CHAPTER 31
Kasabay ng malakas na buhos ng ulan ang pagbuhos ng aking kalungkutan.
Sunod-sunod na busina ng sasakyan sa labas ang nakatawag pansin sa amin ni yaya. Parehas kaming napatayo mula sa pagkakaupo, tumingin sa isa't-isa.
“Mark silipin mo nga yun kung sino.” utos niya.
“Yah naman, ikaw na. Birthday ko po ngayon.”
“Nako ikaw talagang bata ka.”
Agad naman naglakad si yaya papuntang pintuan para tignan kung sino yung nasa labas. Ako naman ay bumalik ulit sa pagkain.
“Mark, may bisita ka.”
Natigilan ako sa pagsubo.
Kinabahan ako. Sino naman kaya yun.
Nanlaki ang aking mga mata. Nakita kong papasok si Maggie kasama ni yaya. Nakangiti siya habang nakatingin sa akin, naglalakad papunta sa kinaroroonan ko. May dala siyang baloons, iba't-ibang kulay.
Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong susunod na mangyayari. Nagsimula na akong mag-isip ng kung ano-ano sa utak ko.
“Happy Birthday Mark.” mahinhin niyang sambit pagkatapos ay inabot niya ang kanyang dala-dala.
Hindi ko man lang nakuhang tumayo at parang napipi bigla. Kinuha ko naman ang kayang binibigay. Nilapitan niya ako at tinapik sa balikat.
“Mark...”
“Napadalaw ka.” nabubulol na naman ako sa kaba.
“Birthday mo diba?”
“Ah.”
Kinuha niya ang silya sa tabi ko at umupo, nakaharap sa akin.
Nakahalata naman agad si yaya kaya saglit niyang pinutol ang aming usapan upang magpaalam. Iniwan niya kaming dalawa para makapag-usap ng masinsinan.
“May pasok ka ngayon diba?” tanong ko.
“Pumasok ako kaninang umaga. Wala ka kaya umabsent ako para puntahan ka dito.”
“Salamat.”
“May regalo pa ako sayo.”
“Ano?”
“Baby.” sabi niya sabay ngiti.
Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain.
“Ha?” gulat na gulat kong sambit.
“Ayaw mo ba?” tanong niya.
Napalunok nalang ako sa sobrang kaba.
“Mark ang cute mo.” pinisil niya ang pisngi ko, napapikit naman ako
“Joke lang yun.” dagdag niya.
“Ha?”
“Matagal ko ng alam Mark pero mas pinili ko na hindi agad sabihin sayo.”
“Bakit?”
Dinasog niya ang kanyang upuan at mas lumapit pa sa akin.
“Gusto ko kasi na ikaw mismo gagawa ng moves para alamin yun. Pero hindi ganon ang nangyari, hindi mo man lang ako dinamayan, sinamahan or kahit itext man lang. Alam kong mahirap para sayo yun pero sana inisip mo na mahirap din yun para sa akin. Ikaw ang lalaki pero hindi mo pinangatawan yun Mark.”
“Sorry.” napayuko ako. Sapul na sapul ako sa sinabi niya.
“Hay Mark. Kung hindi ka lang kita ano eh kanina pa kita sinapak.”
“Anong ano?”
“Basta.”
Napangiti ako, ngiti hanggang langit. Nabunutan ako ng tinik.
“Oy Mark, twenty years old kana. Hindi kana teenager ha. Ang laki mong damulag.”
Isang taon lang ang tanda sakin ni Maggie pero pakiramdam ko milya-milya ang agwat namin kung mag-isip. Siguro tama siya, dapat ko nang talikuran ang pagiging buhay bata, batang isip.
“Kung natuloy ba yung baby, isusunod mo sa pangalan mo kung lalaki?” tanong niya.
“Pwede.”
Nagtawanan kami.
Saglit lang siya namalagi sa bahay. Kumain lang ng konti at nagpaalam na agad.
***
Buong gabi lang ako nakaupo sa harap ng bahay, nakataas ang mga paa sa barendilaya. May pabugso-bugsong ulan parin pero hindi na ganon kalakas kumapara kanina. Pinagmamasdan ko ang bawat sasakyan na nagdaraan.
“Mark, anak hindi ka pa ba papasok?”
“Yah, mamaya napo. Nagpapahangin lang ako ng konti.”
Nakaharap parin ako sa labas, sa daan, sa mga nagdaraang mga sasakyan at si yaya naman ay nasa aking likuran, galing sa loob ng bahay.
“Napansin ko kasi na kanina ka pa jan nakaupo, kanina ka pa tingin ng tingin sa relos mo. May hinihintay ka pa ba?”
“Wala po.”
“Ah. Sige na anak, mauna na ako matulog. Happy Birthday ulit.”
Kumaway lang ako sa kanya, hindi ko na nakuhang lingunin pa siya.
Nanatili lang ako sa ganong posisyon ng ilan pang oras.
Alas onse na ng gabi nang magpasya akong pumasok sa loob para magpahinga.
***
“Kaya pa?”
Napatigil ako sa pagod. Sobra ang hingal, parang gripo na pumapatak ang pawis ko. Tinignan ko siya, ganon din naman ang kanyang itsura, Halatang pagod na pagod din pero nakangiti parin si loko.
“Oo naman.” sagot ko. Hinahabol ko parin ang hininga ko.
Nilabas ko ang bola at ipinasa sa kanya. Binalik niya sa akin at nagsimula ulit ang laban.
Ilang oras na kaming naglalaro ng basketball. One on one, halfcourt. Kung saan- saan kami nagpunta para lang humanap ng basketball court na hindi inulan.
Fifteen minutes before twelve, bago matapos ang aking kaarawan, dumating si Kevin sa bahay. Todo porma si loko na parang aakyat ng ligaw.
“Oy Mark, walang iyakan ha. Talo ka na naman.”
“Pinagbigyan lang kita.”
“Sus. Hanep ka nga mandaya eh. Tssk.”
“Loko. Daya ka jan. Yun ang tinatawag na matalinong paglalaro.”
“Ah. Kaya pala... kaya pala natalo ka... natalo ka ng tatlong beses. Tssk.”
Sa tatlong set na game, ni-isa wala akong naipanalo sa kanya. Badtrip.
Inabot na kami ng umaga sa paglalaro ng basketball. Wala naman pasok kaya okey lang.
***
Ang tagal ko syang pinagmamasdan. Kahit na araw-araw, minu-minuto, kahit bawat sandali, hindi ako magsasawang titigan ang maamo at maganda niyang mukha.
Nakaupo lang ako sa kama, katabi niya. Kahit na sobrang pagod, hindi ko parin magawang matulog. Gusto ko sya titigan ng buong maghapon. Nararamdaman ko ang kanyang hininga dahil sa lapit namin sa isa't-isa, mabigat, mabilis pero ang tamis parin ng itsura niya.
Alas kwatro na ng hapon ng gisingin ko si Kevin. Ayaw pa niya bumangon. Hinatak-hatak ko pa siya para lamang magising.
“Ano ba yan Kevin. Grabe ka naman matulog.”
Nakaupo na siya sa kama pero hindi parin bumubukas ang kanyang mga mata. Naaalimpungatan yata.
“Maligo ka na para makakain na tayo.” dagdag ko.
Ilang beses niya kinuskos ang kanyang mga mata bago dumilat, hihikab-hikab.
“Matulog pa tayo Mark.” hinawakan niya ang aking kamay.
“Mahiya ka naman Kevin. Alas kwatro na ng hapon.”
Hinila ko na siya sa banyo para maligo.
“Oy Kevin, bumaba kana pagkatapos mo maligo. Kakain na tayo. Hinanda ko narin yung mga bihisan mo jan.”
Bumaba na ako para ihanda ang mesa.
After thirty minutes bumaba narin siya, Gulo-gulo ang buhok, nakanguso, naniningkit ang mga mata pero gwapo parin si loko.
“Mark, kapag yan hindi masarap sige ka.”
“Loko ka. Hindi ako nakatulog para lang ipagluto ka.”
“Aww.Sorry. Sorry. Ano ba kasi niluto mo at kailangan mo pang hindi matulog?”
“Adobo.”
Agad siya lumapit sa akin. Nagulat nalang ako ng biglang yumakap si loko.
“Uy loko ka nakatingin sa atin si yaya.” bulong ko sa kanya.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento