Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter50


CHAPTER 50

Baguio?”

“Muka ba 'kong nagbibiro?”

“Ibalik mo na Kevin. Seryoso, ayoko pumunta. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa.”

“Sus.”

“Tignan mo nga suot mo. Yan ba yung ipupunta mo ng Baguio, ha?”

“Oh bakit? Ano problema dun? Komo naka todo porma ka jan eh. Tssk.”

“Loko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo.”

“Ano naman naisipan mo at nagpakalbo ka?” tanong niya. Halatang iniiba ang usapan.

“Semi kalbo yan hindi kalbo.” sagot ko.

“Ganon din yun. Bakit nga?”

"Wala."

"Nice."

"Yung?"

"Gupit mo."

“Ah.”

“Gwapo na.”

“Loko.”

“Dati kasi medyo lang. Ngayon totoo na.” hirit niya sabay tawa.

“Sige mag drive ka na muna jan. Bahala ka kung saan mo gusto pumunta. Kahit sa Iraq pa. Wag lang sa Langit. Tutulog muna ako. Nahihilo nako.”

Pumikit nako. Hindi ko na talaga kaya makipag kwentuhan pa. Hinanap ko kung saan maganda pwesto. Binaba ko yung upuan ng bahagya para maging komportable tulog ko.

“Oy Mark.”

Hindi ko na siya pinansin. Antok na antok na talaga ako.

“Oy... Oy... Mark...”

Kinalabit niya ako. Kinalabit ulit. Hindi ko nalang siya ulit pinansin. Nagtulog-tulugan na ako.

Naramdaman kong biglang bumabagal ang takbo namin.

“Mark may dala ka bang pera jan?”

Biglang nawala ang antok ko. Napaupo ako ng diretso.

“Ha?” ang tanging kong nasabi.

“Wala akong dalang pera. Wala na pala tayong gasolina.” sagot niya. Halatang sa mukha niya ang pag-aalala.

Patay don!

Napalunok ako. Kinuha ko ang wallet ko. Binuksan ko. Lumaki bigla ang mga mata ko.

Kinapa ko ang isa ko pang bulsa. Kinuha ang perang natira kanina.

Inabot ko sa kanya. Nakabilot pa.

“Magkano yan?”

“Sisenta.”

“Sisenta?!”

“Eh hindi pako pinapadalan ng allowance ng nanay ko.”

“Hahaha. Sige itago mo na yan. Pang-load mo nalang.”

“Oh pano yung gasolina? Sabi ko kasi sayo ibalik mo na kanina eh.”

“Joke lang. Naka full tank 'to saka marami akong dala. Hahaha.”

“Putek. Hay. Kayabang!”

“Marami kasi ako napamaskuhan kanina. Hahaha.”

“Hindi kana nahiya, namamasko kapa. Katanda mo na.”

“Ganon talaga. Para maraming pang-date. Tssk.”

“Teka, baka hanapin ka ng nanay at tatay mo. Bahala ka. Wag na wag moko idadahilan sa kanila.”

“Wag ka mag-alala. Balikan lang tayo.”

“Kalakas ng ng trip mo Huget.”

“Hahaha.”

"Makatulog na nga. Gisingin mo nalang ako mamaya."

“Oy wag ka matulog. Sige ka baka antukin din ako. Baka langit ang punta natin nato hindi Baguio.”

“Anak ng tipaklong. Kahit isang oras lang Kevin. Ang sakit na ng mga mata ko. Hindi mo ba nakikita, namumula na.”

“Bakit ka ba kasi nag-inom na naman, ha Mark? Ako ba pinag-iinuman mo, ha?”

“Gago.”

“Hahaha.”

“Bahala ka na nga. Basta ako matutulog nako.”

“Oy wag. Kwento ka nalang.”

“Hindi ka ba makaintindi Kevin. Antok na antok nako.”

“Teka. Hanap tayo ng tindahan.”

“Ng ano?”

“Kape. Marami tayong pag-uusapan.”

Napakamot na naman ako. Kahirap ng may kasamang ganito. Sa totoo lang, ang sakit na ng ulo ko.

Himinto kami sa isang gasoline station. Nasa labas na pala kami ng Pampanga, napansin ko. Nag CR ako para maghilamos. Baka sakaling mahimasmasaan ako.

Nauna akong sumakay sa kotse. Nakaupo lang ako habang nakikinig ng radio. Ang tagal niya. Inaantok na naman ako.

“Oy Mark. Gising. Oy.”

Nakatulog na pala ako.

“Mamaya na tayo bumyahe Kevin. Magapalipas na muna tayo dito ng gabi.”

“Wag na. Para maaga tayo. Sa daan nalang tayo magdahan-dahan. Oh eto kape. Eto pa. Tapos kapag naubos yan, eto pa.”

“Dapat bumili ka pa. Dapat dinamihan mo na. Eh lulunurin mo pala ako sa kape eh.” sabi ko.

“Hahaha. Wag mo kasi ubusin agad. Reserba muna yung iba para kapag inaantok kana itagay mo lang yun iba. Kung yung alak nga eh drum drum inuubos mo, eto pa kayang tatlong basong kape lang.”

“Oh sige. Hige. Ikaw na magaling.”

“Hahaha.”

Hindi pa kami nakakalayo, hindi pa ako nag-iinit sa upuan, may hinintuan na naman si Huget.

“Miss. Apat ngang B3. Double Go large.” sabi niya.

Nag drive thru kami.

“Okey ba? Tsssk.” tanong niya sakin.

“Tamang tama Kevin. Gutom na gutom na kasi ako eh.”

“Kawawang bata. Pano ka niyan mabubuhay Mark. Sisenta nalang pera mo tapos kakain ka pa bukas. Magloload kapa. Kakain ka ulit tapos magloload ka ulit.”

“Naubos nga jan sa jersey mo. Isang libo mahigit yan. Bukas baka padalan nako ng nanay ko.”

“Sorry. Joke lang yun.”

“Okey lang.”

Huminto ulit siya. Pumarada kami sa gilid ng daan.

“Ang drama mo na ngayon.” Inakbayan niya ako.

Pinili ko nalang na wag magsalita. Mahirap na, baka kung anong drama pa masabi ko. Kinuha ko sa plastic yung isang burger at kumagat ng malaki. Baka sakaling pag nagka laman na ang sikmura ko, mawala narin ang natitirang amats ko sa katawan.

Bumitaw siya. Kinuha niya yung coke at uminom pagkatapos ay byahe na ulit kami.

Mag aala-singko na ng umaga ng dumating kami sa Baguio. Napahaba ang byahe dahil sa kapal ng hamog sa daan papaakyat ng bundok. Ang lamig ng paligid. Mas malamig ng dalawang beses kumpara sa pagpunta namin nuon.

Humanap agad kami ng pwedeng kainan. Mas pinili naming mag-almusal sa karenderya malapit sa Burnham Park. Nakakahiya daw kasi ang suot niya. Pero para sa akin, okey naman siya kahit nakapambahay pa siya. Walang magagawa, siya bahala.

Gaya nuong una naming punta, nangangapa parin kami sa pakurba-kurbang mga daan ng Baguio.

Ilang liko at balik ang aming ginawa bago namin maabot ang tuktok ng Lourdes Grotto. Ang dami kong pinagdasal. Ang dami kong hiniling. Ang dami kong sinabi sa kanya. Sana narinig ni Lord yun lahat.

Sunod naming pinuntahan ang The Mansion. Ilang beses parin kaming naligaw kahit na isang damukal na tao pa ang aming pinagtanungan.

Ganon parin. Picture picture parin kay manong guard. Wala kaming dalang matinong camera kaya low class cellphone*cam nalang ang pinagtiyagaan.

Bumaba din kami sa Botanical Garden. Ang lamig. Dun ata ang pinakamalamig na lugar sa mismong Baguio. Marahil ay dahil narin sa dami ng mga puno sa paligid. Kahit saan ka lumingon, may hamog. Kumain ulit kami sa loob ng malawak na Hardin. Ang dami kasi dun pwedeng kainin.


Dumaan kami Camp John Hay...


Lumiko papuntang PMA...

Naki-martsa kami sa mga sundalo ng Academy. Abot ngiti ni loko kapag nakakakita ng sundalo.

“Alam mo ba Mark, pangarap ko talaga maging sundalo.” seryoso niyang sabi.

Umiling ako.

“Nako hindi ka pwede jan.” pagkontra ko.

“Bakit?”

“Hindi pwede ang yabang lang jan. Baka isang linggo ka palang hindi kana tumagal.”

“Hanep Mark. Kaibigan ka ba talaga, ha?”

“Oo naman. Kaya nga nagsasabi ako ng totoo eh.”

Sinakal niya ako. Hindi ko makuhang kumawala sa dalawa niyang braso.

“Gago. Bitawan moko. Nakakahiya.” sabi ko.

“Mark.”

“Oh. Ano? Bitawan mo kako ako. Hindi ako makahinga.”

Binitawan naman niya agad ako. Nakangiti pa si lok, ngiting nakakagago. Ang sarap lang tadjakan.

“Ano ba pangalan ng pabango mo?” seryoso niyang tanong.

“Ah. Bench cologne lang yan.” sabi ko.

“Hindi ba amoy pawis yan? Pawis na na tuyo?”

Inamoy ko ang sarili ko.

“Pucha! Hindi naman ah.”

Ngumiti ulit siya. “Joke lang. Hahaha.”

Mag-aalas dose na ng hapon ng lisanin namin ang kampo ng mga sundalo. Last daw namin pupuntahan ang Mines View Park. Imbes na dumiretso, bumalik kami sa gawi ng Burnham Park. Sa SM City Baguio.

Bumili siya ng pasalubong sa pamilya niya. Brownies. Apat na boxes ng brownies. Binigay niya sa akin yung isa. Puro kahon at pinagbalatan ng brownies ang lagi kong nakikita sa bahay nila. Paborito ata ng pamilya Huget yun. Kahilig!

Bibili pa sana siya ng jacket para sa kanya. Nahihiya daw kasi siya sa suot niya. Hapit na may mukha ni Bugs Bunny ang damit niya. Nauto ko este napilit ko na bagay naman sa kanya kaya wag na.

Duon narin kami kumain ng tanghalian. Sa wakas, hindi na kay pareng Jollibee kami nag lunch.

Sakto ala una ng hapon ng lisanin namin ang Mall.

Last destination... Mines View Park.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento