Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter12


CHAPTER 12

Napaisip ako bigla. Ano kaya problema nun? Baka nagtatampo. Hindi siguro pero... Oo baka nagtatampo lang. Napakamot ako sa ulo. Teka. Bakit nga ba ako na-aapektuhan ng ganito? Hay. Buntong hininga. Naalala ko na naman ang sinabi niya. Oo nga. Iniwan ko siya. Kasalanan ko nga naman yun. Bahala na nga.

Tumayo na ako. Binuksan ang computer sa harap ko. Nag log-in sa YM. Offline si Mariel. Nag message parin ako.

Hon, kumusta?
Wala ng madalas sumuway sakin dito. Hehe.
Miss na kita.
Ingat ka palagi.
Love you.
Bye.


Log-out.

Log-in sa Facebook. Ten minutes. Log-out.

Hindi pako inaantok.

Dota sa garena online. Naka isang game lang ako. Nakakainip mga kalaban ko. Puro noob. Hindi parin ako inaantok.

Log-in ulit sa Facebook. Search. Kevin Huget. Wall. Maraming naka-post ng kung ano-ano. Halos lahat galing sa ibang tao. Photos. Ang dami. Maraming tagged photos si Huget. Karamihan puro kautuan. Personal message.

Pare.
Sorry.
San kaba naglalagi?
Dalaw ka naman dito minsan.
O kaya, puntahan kita jan.
Libre kita ng Jollibee.
Bukas pala. Game namin.
Nuod ka. Hihintayin kita.
Reply ka naman. Miss na kita.


Mark.

Log-out ulit.

Shut down ng computer. Pinatay na ang ilaw. Nahiga na sa kama pagkatapos. Bukas first game namin. Manunuod kaya siya? Sana manuod siya. Gagalingan ko.


~~+~~


Third quarter na pero wala padin sya. Para naman akong timang nato. Titingin ng tingin sa paligid. Naghihintay. Baka sakaling dumating.


Substitute time-out!


“Mark, turnovers mo, ang dami...”

“Sorry coach.”

“Pahinga ka muna jan.”

“Sige.”

"Titingin ka sa bola. Kung saan-saan ka tumitingin eh. Bla bla bla..."

"Sorry coach."

Tang-na. Tumalikod nalang ako.

Natapos ang buong game pero walang Kevin na dumating. Wala pa ata sa sampu ang puntos na nagawa ko sa buong laro. Nahiya ako sa dami ng turnovers ko. Ang dami ko ring sablay na basket. Malas! Buti nalang nanalo kami. Tatlong puntos lang. Muntik na kaming masilat ng kalaban.


~~+~~


Ilang araw ng hindi man lang nagparamdam si Kevin. Ilang araw ko narin siyang hindi nakikita. Sabi ng iba kong kakilala, madalang na daw siya maglaro sa mga game nila. Gusto ko siya kausapin. Gusto ko siyang puntahan. Hindi ko nga lang alam kung paano at kailan.

Isang araw. Inuman pagkatapos ng game. Apat lang kami na magkakaharap. Ako. Si Sam. Si Greg. Si Erik.

“Mark, next week na nga pala flight ko.” sabi ng kaibigan kong taga Amerika. Si Sam.

Tumango nalang ako. "Ingat. Next year siguro, nandito ka ulit?"

"Hindi ko alam. Baka after two years na."

"Ah."

“Ako din. Balik nako sa Cebu sa monday. Enroll-an na kasi.” sabat naman ng isa sabay tungga ng baso.

“Ortho affiliation na namin. Hindi narin ako makakapaglaro sa mga susunod na games.” paalam naman ng isa na taga Manila.

“Ayan. Sana pala hindi na tayo sumama sa grupo. Ilan kayong aalis. Kawawa naman kaming matitira. Sana pala hindi ko iniwan yung dati kong mga kasamahan kung ganito lang din ang mangyayari. Iiwanan niyo rin ako sa ere.” sabi ko. Seryosong tono.

Walang sa kanila ang nagsalita.

Ngumiti ako. Saglit lang. Nilagyan ko ng alak ang kanya-kanyang baso.

“Sige mga pare. Itagay nalang yan.” sabi ko.

Natawa ang lahat sa sinabi ko. Ako, seryoso. Nag-iisip ng kung ano-ano. Matagal-tagal ulit kaming hindi magkikita panigurado. Nalungkot ako. Oo nga. Ako nalang pala ang naiwan dito.


~~+~~


Monday.

Umuwi na si Erik sa Cebu. May laban kami nuong araw nayun. Siyempre panalo. Nagkita nga pala kami ni Kevin sa basketball court. Nilapitan ko siya. Umapir. Tinanong ko. Sabi ko pacenxa na pero matipid na okey lang ang sagot niya. Ngumiti ako. Ngumiti rin naman siya. Kinumusta ko pa pero nag-aapura daw siya.

Thursday.

Tumawag si Mariel. Batong-bato na raw siya dun. Sabi ko umuwi na siya kung ganon. Hindi daw. Kaya pa naman daw niya. Nakauwi narin pala yung dalawang kabarkada ko. Si Sam sa Amerika at si Greg sa Manila.

Saturday.

Naipanalo namin yung una sa tatlong laban sa quarter finals. Natalo naman sila Kevin. Nanuod ako ng game nila. Hindi na niya hinintay ang game namin.

Five days later.

Nasa huling bahagi na ng torneyo. Nakapasok kami sa semi finals. Do or die. Bukas ang laban. Kahit na kulang kami sa team dahil sa pagkawala ng tatlo, nagawa parin naming ituntong sa semi finals. Sila Kevin naman, tuluyan ng nalaglag. Sunod-sunod kasi ang nakuha nilang pagkatalo. Si Kevin, lulubog lilitaw sa laro. Sayang. Nanghihinayang ako sa dati kong grupo.

Malalim na ang gabi. Hindi parin ako makatulog. Iniisip ko ang magyayari bukas. Iniisip ko ang magiging laro. Meron pa palang isa. Siya. Araw-araw nalang akong late nakakatulog dahil sa kanya. Ewan ko ba.

Beep. Beep.

Aalis nako. Uwi nako ng Manila. Start na ng klase sa isang linggo. Ingat nalang tol. Hanggang sa muli.

Kevin

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento