka?”

“Oo.”

“Baka magalit sya.”

“Nasa Saudi. Wala naman tayo ginagawang masama.”

“Ah. Long distance relationship huh.”

Tumango ako.

“Mark gusto mo manuod ng movie?”

“Next time nalang. May gagawin kasi ako maya.”

“Lagi naman eh.”

Light meal lang yung inorder nya. Nahihiya naman akong umorder ng marami kasi para siyang pusa kung kumain. On diet daw kasi siya. Ang dami namin napagkwentuhan. Sa gitna ng aming kwentuhan may napansin ako na parang dumaan. Pamilyar na mukha. Mula sa aming kinauupuan, malinaw mo kasing makikita ang mga nagdadaan. Maraming tao sa mall ng mga oras nayun kaya hindi ko nalang pinansin.

“Mark...” tawag niya. Tinapik niya ako sa balikat.

“Ah. Parang may nakita lang ako kanina.” mabilis kong dahilan.

“Sino?”

Umiling ako. “Baka mali lang ako.” sagot ko.

“Mark, salamat ha?”

“Saan?”

“Dito.”

“Ah. Sus. Wala yun.”

“So friends na tayo?”

“Matagal na tayong friends diba?”

“Ibang level na syempre ngayon. Dati hindi man lang tayo nagkakausap ng ganito.”

Napangiti ako. “Oo naman.”

“Sana mag champion ang basketball team this time.”

“Sana.”

“Galingan mo ha.”

“Hindi lang naman ako ang naglalaro sa team.”

“Ikaw kaya ang team leader.”

“Alam ko maraming magagaling ang papasok sa team ngayong taon. Maraming batang player.”

“Basta ikaw ang aabangan ko.”


***


Hoy Kevin bakit late na text mo, nandito nako sa bahay. Text ko sa kanya.

Hindi mo naman ako hinintay.

Eh may pinuntahan kasi ako kaya nauna na akong umuwi sayo.

May ibibigay pa naman ako sayo.

Ano yun?

Wag na baka hindi mo magustuhan.


Nagdrama ka na naman.

Bukas nalang. Sige tulog ka na.

Oy loko nagaaral ka ba ng mabuti ha?

Oo naman. Ikaw lang naman ang hindi Mark.

Oy Kevin, labas tayo?

Baka busy ka.

Kaya nga kita inaaya eh.

Libre mo?

Oo. Sige na.

Jollibee?

Saan pa nga ba? E dun lang naman tayo kumakain.

Sunduin kita jan sa inyo.

Wag na. Ako nalang susundo sayo.

Bahala ka.


***


Edi ano pa nga ba. Ayun sa Jollibee na naman kami napunta. Kung may loyalty award lang nako matagal na kaming may sabit. Apat na orders ng B3. Go large ang fries and drinks. Wala na masyadong bisita si Jollibee nung dumating kami.

“Oy Kevin, ano yung ibibigay mo?”

“Wag ka magagalit ha?” nakangiti na naman siyang nakakagago.

“Nako. Ayan na naman yan.”

“Tssk.”

“Wag mo nalang kaya ibigay.” sabi ko.

“Alam mo ba kanina?”

“Oh.”

“Maaga ako lumabas ng klase. Nagpaalam ako sa prof namin. Sabi ko emergency. Pumunta ako ng mall.”

Sabi ko na nga ba e. Siya yung nakita ko kanina.

"Ano naman ginawa mo sa mall?"

"Naghanap ng Ipod.”

“Kevin naman naman naman!”

“E alam ko kasi na mahalaga sayo yun. Diba Christmas gift sayo yun ng nanay mo? Gusto ko sana kahit na hindi katulad ng dating Ipod mo, mapalitan yun.”

“Hindi mo naman kailangang gawin yun Kevin. Sinanla ko yun dahil may mas mahalaga akong bagay na gusto kaysa sa kanya.”

“Eto oh.” inabot nya yung isang box. “Buksan mo.” sabi niya.

Binuksan ko naman agad. Isang Ipod ang laman, Ipod Nano na kulay black.

“Pacenxa ka na Mark, yan lang nakayanan ko. Matagal ko yan pinagipunan. Hindi nga lang kasing mahal ng Ipod classic mo.”

Napakamot nalang ako sa ulo. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento