CHAPTER 23
“Kevin... minsan hindi naman kailangan ang materyal na bagay para maging masaya tayo. Hindi mo na kailangan na palitan ang bagay na wala na. Nawala yun dahil mas pinili ko na makuha ang mas mahalagang bagay.”
“Sorry Mark.”
“Kita mo, pati sarili mong pera nagastos mo para lang dito. Akala mo ba gusto ko yun?”
Hindi na siya kumibo. Nakakaawa ang itsura niya kaya minabuti ko ng iliko ang usapan.
“Salamat Kevin.” pambawi ko.
“Kung saan ka masaya Mark Lopez III.”
“Babayarn ko 'to.”
“Gusto mo 'to?” sabi niya sabay lapit ng kanyang kamao sa mukha ko.
“Basta.”
“Sige. Okey para matahimik kalooban mo. Baka hindi ka pa makatulog niyan, kasalanan ko pa.”
“Pero pwede bang ten gives? Tssk.” sabi ko.
“Hanep Mark. Iba ka talaga. Muka ba 'kong Bumbay?”
“Hayaan mo na. Wag ka na umangal.”
Inabot ko yung sukli ni Jollibee sakin kanina. “O ayan. Unang hulog ko.”
Binilang niya. Dalawang twenty peso bill at seventeen peso coins na puro tig pi-piso.
“Nako Mark, wala na talaga ako masabi sayo.”
“Basta huhulugan nalang kita.”
“Open mo na yan. Marami ng songs yan.”
Binuksan ko yung Ipod. Marami ngang songs na laman pero puro jurassic naman. Mas matanda pa ata sakin ang mga kanta. Kahilig ni Huget sa mga ganong kanta.
“Kanino ba 'to? Sakin o sayo?” seryoso kong tanong.
“O bakit na naman?”
“Wala. Gwapo ka kako."
~~+~~
Medyo dumadalas na kaming nagkakausap ni Mariel. Kapag off duty niya, mas mahaba kaming nagkakakwentuhan sa YM. Marami daw pumoporma sa kanya duon. Sabi ko kapag nakakita siya ng mas higit sa akin, go na siya. Siyempre joke ko lang yun. Tumaba na siya kaya lagi kong niloloko tuwing magkausap kami. Mukang okey naman siya kaya masaya narin ako.
Si Maggie naman, close na kami. Lagi kaming magkatabi sa klase at lagi kaming magkasama lalo na pag laboratory. Marami silang similarities ni Mariel kaya siguro napalapit ako sa kanya ng husto. Mabait naman sya, yun nga lang medyo bastusin kasi kung gumalaw at pumorma kaya laging pinagtitinginan sa campus. Sa kanya din ako laging tumatakbo kapag wala akong assignment. Puro sablay naman kasi yung mga assignment na gawa ni Kevin kaya ayun.
Si Kevin naman, walang araw na hindi kami magkasama. Sa umaga sinusundo niya ako. Sa tanghali madalas kami magkasabay mag lunch. Sa hapon lagi ko siyang bitbit sa tambayan ng mga HRM students. Sa uwian lagi kaming naghihintayan at sa gabi madalas nasa bahay siya para manggulo.
~~+~~
Saturday.
Walang pasok. May basketball sana ako kasama ang mga kaibigan sa HRM pero mas pinili ko nalang mag stay sa bahay. Ewan ko ba parang medyo masama ang pakiramdam ko. Nag dota nalang ako at nanuod ng tv maghapon. Sa gabi nalang daw ako pupuntahan ni Huget dahil isinama siya ng mga magulang niya sa isang family gathering. Meron naman daw siya uwing pasalubong para sa akin. Hahaha.
Alas na ata. Pagabi na. Maliligo na sana ako ng may biglang tumawag. Akala ko si Kevin pero si Mariel pala.
Lopez, kumusta?
Oy napatawag ka? Akala ko nakalimutan mo nako.
Pwede ba naman yun.
Ikaw, kumusta ka?
Okey lang. May sasabihin sana ako sayo.
Ano yun?
Mabigat ang bawat kataga na binibigkas niya kaya alam ko may dinadala siya. Mas lalo akong kinabahan ng magsimula siyang umiyak. Ang layo ng pagitan namin pero parang kasama ko lang siya. Ang bilis ng mga pangyayari. Nagulat ako. Hindi ko alam kung ano ang dahilan. Naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong magawa. Hinayaan ko lang siya. Nakinig lang ako at hindi nagsalita. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Sobrang kaba ang nararamdaman lalo na ng marinig ko na ulit ang boses niya.
Siguro maganda kung itigil muna natin kung ano man ang namamagitan sa atin ngayon. Nahihirapan kasi ako na makapag concentrate dahil lagi kita naaalala. Iniisip ko kasi na kung lagi tayong may communication, mas lalo akong maho-home sick dito. Baka hindi ko kayanin at mauwi ako jan ng biglaan. Ilang months narin ako dito pero lagi parin akong dinadalaw ng sobrang lungkot. Matagal ko na 'tong pinangarap Mark dahil gusto ko bigyan muna ng magandang buhay ang pamilya ko. Pinangako ko sa sarili ko na pagsisilbihan ko muna sila bago ako. Kung itutuloy ko ang relasyon ko sayo baka hindi ko kayanin Mark, masisira lahat ng plano ko. You how much I love you Mark. Sana maintindihan mo.
Okey lang ang naisagot ko. Binaba ko ang telepono. Biglang huminto ang mundo ko. Wala akong maramdaman, wala. Namanhid na ata ang buo kong katawan sa sakit, sa hapdi. Para akong sinakluban ng kalungkutan. Tumatawag ulit siya pero parang wala akong naririnig. Hindi ko maigalaw ang aking katawan dahil hinaharang ng isip ko ang sobrang emosyon na binabato ng puso ko. Hindi ko na kinaya, bumagsak ang luha ng isang Mark Lopez. Parang akong batang nagiiyak. Hindi ko ata kaya.
Ilang oras din akong nakatingin lang sa iisang direksyon, lumilipad ang isip ko. Hindi ko alam kung saan patungo. Ilang saglit pa ay tumayo ako at dumiretso sa banyo. Naghilamos at tumingin sa salamin. Huminga ako ng malalim at sinabi sa sarili ko na kaya ko 'to. Ayokong tignan ang sarili ko bilang mahina pero sumasagi parin sa isip ko ang kalungkutan kahit pilit ko man itong labanan. Lumabas ako ng banyo. Ako pa. Astig 'to kako.
Kinuha ko agad ang cellphone ko.
Hello Mags. Saan ka ngayon? text ko.
Nagreply naman agad siya.
Dito lang sa bahay. Bakit?
Pwede ba tayo magkita?
Ngayon na? Gabi na ah.
Oo.
Hmmm. Sige bihis lang ako.
I checked my wallet. Ayun buti nalang may isa pa..
Isa pang condom.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento