Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter15

CHAPTER 15

Natawa nalang din ako. Oo nga naman mabaho na nga pala ako. Binitawan ko siya. Lumayo ako at dumiretso agad sa banyo. Ang tagal kong naligo. Mga kalahating oras.

“Ang tagal mo naman.”

“E ano ngayon.”

“Kasungit mo naman.”

“Matulog kana.”

“Ngayon nga lang ulit tayo nagkasama tapos patutulugin mo ako agad.”

“Ano naman gagawin natin? Gabi na.”

“Magkwentuhan tayo magdamag.”

“Adik ka ba. Antok na antok nako.”

“Kunwari ka pa e. Kanina lang hanep ka makayakap sakin.”

“Gago.”

Lumapit sya.

“Eto oh yakapin mo ulit ako kahit gaano katagal mo gusto.”

Nakaupo ako, siya naman ay nakaharap sa akin. Binukas nya ang mga kamay na nangaanyaya para yakapin siya.

“Umupo ka dito. Tabi tayo.” sabi ko.

Agad naman siya umupo sa tabi ko. Sobrang lapit namin sa isat-isa. Magsasalita sana ako ng biglang may humalik sa kaliwa kong pisngi. Ang bilis nang pangyayari. Natangin ako sa kanya. Nakangiti siya... ngiting nakakagago.

“Para saan yun?”

“Para sayo.”

“May girlfriend ako.”

Hindi siya kumibo.

“May Mariel nako.” dagdag ko.

“Sorry.”
Ngumiti ako.

“Wag muna natin yan pagusapan. Tara labas nalang tayo?” sabi ko.

“Lalabas tayo? Nakapang romansa ako.” sagot nya. Oo nga naman, naka boxer shorts lang pala si loko.

“Okey na yan gwapo ka naman.”

“Konsensya mo pag na-rape ako.”

“Sige na. Magpalit kana. Ikaw na mamili ng gusto mong isuot dun sa kabinet ko. Mag amerikana ka pa kung gusto mo.”


***


“Ano masasabi mo? Gwapo na ba?” tanong niya habang nakaharap sa akin.

“Pwede na. Pwede nang pag tiyagaan.” Kahit anong isuot nya bagay sa kanya.

“Ikaw Mark, kanina ka pa.” ngumiti sya na parang demonyo na ewan.

“Teka palit lang din ako ng shorts.” sabi ko.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Akala ko ba ililibre kita sa Jollibee?”

“Ah oo nga pala. May kasalanan ka nga pala sakin. Pagkatapos, saan pupunta?”

“Ikaw kung saan mo gusto.” sagot ko habang nagpapalit ng shorts.

“Basketball tayo? One on one. Hanap tayo ng court na paglalaruan”

Tumingin ako sa relos ko. “Alas dose na. Gabing-gabi na.”

“Natatakot ka ba? Kasama mo naman ako.”

“Buset. Hindi kaba mauubusan ng kayabangan?”

Ngumiti lang ulit sya.

“Sige. Kunin mo na yung bola sa ilalim ng kama. Basta ikaw ang magdadala.” dagdag ko.

“Yes boss.”

Naglaro na nga ako kanina sa finals, nag-inom tapos magbabasketball ulit. Hanep sa trip. Hindi kaya ako mamatay nato?

Take out lang ulit kami ng favorite namin na B3. Apat na order. Double go large. Napagkasunduan namin na pagkatapos nalang ng basketball kakainin. Marami kaming napuntahan na basketball court pero walang mga ilaw o kaya naman nakasara na. Halos isang oras kaming naghanap ng court. Sa wakas nakakita kami ng pwede paglaruan. Town plaza yun kaya open kahit gabi. Wala nang tao sa paligid pero lahat ng mga ilaw nakabukas.

“Kevin...”

“Ano?”

“Pano kung hindi sila pumayag na dito ka mag-aral?” tanong ko. Pangalawang ulit na yun.

Matagal sya bago makasagot.

“Hindi ko alam...” sagot niya. Yun din ang sagot niya kanina.

Wala na akong masabi. Naubusan na ata ako ng sasabihin sa kanya. Ilang sandali pa...

“Sus halata ka na naman. Kaya sayo ko eh. Wag ka mag-alala kahit anong maging desisyon nila, desisyon ko padin ang masusunod. Tara, laro na tayo. Patunayan mo na MVP ka.”

Nauna syang maghubad ng suot pangtaas kaya gumaya narin ako. Half court lang kami, one on one.

Nag-dribble siya. Ipinasa sakin ang bola. Nag dribble ako. Nagdrive. Supalpal niya. Naagawan ako ng bola. Ipinakita niya ang mga signature moves niya. Kakaiba talaga siya gumalaw. Madali siya nakapuntos...

Napasarap ata kami ng laro. Hindi na namin namalayan ang oras.

Parehas kami na nakahiga sa sahig ng basketball court. Magkatabi at nakatingin sa taas, sa langit. Pawis na pawis.

“Mark?” tanong niya.

“Oh.”

“May sasabihin ako sayo.” paputol-putol ang kanyang pagsasalita dahil narin sa sobrang hingal.

“Wag muna ituloy yan kung nonesense lang.”

“Hindi.”

“Anu yun?”

“Alam mo bang lagi akong napupuyat kakaisip.”

“Kanino?”

“Sayo.”

“Corny mo naman Huget.”


***


Alas kwatro na ng umaga ng dumating kami sa bahay. Halatang pagod parehas pero masaya naman. Umakyat na agad kami sa taas. Nagpahinga lang kami ng saglit, naligo ulit. Nauna siyang naligo kaya nang matapos ako nakahiga na siya. Grabe naman matulog 'to, konti nalang masasakop na buong kama ko sa isip-isip ko. Tinulak ko sya sa isang gilid para makahiga ako. Nakatulog naman agad ako.



~~+~~



Anong oras na ba at parang kulang padin ako sa tulog? Unti-inti kong binukas ang aking mga mata. May araw na pala. Ang sakit sa mata.

“Tanghali na.” sabi ng taong nakaupo sa harap ko. Inaninag kong mabuti. Si Huget pala.

“Ano ginagawa mo?” tanong ko habang pupungas-pungas.

“Ang cute mo kahit tulog.”

Hindi ko siya pinansin. Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Niyakap ang unan na nasa tabi ko. Itutuloy ko nalang ang pagtulog ko tutal wala naman ako gagawin ngayong araw.

“Hindi ako nakatulog sayo Mark. Niyakap mo ako magdamag.”

Nagpapapansin lang yan sabi ko sa sarili ko. Kunwari nakatulog na ulit ako.

“Mark.”

Ayokong sumagot.

“Mark.”

Kakulit!

“Mark....”

“Ano?”

“Ano ba ako sayo?”

Hindi ko alam ang sagot. Hindi ulit ako kumibo.

“Kasi ikaw... parang drugs. Nakaka adik.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento