Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter32


CHAPTER 32

Magkatabi kaming nakahiga, parehas na nakatingin sa langit. Madalas akong tumambay sa rooftop kapag gusto kong magrelax. Bata pa lang ako ginagawa ko na yun. Naging bihira lang nung ako'y tumanda. Si Kevin ang unang tao na dinala ko dun. Mula kasi sa kwarto ko madali kang makakapunta sa bubong gamit ang maliit na daan palabas sa bintana..

Maaliwalas ang kalangitan, walang gaanong mga ulap, nakasilip ang nakangiting mga bituin na mala-buhangin sa dami. Presko sa pakiramdam ang mahinang paghampas ng hangin na animo'y nangungusap. Tamang-tama lang ang liwanag na nagmumula sa buwan upang masilayan ang paligid, upang maaninag namin ang isa't-isa.

“Mark...” pabulong niyang tawag.

“Oh.”

“Ano plano mo after graduation?”

“Hindi ko alam.” mabilis kong tugon.

“Ah...”

“Ikaw?”

Umiling siya, huminga ng malalim. Matagal siyang nag-isip.

“Hindi ko rin alam.” natagalan bago siya nakasagot. “Kung hindi ako dumating sa buhay mo. May magbabago ba sa plano mo?” dagdag niya.

Napakaseryo ng usapan, ayoko talaga ng ganun.

“Baka. Pwede. Siguro...”

“Ten years from now, ano na kaya tayo?” isa pang seryosongng tanong mula sa kanya.

Umiling lang ako. Ang hirap sagutin ng tanong niya.

“Mark, sino si Kevin Huget para sayo?”

Hindi ko ata napag-aralan yun sa labing-apat na taon sa eskwela. Hindi ko nalang siguro sasagutin.

“Ang dami mo naman tanong.” kako.

“Sagutin mo.”

“Unang lalaki sa buhay ko.”

“Hehehe.”

“Eh ako?”

“Wala lang.” mabilis niyang sagot sabay tawa ng malakas.

Hinampas ko siya sa dibdib, kumabog, napalakas ata. Nilapitan ko agad siya. Hawak-hawak parin niya ang kanyang dibdib, mukang namamalipit sa sakit. Hinawakan ko siya sa balikat. “Kevin okey ka lang ba?” tanong ko. Medyo kabado narin ako sa kanya.

“Bulaga!”

Niloloko lang pala ako ng loko.

Hinayaan ko lang siya tumawa ng tumawa. Mukang ang saya-saya ni loko kaya pagbigyan. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan. Nang humupa ang kababawan ni Huget, ako naman ang bumangka.

“Kevin.”

“Mark.”

“Ikaw bakit hindi mo subukan mang-uto este magmahal ulit ng iba... sa ibang babae.” tanong ko.

“Ayoko.”

“Bakit?”

“Hindi kasi nila ma-meet ang standard ko.” sabay ngiti ni loko.

“Lakas!”

Tang-na.

“Mark.”

“O ano naman?!”

“Ano bang meron ka?”

“Ha?”

“Ano meron ka at bakit ako patay na patay sayo?”

“Hahaha. Ewan. Marami. Tssk.”

“Mas gwapo naman sana ako sayo.”

“Yabang mo naman Huget...”

“Totoo naman di ba?”

Grrr. Napalunok tuloy ako. Seryoso ang pagkakasabi niya kaya mas lalo pang kumukulo ang dugo ko. Hindi ko talaga alam kung bakit ko natiis ang kayabangan ng taong 'to.

“Baka naman may ibubuga ka pa?” tanong ko, mahinahon.

“Ano?”

“Baka kako may ibubuga ka pang kayabangan jan. Sige na ilabas mo na lahat para maubos na.”

Tumawa lang siya, tawa ng tawa. Nag-aasar.

Bumangon ako. Umupo. Tumayo. Sumunod rin naman agad siya.

“Tara na. Inaantok nako. Umuwi kana gabi na.” sabi ko.

“Ayoko. Dito nalang ako matutulog.”

“Wag na. Umuwi kana.”

“Mark naman. Para yun lang, nagtampo kana agad. Parang naglalambing lang.”

Inakbayan niya ako, sinakal at pinitik sa tenga at ilong.

“Paano kalakas mong manlait. Buset ka. Ang sarap mong tadjakan.”

Binitawan niya naman ako agad.

“Sus. Nagtampo na nga talaga. Sorry na.”

Nilapit niya ang kanyang mukha, ngumiti, ginusot ang mukha, nagpa-cute, nagpaka-ewan.

“Sige sige. Tara na bumaba. Itigil na ang kabaduyang 'to.”

Nagukat nalang ako ng bigla siyang nagnakaw ng isang halik, sobrang bilis. Nabigla ako. Tinignan ko ulit siya ng masama pero dinaan lang niya ako sa ngiti, nakakagago.

“Mark, siya nga pala, ano plano mo sa sem break?”

“Wala. Bakit?”

“May plano kasi ako.”

“Tumigil ka Kevin. Ayan na naman yang plano mo. Ayoko. Dito lang ako sa bahay.”

“Basta Mark.”

“Edi ikaw nalang. Kailangan ba lagi mokong kasama?”

“Para ka naman bata.”

“Ano ba kasi yun?”

“Isasama kita sa Manila. Kumpleto ang pamilya. Ipapakilala kita, kila kuya, sa pamilya niya. Uuwi kasi sila. Andon din sila daddy at mommy at yung nakababata kong kapatid. Hindi kasi kayo gaanong nagkakilala nung pumunta ka sa Manila nun. Ngayon sem break nila, I'm sure magkakasundo kayo.”

“Ikaw nalang. Ayoko.”

“Sus. Kesa naman nandito ka. Puro sunog baga na naman ang mga kahalubilo mo. Inom na sandamakmak na naman. E dun, ako lagi ang kasama mo.”

“Hindi kaya mas delikado pa yun? Ikaw lang kasi ang kasama ko eh.”

“Nako Mark. Kahit saan ka pa pumunta. Kahit saan ka pa maglagalag. Kahit ikutin mo man ang buong mundo, hindi kana makakakita ng katulad ko.”

Nag-iisa ka nga lang talaga. Wala nakong mahahanap na kasing yabang mo.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento