Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter57


CHAPTER 57
(The Final Chapter)
PART 1


Mahigit isang taon na ang lumipas.

Naging isang kilometro lang ang pagitan ng Manila at Pampanga sa kanya.

Ganon parin siya... ganon parin kaming dalawa. Kakaiba parin ang mga trip.

Lagi parin siya dumarating sa hindi inaasahang oras. Bigla nalang sumusulpot sa bahay. Nagagawa pa niyang umabsent at mag-cutting classes para lang makauwi ng Pampapanga.

Minsan nga, biglang dumating yun sa bahay ng dis-oras na ng gabi. Wala lang. Trip trip lang.


~~+~~


Malakas ang buhos ng ulan. Kanina pa ako naghihintay. Hindi ako mapakali.


“Mark anak, okey ka lang?”

“Katagal eh. Hindi pa nagrereply.”

“Tawagan mo na kaya.”

“Wag na po. Baka on the way na yun.”



Pagkalipas ng isang oras...


“Anong petsa na. Akala ko ba ala una.”

“Sorry.”

“Nako.”

“Hahaha..”

“Bakit ngayon ka lang?”

“Napuyat ako kagabi... kakaisip. Kinakabahan ako sa laro mamaya.”

“Sus. Oh eto, isuot mo sapatos ko.”

"Wag na. Baka matalo pa."

"Sige na. Malakas tatalon yan."

"Sige. Hige. kung saan ka masaya."


***


Habang bumabyahe...


Sinipat ang oras.

“Jollibee muna tayo.” aya ko.

“Late na tayo---”

“Hindi pa.”

“Bahala ka.”


Huminto kami sa isang malaking gasoline station na may Jollibee bago pumasok ng NLEX.


“Kailan tayo huling nag B3, ...Kevin?”

“Hindi ko na matandaan.”

“Last month?”

“Oo ata. Bakit Mark?”

“Wala lang. Mamimiss ko lang 'to.”

“Ha?”

Hindi na ako sumagot.



“Kevin, nakailang B3 meals na kaya tayong dalawa? ...simula nuon.”

“Kung ano ano naman yang mga tinatanong mo.”

“Mamimiss ko 'to.”

Binatukan niya ako.

“Bakit?”

“Wag ka naman ganyan. Para ka naman nagpapaala niya eh.”

Ngumiti nalang ako.


***


Pahinto na ang buhos ng ulan. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng NLEX.

Pumasok ang sunod na kanta.


Do you know what's worth fighting for?
When it's not worth dying for?
Does it take your breath away
And you feel yourself suffocating?

Does the pain weigh out the pride?
And you look for a place to hide?
Did someone break your heart inside?
You're in ruins

One, 21 guns
Lay down your arms, give up the fight
One, 21 guns
Throw up your arms into the sky, you and I

When you're at the end of the road
And you lost all sense of control
And your thoughts have taken their toll
When your mind breaks the spirit of your soul

Your faith walks on broken glass
And the hangover doesn't pass
Nothing's ever built to last
You're in ruins

One, 21 guns
Lay down your arms, give up the fight
One, 21 guns
Throw up your arms into the sky, you and I

Did you try to live on your own
When you burned down the house and home?
Did you stand too close to the fire
Like a li---



Dumilat ako. Pinatay ang stero.

“Okey ka lang?” tanong niya. Ang mga tingin niya, kakaiba.

“Bakit?”

“Nakakapanibago lang. Tahimik ka kasi. Nagaalala nako sayo.”

“Basta galingan mo mamaya sa game mo.”

“Nag-aadik ka ba?” nagpapatawa siya pero iba ang sinasabi ng mukha niya.

“Loko.”


~~+~~


Sumagasa si Huget sa depensa ng kalabang team na karamiha'y nakaposte sa paligid ng free throw line. Mabilis ang dating ng bawat buslo niya ng bola na animo'y nag-aanyaya na magpakuha.

Sumunod ang iba. Nilihisan niya. Napasok ang loob. Nagawa niyang itapak ang kanyang mga paa sa pinakamalapit na sulok.

Tumalon. Lumipad sa ere. Nakamostra upang tumira. Sinabayan ng dalawa at tinangka nilang pigilan ang pagpukol niya ng bola.

Binitin ni Huget ang bola sa taas. Humarang ang mga kamay ng kalaban sa daraanan ng bola papuntang basket. Halos imposible ng makalusot yun sa sobrang tindi ng depensa.

Patuloy na nauubos ang oras. Naghihingalo ang shot clock.


Tumira siya ng fade away shot. Bumagsak ang huling segundo ng shot clock.


Counted foul!


Natahimik ang lahat. Ang iba ay nakanganga at ng iba ay nakamulat... lahat ay gulat na gulat. Wala na akong masabi sa kanya.


Bonus shot.


Points.



Nagtayuan ang karamihan, nagpalakpakan. Dumadagundong ng sigawan. Lahat ng naririnig ko, puro papuri sa kanya.



~~+~~



After ng game. Manila Bay...


“Congrats... MVP.”

“Salamat.”

“Idol na kita.”

“Sus. Nang-uto pa.”

“Seryoso.”

“Hahaha.”

“Sobrang galing mo na.”

“Dahil sayo yun Mark. Gusto ko laging magpa-pogi sayo.”

Ngumiti ako. Napakunot nuo naman siya.


Umiihip ang malamig na hangin. Malawak na dagat ang aming nasa harapan. Nagtatago ang buwan sa kumot ng kalangitan. Madumi ang himpapawid. Nagbabadyang umulan.

Lingon siya ng lingon sa akin habang ako ay diretso lang ang tingin, nakatuon sa malayo.


“Kevin... ”

Tumingin siya sa akin. Nagsimula na namang bumigat ang aking dibdib.

“Ano yun?”

“Aalis ako.”

“Aalis?” nag-iba na ang tono ng boses niya.

“Yep.”

“Saan ka pupunta?”

“Middle East.”

“Dubai?”

Tumango ako.

“Ah.”

“Malayo yun. Isang libong Manila-Pampanga ang layo.”

Hindi na siya nakasagot. Lumingon ako para tignan siya. Nagkatitigan kaming dalawa.

“Hindi ko agad sinabi sayo kasi---” hindi ko na natapos. Nagsalita na agad siya.

“Kailan ka aalis?”

“Next month.”

“Matagal ka mawawala?”

“Oo.”

“Mga ilang buwan? ...ilang taon?”

“Baka dalawang taon. Pwede rin mas matagal pa dun. Depende. Baka mag cross country nako sa Canada pagkatapos. Bahala na.”

“Masaya ako---.”

Kumalas siya ng tingin. Ibinaling sa ibang direksiyon.

Natapyas ang ilang segundo. Walang imikan.

“Salamat.” tugon ko.

“Hihintayin kita kahit gaano pa katagal.”

“Wag na... wag mo na ako hintayin.”

Pumatak ang luha niya kasabay ng pagbagsak ng ulan.

“Hihintayin parin kita.”

Umiling ako.

“Mamimiss kita... Mark.”

Bumuhos ang malakas na ulan kasing lakas ng pagbuhos ng aking luha ng hindi ko namamalayan.

Most Valuable Player:Chapter56


CHAPTER 56

Gusto mo daw ako makita?”

“Ha.”

“Si Kevin... sabi.”

“Ah. Oo.”

Humigpit ang yakap niya. Ako naman ay nakahawak lang ang kamay sa kanyang bewang. Kaliwa-kanan ang aming mga paa na parang nagsasayaw, sunod sa pintig ng aming puso na nagsisilbing musika.

“Wag ka umiyak.” pabulong kong sambit.

“I love you hon.”

Hinalikan ko siya sa nuo.

“Kanina kapa?” tanong ko.

“Medyo.”

“Ah.”

“Nagluto ako para sayo.”

"Nag-abala kapa."

"Ano kaba. Salamat nga pala dito sa roses."

"Ah."


***


“Hon.”

“Oh.”

“Pansin ko...”

“Na?”

“Naging malamig ka.”

“Ha?”

“Ibang Mark ang nadatnan ko pag uwi ko galing Dubai. Akala ko naninibago ka lang o ako pero...”

“Pero?”

Ang isang segundo ay nagiging mahabang oras.

“Mahal mo pa ba ako?”

“Oo.” sa iisang direksiyon lang nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko magawang ibaling sa kanya dahil hindi ko kayang tignan ang kanyang mukha.

“Katulad parin ng dati?”

Napabuntong hininga ako. Ito na siguro ang tamang oras para maging totoo sa sarili ko at sa kanya.

Umiling ako. “Oo. Hindi. Baka.”

“Nagmahal ka ng iba?”

Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog.

May sagot ang puso ko sa tanong niya pero napipi ang bibig ko.

“May iba?” tanong ulit niya.

Ilang segundong walang imikan...*

Tumango ako.

Narinig ko ang pagbagsak ng luha niya. Tinignan ko siya. Basa ang kanyang mga mata.*

Muling huminto ang mundo naming dalawa.

“Sino sa amin?”

“Hindi ko alam...”

“Sino siya?”

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko. Hinugot ko ang lahat ng tapang ko sa katawan at lahat ng ka-astigan na natutunan ko sa mahigit bente taon ko sa mundo. Wala akong nasabi. Nilamon ako ng kadiwagan.

Niyakap ko siya. Umagos ang luha niya sa balikat ko. Pinunasan ko pero pinigilan niya.


~~+~~


Three months later...


Umuwi ang buo kong pamilya para samahan ako sa mahalagang araw ng buhay ko... ang graduation ko. Sa halos dalawang taon naming hindi pagkikita, talagang namiss ko sila. Sayang dahil dalawang linggo lang sila namalagi dito sa Pilipinas. Hindi pa naman kasi bakasyon ng dalawa kong kapatid sa Canada.

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang. Ngayon paalis na naman sila pauwing Canada at ako, maiiwan na naman dito mag-isa.

Mas pinili kong maiwan dito kaysa sumama sa kanila duon. Ewan ko ba. Hindi ko maiwan-iwan ang Pilipinas.

Si Mariel naman, bumalik sa Dubai para mag trabaho. Magda-dalawang linggo na siya doon. Dalawang taon daw ang kontrata niya sa ospital na pinapasukan niya.


~~+~~


"Oy Marky boy kolokoy..."

Tumingin ako. May tao pala sa likod ko. Si Kevin.

"Nagulat ka."

"Musta?"

"Ikaw ang kumusta?"

"Okey lang."

"Emo?"

"Dito lang ako palagi. Pinanunuod mga nagdadaang sasakyan."

"Sus. Ang dami mo naman sinabi."

"Saan ka?"

"Mag-eenroll ulit."

"Ha?"

"Second course."

"Di nga?"

"Oo nga."

"Bakit."

"Basketball."

"Saan?"

"Manila. Dati kong school."

"Ah."

"Duon nako titira... ulit."

"Ganon ba."

"Susubukan kong pasukin ang pangarap natin. Makapaglaro sa UAAP."

"Kaya mo naman yun."

"Salamat."

"Ingat ka."

"Mamimiss kita."

"Ikaw din."

Tumabi siya sa akin. Inakbayan niya ako.

"Alagaan mo yang paa mo ha."

"Yes boss."

"Pagaling ka agad."

Ngumiti ako.

"Mag wa-one on one ulit tayo."

Ngiti lang ulit ang sagot ko.

"Dapat matalo mo na ako."

"Makikita pa ba kita?"

"Oo naman. Sa Manila lang ako pupunta, hindi sa kabilang buhay."

"Seryoso naman."

"Hahaha. Basta dadalaw-dalaw parin ako kaya lang magiging madalang na."

"Ah."

"Ikaw ba, ano plano?"

"Dito muna. Bahala na."

"Balitaan mo nalang ako."

Tumango ako.

"Maaga kang matulog."

"Oo."

"Wag kana iminom."

"Babawasan na."

"Pati drama mo, bawasan mo narin."

Napangiti ako.

"Mahal kita. Hindi yun magbabago."

Naluha ako.

"Hindi bagay yang luha mo Mark."

"Loko."

"Tandaan mo Mark, kahit saan man tayo lupalop ng mundo makarating," Kinuha niya ang kamay ko. "Lagi ka lang nandito." Inilagay niya yun sa tapat ng kanyang puso.

"Baduy...."

"Hahaha." Itinaas niya ang dalawa niyang paa sa barendilya. Nakita ko ang tattoo sa kanyang magkabilang paa. "At dito." Tinuro niya ang letra kung saan nagsisimula ang pangalan ko.

"Salamat Kevin."

Yumakap siya bigla. Mabilis. Tumayo siya at nagpaalam na.

"Hanggang sa muling pagkikita Mark."

Tumalikod na siya at naglakad papalayo. Bago pa man siya makapasok sa sasakyan niya, tinawag ko ang pangalan niya.

"Kevin."

Lumingon siya.

"Wag ka masyadong mayabang dun, ha... baka mabugbog ka." sigaw ko sa kanya.

Naluluha siyang muling tumalikod. Pumasok sa kotse at ilang sandali pa, naglaho na siya sa aking mga mata.

Most Valuable Player:Chapter55


CHAPTER 55

Oy Mark, gising. Oy.”

Ang sakit ng ulo ko dahil sa sobrang puyat.

“Inaantok pa 'ko.”

“Mag aalas nuebe na. Gayak kana. May exam ka diba?”

“Matutulog muna ako ng konti Kevin. Alas diyes y medya pa naman exam ko.”

“Wag na. Ganon din yun.”

“Hindi kasi ako nakatulog kagabi.”

“Oh bakit?”

“Kumikirot kasi ang paa ko magdamag.”

Pati puso ko.

“Umiinom kaba ng mga gamot mo?”

“Oo.”

“Ano sabi ng nurse mo? Si Mariel.”

Umiling ako.

“Oh bakit?”

“Apat na araw na niyang hindi sinasagot yung mga text at tawag ko.”

“Bakit naman?”

Natigilan ako. Mas pinili ko nalang wag magsalita. Kinuha ko ang unan ko na nasa gilid at niyakap ng mahigpit. Muli akong pumikit.

“Sige Mark, matulog ka muna. Gigisingin kita after thirty minutes, ha? Igagayak ko na yung mga gagamitin mo.”


***


“Oy Mark. Wag ka naman sumimangot. Sige ka, baka itlog ang makuha mo mamaya niyan sa exam.”

Ngumiti ako kahit kunwari lang.

“Oy teka, nag review kaba kagabi?”

“Sumakit nga magdamag yung paa ko.”

“Dapat tinext mo ko.”

"Edi nangulit ka lang. Lalo lang akong napuyat."

“Sus.”

“Mangongopya nalang ako mamaya.”


***


“Miss apat na B3. Double go large. Coke.”

“Okey sir.”

“Wait miss. Yung chicken joy niyo.”

“Yes sir.”

“Kapag ba kinain namin yun, magiging maligaya 'tong kasama ko?”

“Sir?”

“Chicken joy kasi eh. Hehe.”

Napatingin nalang ako sa kanya kahit na walang kwenta joke niya.

“Joke lang.” sabi niya.

“Sir okey napo ba?”

“Teka miss.”

“Yes sir...”

“Pahingi narin ng sabaw.”

Napaisip tuloy yung empleyado ni Jollibee.

Siniko ko si Kevin sa tagiliran. Nginitian lang ako ni loko.

“Joke lang ulit.”

Napangiti narin si Miss.


***


“Mark, ano balak mo bukas?”

“Hindi ko alam. Ikaw?”

“Si Mariel?”

“Hindi ko alam.”

“Happy Valentines Mark.”

“Ikaw?”

“Wala na kami... ni Anne.”


~~+~~


Isang araw bago ang laban kung saan ako nagkaron ng injury.


Nasa bahay ako nuon, nag do-Dota sa Garena. Pasado alas tres na ata ng hapon ng makatanggap ako ng text message mula sa hindi inaasahang pangalan. Si Anne. Girlfriend ni Kevin.


Mark.

Anne. Musta?

Busy ka?

Hindi. Bakit?

Pwede ba tayong mag-usap?

Ngayon?

Yes. Sana.

Okey. Saan ka?

Fiorgelato

Okey. I'll be there in ten minutes.


Pagpasok ko palang ng coffee shop, nakita ko na agad siya. Iilan-ilan lang ang tao sa loob. Nasa isang gilid siya, gawing dulo nakaupo. Lumapit agad ako. Nakita niya naman ako habang papalapit.

“Hi.” pagbati ko.

Ngumiti naman siya.

Kahit na nakangiting Anne ang sumalubong sa akin, hindi parin naitago nun ang nanggigilid na luha mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Madali ko yun napansin dahil yun agad ang tinitignan sa isang taong hindi ko madalas nakikita at nakakasama... mata.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang siya kaya mas pinili ko nalang na wag muna magsalita.

Ilang saglit pa...


“Break na kami.”

“Anne.” lang ang naging tugon ko.

Nagsimula ng pumatak ang kanyang luha.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ibinigay sa kanya. Agad niya yun kinuha. Nagpunas ng uumaagos na luha. Ngumiti ulit siya pero ako, nakatitig lang sa kanya.

“Sorry Mark.”

Umiling ako.

“Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Gaya ng dati, ganon parin ako sa kanya pero siya alam kong meron ng iba. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko, nararamdaman ko, hindi na ako ang nasa puso niya. Mahal ko siya kaya pinapakawalan ko na siya. Masakit. Oo masakit siguro ngayon pero mawawala rin siguro 'to. Baka. Sana. Basta masaya siya, magiging masaya narin ako para sa kanya.”

Nakatitig lang ako sa kanya. Ilang segundo ang nagdaan pero wala akong nasabi kahit isang salita.

Hinaplos niya ang aking mukha. “Huy Mark.”

Wala parin akong nasambit.

“Masaya ako dahil nakilala kita. Ikaw na bahala kay Kevin, ha? Ikaw lang ang katapat nun.”

Napatango nalang ako. Ngumiti siya. Hindi na ako nakaganti pa.

“Hope to see you again... siguro in Manila. Hehe.”

Humalik siya sa akin... sa pisngi.*

“Bye.”*

Umalis na siya habang ako ay napatingin nalang sa baba, napatulala.


~~+~~


Wala parin ako sa sarili kinabukasan. Sa unang quarter palang ng game nuon, napansin na ni Kevin na malamya ang aking laro. Ilang beses din akong nilabas ni coach sa loob ng court dahil sa sunod-sunod na turnovers na aking ginawa.


Back to the ball game!


“Mark, okey ka lang ba?”

“Yep coach.”

“Ingat ka. Yung mga talon mo, napansin ko medyo wala sa tiyempo. Ano ba ang nangyayari sayo? May problema ba? Dapat wag mo dalin dito sa laro, delikado.”

Hindi ko na pinasin si coach. Ako ang uang pumasok sa loob ng court.

Pumito na ang referee na naka pwesto sa gitna pagkatapos ay tumunog na ang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na muli ang game.

Ilang baba palang ng bola ay na steal na agad nila. Ako ang nagdadala ng maagaw ng kalaban. Hindi ko na mabilang ang nagawa kong kamalian. Sinubukan ko pang isalba ang aking pangit na laro pero nabigo lang ako.

Gaya ng pangamba nila coach, nangyari ang kinakatakutan ko... ang makakuha ng serious injury.


~~+~~~


“Oy Mark. Ang lalim na naman ng iniisip mo. Bilisan mong kainin yang fries at burger mo, may exam ka pa. Mag aalas diyes y medya na.”

Hindi ko na inubos ang pagkain. Pumasok na ako sa school. Hinatid lang niya ako dun at umuwi narin. Wala kasi siya klase nuong araw na yun. Susunduin nalang daw niya ako sa uwian ko sa hapon.


***


“Tara sa loob?”

“Hindi na. May gagawin pako.”

“Nako. Tara na.”

“Sige na. Pumasok kana.”

“Ka arte mo Huget. Tara na. Ang aga pa. Anong oras palang. Alas sais palang.”

“Oh eto.”

Kinuha ko ang inabot niya.

“Roses?”

“Ibigay mo sa kanya.”

“Ha?”

Ngumiti siya.

“Bye.”

Umalis na siya. Ako ay naiwan sa na nakatayo sa gate ng parang*tangang nag-iisip.

Agad akong pumasok ng bahay. Nakakapanibago, walang nakabukas na mga ilaw. Walang kaingay-ingay sa paligid.

Binukas ko ang ilaw. Inilapag ko ang aking bag sa maliit na lamesa sa sala. Ibinukas ko ang tv. Dahan dahan akong umupo at maingat na inalis ang AIR Cast na aking suot sa kaliwa kong paa.

Napansin ko na may nakahain sa hapag kainan. Parang may handaan. Lumapit ako. Tinignan. May ilang potahe. Lahat paborito ko.

"Happy Valentines hon."

Boses galing sa madilim na bahagi ng kusina na walang naka bukas na ilaw. Lumapit siya.

Yumakap siya. Hinalikan niya ako.

"For you." Inabot ko ang tatlong rosas na hawak ko.

"Sorry hon. I love you." sabi niya. Hinalikan ulit niya ako. 

Most Valuable Player:Chapter54


CHAPTER 54

Mark.” hinawakan ni Kevin ang kamay ko. “Andito lang ako sa tabi mo.”

Binuhat ako ng ilang tao. Isinakay sa strecher. Isinakay sa ambulansya. Nagsimula na akong makaramdam ng takot.


~~+~~


Sa ospital...

Splint.

X-ray.


Initial diagnosis: Closed Proximal Fibular fracture, Complete.


Serious? “Yes”, sabi ni doc. "All kinds of fractures or broken bones are considered serious medical condition." dagdag niya.

Inilabas ulit ni doc yung x-ray plate. Hindi ko yun tinignan. May sinasabi siyang dalawang kambal na buto sa paa, ang isa dun naputol daw.

Wala akong naging imik. Nakatingin lang ako sa kisame ng ER. Pilit nilalabanan ang nagsisimula ng sakit, pumipintig sa sakit na kulay talong kong paa, nakaumbok at nagsisimula ng mamaga.

Si doc ay tuloy tuloy lang sa pagsasalita. Halos wala na akong naiintidihan sa mga sumunod na sinabi niya, kung meron man iilan lang.

Immobilize... bla... bla... bla...

Running, jumping and sports should be resumed slowly and cautiously... bla... bla... bla... Pu-ta!


"Doc makakapaglaro pa ba siya ng basketball?" tanong ni Kevin na nasa tabi ko lang.

Napatingin ako kay doc. Nakatingin din sa kanya ang tatlo ko pang kasama, nag-aalala.

Umiling si doc.

Mas tumindi pa ang nararamdaman kong kaba.

“Usually, broken bone takes 4-6 months to heal. I'm sorry but you have to accept that you won't be doing the things you want, like playing basketball for a while..."

"May operation po ba? Semento?" nangangatog kong tanong. Pinagpapawisan nako ng malapot sa sobrang takot.

Tinignan ako ni Kevin, nakuha pang matawa ng loko.

"Wala. Pwede ka na nga umuwi bukas basta alagaan lang mabuti yung paa."

Hay.


~~+~~


Thirteen seconds left in the shot clock...


Humanap ng papasahan. Walang makita dahil mahigpit na man-to-man defense ang bantayan.

Umaandar ang oras ng five seconds violation... five... four... three... two...

Pasang bahala na. Parang slow-mo ang paglipad ng bola pataas. Lahat ng matang nanunuod ay napasunod. Napatingala lahat ng nasa loob ng hard court.

Tatlo ang tumalon para makuha ang bola.

Ang lupet ni Huget! Sabi ng commentator. Nagtayuan ang karamihan ng nanunuod. Dumagundong ang buong gymansium.

Pag lapag ni Kevin sa sahig ng court, agad niyang ibinuslo ang bola, medyo mabagal.


Twelve seconds left in the shot clock... eleven... ten... nine...


Gumalaw siya pakaliwa-pakanan na parang magaling na mananayaw. Bumibilis ng bumibilis ang pagbuslo ng bola. Cross over dribble mala Kobe Bryant. Sumunod ang dalawa na naka-double team sa kanya.


Eight seconds left in the shot clock... seven... six... five...


Dumikit ang isa sa kanya. Hinawak niya ng dalawang kamay ang bola na aktong ititira. Sumunod ang nakadikit na bantay niya sa papatalon niyang mga paa.


Four seconds left in the shot clock... three... two...


Pumeke.

Bumunggo.


One second...


Tumalon siya, nakataas ang mga kamay hawak ang bola.

Halos kasabay ang pito ng referee na nakataas din ng kamay. Foul!

Slow-mo na naman ang byahe ng bola sa ere.

Umiikot.

Pumito ulit si ref. Counted!

Kasunod ang ang mahabang buzzer hudyat ng pagtatapos ng twenty four second shot clock.

Naihagis ni Kevin ang bola bago pa man tumawag ng foul.

Dumagundong ulit ang gymnasium. Ang ingay. Nakakabingi sa ingay.

Jersey number 19, Huget, three... points! napayo sa kinauupuan ang dalawang commentator.

Deadlock ang score. Fifty nine all.

Pumwesto si Kevin sa free throw line para sa bonus shot.

Nag dribble ng ilang beses. Tumigil. Huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin. Ngumiti.

Magaan niyang ni-release ang bola. Gaya ng kanina, sinundan yun ng maraming mata.

Manipis na pito ni ref. Sumenyas.

Free throw... Good!

Sixty. Fifty nine ang score. Abante ang College of Business, Commerce and Accountancy ng isang puntos laban sa College of Nursing. Nasa huling bugso na ng laban sa pagitan ng dalawang koponan para sa kampiyonato.

First round palang ng laglagan, nasipa na ang team ko bunsod ng sunod-sunod na pagkatalo. Nang mawala ako sa laro dahil sa injury anim araw na ang nakakaraan, naging mailap na sa amin ang mga panalong inaasahan upang makaangat kami sa quarter finals. Pagkatapos ko, may isa pang kasamahang nagkaroon ng injury. Nagmistulang pilay ang buong team kaya naging mailap sa amin ang tagumpay.

Nang mawala ako sa laro, agad na nagpagawa si Kevin ng bagong jersey na kanyang gagamitin. Imbes na number 23 na madalas niyang ginagamit sa mga laban, pinalitan niya yun ng number 19. Yun ang numero ko sa laro. Maglalaro daw siya para sa akin. Igaganti ako sa team Nursing at kukuhanin ang tropeyo para sa MVP award, ang matagal ko ng inaasam.


~~+~~


Nuong isang araw. Sa bahay.


“Hon, three years and... and six months na tayo sa saturday.”

Tumango ako. Ngumiti.

“Hon, bahay nalang tayo nun ha. Magluluto nalang ako ng favorite mo.”

“Ah. ***.”


~~+~~


Mabilis na nabura ang nalalabing isang minuto at sampung segundo sa third quarter. Wala ni-isang naka puntos sa dalawang team. Fifty nine points laban sa sixty points. Bitbit parin ng Collge of Business, Commerce and Accountancy ang isang puntos na kalamangan.


Back to the ball game!


Sa pasimula ng unang bugso sa huling quarter, nagpalitan lang sa paggawa ng mabilis na basket ang magkalabang team. Sa unang tawag ng timeout, dikit parin sa sixty seven laban sa sixty eight ang score. Hawak parin nila Kevin ang isang puntos na kalamangan.

Oras? Six minutes and twelve seconds remaining.

Sa pagpasok ng mga nalalabing oras, nagbago ang takbo ng laro. Gamit ang bentahe ng maraming supporters at ang mas malalaking bench players, naagaw ng Collge of Nursing ang kalamangan.
Kumamada ng sunod-sunod na puntos mula sa perimeter shots ang mga Nursing dahilan upang mapako sa score na sixty eight laban sa seventy eight, pabor sa kalaban.

Tumawag ng pangalawang timeout. Susubukan nilang sirain ang momentum ng kalaban.


Nag vibrate na naman ang cellphone ko sa bulsa. Nakakailan na yun simula kanina. Ilang text at missed calls narin siguro ang natanggap ko. Hindi ko nalang muna pinansin. Tuloy ako sa panunuod ng game.


Back to the ball game!


Si Kevin ang nagdala ng bola para sa isang opensa. Mabilis niyang naitawid ang bola sa kabilang bakod. Umikot siya sa labas at ipinasa sa mga kasama. Umikot ang bola at nagpapasa-pasa sa iba pero hirap silang ilapit sa basket ang opensa.

Bumalik kay Kevin ang bola. Wala ng natitira sa shot clock kaya napilitan siya itira ang bola.*

Kumalog sa basket.

In and out. Kumawala.

Offensive rebound.

Sa kanila parin ang bola.

Kay Kevin ulit ipinasa at ipinagkatiwala ang pangalawang opensa. Hindi na niya hinintay na pumatak ang maraming oras at agad na nagpakawala ng tres sa labas.


Another three points for jersey number 19, Huget!


Siya ata ang may pinakamaraming fans. Kahit sa bakuran ng kalaban, may fans si mokong. Sikat na sikat na siya. Kilalang kilala na ang pangalan niya.


~~+~~


“Sorry hon, ha. Sa paghihintay.”

Hindi siya sumagot.

“Happy monthsary.”

Hindi ulit siya sumagot.

“Sorry na. Laban kasi nila Kevin.”

“Ah. Ganon ba.”

“Finals kasi ngayon.”

“Finals nila. Monthsary naman natin.”

“May oras pa naman oh. May oras pa to celebrate.”

“Oo nga. Mag aalas dose palang naman... ng gabi.”

“Sorry talaga hon.”

Hinalikan ko siya sa pisngi. Hindi siya gumanti.


~~+~~


Para sayo 'to Mark. Para sayo 'tong MVP award.

Itinaas niya ang tropeyo at tinuro ako. Nagtinginan sa akin ang mga tao. Pinalakpakan nila ako. Gusto ko kanina maluha sa saya kaya lang maraming tao. Lumapit agad sakin si Kevin pagkatapos ng awarding. Yumakap. Masayang masaya.


“Hon,"

"Ha?"

"Nanunuod kaba?”

Tumango ako. “Yep.”

“Kanina ka pa kasi tulala.”

“Hindi.”

Hinalikan niya ako sa pisngi. Hinalikan ko rin siya pero nakatingin ako sa iba. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko na nagawang halikan din siya. Humalik ulit siya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo.

“Hon.” tawag ko.

"Alis nako."

"Bakit?"

"Balik nalang ako sa ibang araw. Baka bukas kapag okey kana."

Kinuha ang bag at nagsimula ng lumakad... palayo.

"Teka."

Mabilis kong kinuha at isinuot ang air cast sa kaliwa kong paa para makapaglakad ng maayos.

Nagmadali akong bumaba.

Hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan pa.

Most Valuable Player:Chapter53


CHAPTER 53

Pinagmasdan ko lang siya. Hinayaan ko lang muna siya kumalma. Mukang nasobrahan ata ang sorpresa ko. Balak ko lang naman na gulatin si loko. Yung sakto lang. Tipong ganon.

Ilang sandali pa, ako na ulit ang nagsalita.

“Hey... hey... are you okey?” nakangisi kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama. Mali ata ang naging birada ko sa kanya. Napayuko nalang ako sa hiya.

“Sorry.” nalang ulit ang nasabi ko. Takte bakit ba sablay na naman ako!

“Ilang beses ka ba magso-sorry, ha Mark? Ganon nalang ba yun? Sorry lang tapos okey na?” pagalit ang kanyang tono.

“Eh hindi ko nga sinasadya.”

“Wak ka na boy.”

Patay!

Inangat ko na ang aking ulo para harapin ang galit niya tutal kasalanan ko naman talaga.

Seryoso parin ang kanyang mukha. Bakas parin ang paghabol ng kanyang hininga.

Napaatras ako ng akto siyang hahakbang sa direksiyong papunta sa kinatatayuan ko. Nagtuloy tuloy lang siya at ako naman ay napatigil nalang.

Wala na akong nagawa ng bigla niya akong yakapin sa para bang sabik na sabik. Nanlaki ang aking mga mata na walang magawa kundi titigan lang siya.

Kung kanina, siya ang nagulat sa pagsabog ng plapla, ngayon ako naman ang parang hinagisan ng dinamita sa gulat ng ginawa niya.

“Bakit?” matipid kong sambit.

Hindi siya nagsalita. Tinapik lang niya ako sa balikat na parang okey na ang lahat.

Ilang sandali pa, ako na ang tumulak ng bahagya sa kanya para kumawala sa pagkakayap niya. Pagkatapos ay nagkatitigan kami na para bang nuon lang kami nagkita.

"Bakit?" tanong niya.

"Wag dito. Maraming tao."

"Ah. Hahaha. Ka-loko."

“Sorry ulit Kevin.” sabi ko.

"Sorry na naman?!"

"Hahaha. Pacenxa."

“Hahaha. Kakaiba ka Mark. Wala na ata akong makikitang katulad mo dito sa mundo. Parang endangered specie. Ganon. Kahit ata anong gawin mong kasalan at pang-aasar, kahit madalas wala na sa lugar ang mga ginagawa mo, hindi ko parin makuhang magalit sayo. Napaka insensitive mo pa madalas. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Sayo lang naman. Ikaw lang ang ganito kalakas sa akin. Minsan nga iniisip ko, bakit ba ako nagkakandarapa sayo eh hindi ka naman super gwapo. Ano ba ang ginawa mo kung bakit ako naloloko sayo.”

Napangiti ako... ngiting aso at siya naman ay gumanti ng ngiting nakakagago. Para kaming hibang na ewan nuong mga sandaling yun. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba... basta ibang saya.


***

Umalingawngaw ang buong paligid sa pagsabog ng isang damukal na plapla na isa-isa naming inihagis sa gilid gilid. Pasado alas tres na ng gabi at nagsisimula na, na mahimbing ang mga tao pero kami ni Kevin ay nagsisimula palang ng pang-iistorbo. Ang gulo namin dalawa.

Pag dating sa bahay, ang ingay parin namin dalawa. Ang dami parin kulitan at buhay na buhay parin ang mga kalokohan. Ewan ko ba pero kapag kami ang magkasama, ang gabi nagiging umaga sa dami namin napag-uusapan.

Hay.

Natutulog ng super late. Kwentuhang madalas wala naman kwenta. Corny jokes at gasgas na linya. Nagiging OA na kami madalas at nagiging madrama. Jinajamming ang mga empleyado ni Jollibee. Lakad na biglaan, napunta sa malayong bayan... Baguio City hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Inuumaga sa basketball court at nagpapakamatay sa pagod, makapaglaro lang ng bola magkasama. Hanep ang trip namin ni Huget. Kakaiba ang nararamdaman kong kasiyahan kapag siya ang kasama ko.



~~+~~


Back to the ball game!



Pumito na ang referee na naka pwesto sa gitna pagkatapos ay tumunog na ang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na muli ang game.

Opening game kami. Huling laro ko sa St. Jude University para masungkit ang matagal ko ng hinahangad na kampyenato at syempre ang titulong Most Valuable Player.

Inilabas ng center namin ang bola at ipinasa sa akin. Nagsimula na namang dumadundong ang gym.

May naririnig akong sumisigaw ng apelido ko pero mas malakas ang Defence! Defence! Defence!

Tang-na napapaligiran kami ng mga Nursing. Ang dami nila.

Nag dribble ako at inilakad ang bola ng dahan-dahan para itawid ng half court. Bantay sarado ako ng dalawang guard ng Nursing kaya ipinasa ko sa kasamahan ko na libre sa dulo.Pakshet. Steal!

Mabilis na ipinasa ng power forward ng kalaban na naka steal ang bola sa guard na kabantayan ko kanina. Ako ang unang sasalubong sa kanila dahil ako ang nasa baba.

Kinuha ng power forward ang isang gilid habang ang isang pang forward na naka bandera ay pumwesto naman sa isang gilid. Ang nagdadala ng bola ay sa gitna dadaan at ako ang tutumbukin.

Wala akong katulong dahil naiwan ang apat sa kabilang bakod.

Nagpasahan ang tatlong kalaban gilid-gitna-gilid balik sa gitna. Sinundan ko yun pero wala akong nagawa. Tumira ng tutukang jump shot ang forward sa gilid habang naka backs out naman ang isa pa sa akin.

Kumalog ang bola. Kumawala sa ring. Naagaw parin nila ang bola at muling tumalon para sa isa pang opensa. Sinubukan kong abutin pero naipit ako sa gitna, sa ilalim ng ring. Nagawa ko pang tumalon ng ilang pulgada pero nadaganan ako ng isa.

Nahagip ako. Bumagsak ako at binagsakan pa ng isa. Naunang tumama sa sahig ang aking kaliwang paa. Mismong katawan ko ang dumagan dun na nadaganan pa ng isang tao.

Pumito muli ng mahaba ang referee na malapit sa amin para sa isang injury time out. Nakahiga lang ako sa sahig habang pinagmamasdan ang nanunuod na biglang tahimik at nakatingin lang sa akin.

Nagsimula na akong kabahan.

Namamanhid ang paa ko. Parang semento sa bigat dahil hindi ko yun makuhang iangat.

Nilapitan agad ako ng mga kasamahan ko at ilang mga kaibigan. Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib ko.

"Mark wag mo igalaw ang paa mo." si Kevin yun alam ko.

Nilinga ko ang mata ko. Nasa gilid ko siya na mukang alalang-alala.

Itinaas ko ng bahagya ang ulo ko. Tinignan ko ang paa ko.

Nanlumo ako sa nakita ko. Dito na ata natatapos ang paglalaro ko ng basketball.


Most Valuable Player:Chapter52


CHAPTER 52

Hindi halatain ang tatoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa niya yun para sa akin.

Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na hangin. Kumakapal narin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis na liwanag ng araw. Pasado alas dos palang ng hapon pero parang sabik na sabik ng pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Desyembre sa Baguio.

“Tara na?” aya niya.

“Five more minutes.” sabi ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.


***

Halos mag aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna niya ako sa bahay at pagkatapos ay sibat na agad siya pauwi sa kanila. Hindi na niya nakuhang bumaba pa ng sasakyan.

Sa loob ng halos isang linggo, isang beses lang ulit kami nagkasama. Saglit lang at sa basketball pa.

Si Mariel naman, halos araw-araw nasa bahay.


~~+~~


Sinindihan ko ang plapla na hawak ko gamit ang isang sigarilyo. Nagliyab agad ang pabilo nun kaya agad kong ibinato. Hindi pa man nakakalayo, sumabog na agad ng todo. Ang lakas. Nakakabingaw sa lakas. Parang sumabog ang ear drums ko.


Happy new year! bati ko sa sarili ko.


Dalawa lang kami ni yaya sa bahay. Buti nga anjan na siya kundi wala na naman sana ako kasama. Nagpasabi sila lola na uuwi dito, kasama ko, sama-sama naming sasalubungin ang Bagong taon pero walang ni-isang dumating. Ganon talaga. Hindi naman kasi ako ang paborito nung apo. Pasaway daw kasi ako.


Beep. Beep.

Text galing kay Mariel.


Hon, dumaan ka dito ha. Hintayin kita. Happy new year. Love you.



Beep. Beep. Another text.

Galing naman kay Kevin.


Para kang isang ligaw na bala!

Bakit? reply ko.

Sa iba nakalaan, ako ang tinamaan... Happy new year. Hohoho.


Patay don! Natawa ako sa banat niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka kung saan pa kami mapunta.

Pumasok na ako sa loob para tikman ang mga niluto ni yaya Rosie. Ang daming nakahain. Sabay kami ni yaya na kumain. Isa-isa kong nilantakan ang mga paborito ko. Lahat paborito ko. Hahaha.


“Yah, mga ala una alis ako ha?”

“Saan ka pupunta?”

“Kila Mariel... at Kevin.”

“Ingat ka. Delikado sa daan.”

“Ingat sila sakin yah.”

“Ikaw talaga bata ka. Yung mga paputok mo, nasa ref. Akala ko kanina kung ano. Nakabalot pa sa dyaryo.”

“Hahaha. Yah para malakas pumutok.”

“Ganon ba yun? Bakit ang dami mong binili?”

“Wala lang.”

“Kunin mo na dun. Baka mamaya-maya basa na yun.”

“Opo.”

“Mark. Dun ka sa labas ng bakuran magpaputok ha. Ang sakit sa tenga.”

“Yah ano kaba. Mas malapit sa bahay, mas maganda. Balak ko nga magpasabog ng kahit isang plapla dito sa loob ng bahay eh para lumabas ang masasamang ispirito. Para swertehin tayo.”

“Jusko Mark. Kaawaan ka.”

“Joke lang yun yah.”

Nagdala ako ng konting pagkain kila Mariel. Pag dating sa kanila pinakain ulit ako. Nakipag kwentuhan ng konti at pagkatapos ay humayo na agad ako. Ang dami kasing nag-iinom sa gawi nila, baka mapa toma na naman ako. Mahirap na.

Nasa labas si Kevin nang dumating ako sa kanila. Ang daming tao sa bahay nila. Nanduon pala ang buong pamilya at ibang kamag-anak nila.


Huminto ako sa harap niya.

“Kevin...” bati ko habang bumababa sa motor.

“Musta?” tanong niya.

“Okey naman. Bakit nasa labas ka?”

“Hinihintay ka.”

“Ah. Hindi mo ba ako pakakainin sa inyo? Ano ba handa niyo?”

“Hanep Mark. Mas nauna mo pang kumustahin yung handa kesa sakin.”

“Hahaha. Sorry. Kumusta ka pala? Happy new year.”

“Badtrip.”

“Bakit?”

“Ewan ko ba kung bakit ako nabadtrip.”

“Sorry.”

“Sanay nako dun. Tara na sa loob.”

“Sus.”

Inakbayan niya ako. Magka-akbay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya.

Nakita ko agad sila tita... ang buong pamilya. Lumapit ako sa kanila. Ang init ng pagtanggap nila sa akin.

Ipinakilala ako ni Kevin sa ibang kamag-anak na naroon pagkatapos ay sinabayan niya ako kumain.

“Hindi ka pa kumakain?”

“Hindi pa.”

“Bakit?”

“Hinihintay nga kita.”

“Ah.”

“Ikaw ba?”

“Pangatlo na.”

“Lupet.”

“Hahaha.”

“Oy Mark.”

“Bakit?”

“Makikitulog ako sa inyo.”

“Ayoko.”

“Matitiis mo ba ako dito?”

“Oh bakit? Ano problema dito?”

“Tignan mo nga. Ang daming tao. Saan matutulog yung iba jan. Edi sa kwarto ko.”

“Ah.”

“Oh ano?”

“Pag-isipan ko.”

“Sige wag na.”

“Joke lang. Tsssk. Sige na. Payag nako.”


***

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami. Maraming pinagbasyuhan ng mga fountain, lusis at iba pang pailaw sa labas... sa loob ng bakuran nila.

“Kevin tara dun sa labas. Sa gilid ng daan. Magpahangin tayo.”

“Magpahangin? Eh puro usok ng paputok lang ang malalanghap natin dun.”

“Basta tara dun. May sorpresa ako.”

“Ano?”

“Sorpresa nga eh. Edi hindi na yun sorpresa kapag sinabi ko.”

“O hige. Sige. Bahala ka.”

Pinauna ko siyang maglakad. Paglabas namin ng gate nila, maingat kong sinindihan ang isang plapla gamit ang lighter at pasimple kong inihagis yun sa isang gilid.


Kaboooom!


Sobrang lakas dahil ang lapit nun sa amin.

Nabigla si Kevin. Gulat na gulat. Nanlaki ang mga mata. Hinahabol ang hininga. Nakakatawa pero nakakaawa.

“Sorry.”

Hindi siya nagsalita. Nagalit ata.


No blood, no foul!
 

Join Date: Apr 2010
Location: Heart of the Champ

Most Valuable Player:Chapter51


CHAPTER 51

Habang bumabyahe papuntang Mines View Park.

“Oy Mark.”

Inaantok na naman ako. Hindi ko namalayan, unti-unti na pala bumabagsak ang mga mata ko.

“Inaantok ka na naman?”

“Kakakain lang kasi saka ang lamig." Hihikab-hikab. "Nakakaantok.” dagdag ko.

“Iba ka talaga Mark. Lupet mo.”

“Kevin naman... Sino ba naman ang makakatiis na wag aantukin kung ang mga kanta na naririnig mo ay mga sinaunang awitin. Yang mga favorite mong kanta, mas matanda pa satin yan eh.” sabi ko.

Iniject niya yung CD sa stereo at pagkatapos ay inilagay niya sa radio. Humanap ng FM station.

“Oh ayan boss.” sabi niya pagkatapos.

Hindi ko na siya sinagot. Napapikit nako sa antok.

Ilang sandali pa.

Biglang may nag ring. Cellphone ko. Nagising ako. Si Mariel tumatawag.


Oh.
May pinuntahan lang ako.
Si Kevin.
Mamaya uwi narin ako.
Ha?
Okey.
Sige. Bye.


Call ended.


“Mariel?” tanong agad ni Kevin.

Tumango ako habang binabalik ang cellphone sa bulsa ko.

“Hinahanap kana ata?”

“Hindi naman.”

“Ah.”

Babalik na sana ako sa pag-idlip ng bigla siya ulit nagtanong.

“Mark anong regalo ibinigay mo kay Mariel?”

“Roses.” sagot ko. Bagsak na ang ulo at nakapikit na ulit ako.

“Roses?”

“Yep.” pahina na ng pahina ang boses ko.

“Bakit?”

“Favorite niya yun.”

“Bakit sa akin jersey?”

“Diba nga maka Kobe ka? Favorite mo rin yun.”

“Kahit na mahal? Kahit kapusin ka pa sa pera? Bibilin mo parin?”

“O-o...”

“Bakit?”

Napadilat ako. Napakunot nuo.

“Ang dami mo naman tanong Kevin. Anong bakit?”

“Bakit mo ginagawa 'to?”

"Ang alin ba?"

"To"

“Kaibigan kita.”

“Ginagawa mo ba yun sa iba mong kaibigan?”

“Hindi.”

“Eh bakit ako?”

Napabuntong hininga ako. Napakunot ulit ng nuo. Napakamot ng ulo. Natigilan ako ng ilang segundo. Ano ba to, para akong may kausap na toddler. Lahat nalang tinanong.

“Iba ka eh.” matipid kong sagot.

“Panong iba?”

Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita. Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Napansin niya yun. Nagmenor siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Hindi niya ako nililingon. Ang lamig pero parang ibig niyang pagpawisan.

“Mark bakit ganon? Bakit may batas pang dapat sundin sa pag-ibig?” mahina ng boses niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam kong nahihiya siya sa mga sandaling yun.

Nakuha ko naman ang sinabi niya kahit papano pero iba ang naging sagot ko.

“Hindi kita naintindihan.”

“Sana nakatira tayo sa mundo kung saan pwede mong mahalin ang kahit sino.” paputol-putol ang bagbigkas niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Pinag-aralan ko mabuti sa isip ko ang sasabihin ko.

“Wag mo na hanapin pa yang sinasabi mong mundo dahil sa panaginip mo lang yun makikita. Sa mga kwentong pambata lang yun pwedeng mangyari. Hindi dito. Hindi kahit kailan.”

“Susunod ka ba sa batas nila?” ang dami niyang tanong. Ang lalalim ng mga tanong. Naninibago ako sa kanya. Parang ibang tao ang kausap ko. Parang hindi si Kevin na puro kautuan lang kanina.

“Hindi ko ulit nakuha.”

“Yung batas ng pag-ibig. Hehe.” pinipilit niyang tumawa. Halata naman kasi siya. “Batas na nagsasabing ang lalaki ay para sa babae at ang babe ay para lamang sa lalaki. Ganon. kuha mo?” dagdag pa niya. Nabubulol parin siya.

Nagsimula na akong kabahan sa kanya imbes na matawa.

“Oo.” sagot ko.

"Susunod ka?"

"Oo."

“Dahil gusto mo?”

“Ikaw. Nuong nagpaalam ka. Nuong iniwan moko. Umalis ka ba dahil gusto mo?” ibinalik ko ang tanong niya sa kanya dahil hindi ko kayang sagutin yun ng diretso sa sarili.

“Hindi.”

“Alam mo Kevin, tanggap ko naman na kahit kailan hindi pwedeng maging tayo. Kung ganon talaga, hindi ko na yun ipipilit pa. Kung hindi kita pwedeng mahalin sa paraan na bawal, mamahalin kita sa ibang paraan. At yun ang ginagawa ko kaya ko. Kaya ngayon magkasama parin tayo. Bilang isang matalik na kaibigan. Hindi hindi kita iiwan.”

Humarap narin siya sa akin. Pulang pula ang kanya muka.

“Hindi mo ba napapansin?”

“Na alin?”

“Habang tumatagal nagiging*emo na tayo.”

“Napag-uusapan lang naman Kevin.”

“Dati kasi ikaw lang ang madrama, ngayon pati ako nadamay na.”

“Kumana ka na naman Huget. Seryosang usapan, bigla ka sisingit ng ganyan. Ikaw nga itong nagsimula.”

Napangiti siya at kasunod ay tawa na ng malakas. Nabasag na ang seryosong usapan.

“Mark.”

“Ano? Hihirit ka na naman ng walang kwenta.”

Hindi parin mawala-wala ang ngiti niya.

“May ipapakita ako sayo.”

“Loko ka Kevin. Kapag yan walang kwenta. Bubugbugin kita.”

“Nang alin? Nang pagmamahal? Hahaha. Saka ko na nga ipapakita. Baka kasi maiyak kapa.””

“Hanep. Tara na nga. Humahapon na. Mahirap na bumaba kapag ginabi tayo sa daan.”

“So nagpaparinig ka?”

“Ano?”

“Over night? Yun gusto mo? Dito? Sa Baguio?” sabay kindat ni loko.

“Tara na kako para makauwi na tayo.”

“Miss na miss mo na siguro ko, noh?”

“Tara na.”

Mag aalas dos na ng hapon ng marating namin ang Mines View Park. Ang tagal namin humanap ng paparadahan. Puno ang mga parking spaces sa paligid. Mas marami palang tao kapag holiday. Mga dalawang daang metro ata ang layo ng pinagparadahan namin mula sa bunganga ng Park.

Paglabas namin ng kotse, nakaramdam agad kami ng kakaibang lamig. Mas malamig kesa kanina. Marahil ay papahapon na.

Pumasok ulit siya sa kotse para kuhanin ang jersey na bigay ko sa kanya. Inabot niya sa akin.

"Oh."

"Ano gagawin ko jan?"

"Isuot mo. Idoble mo sa suot mo."

"Bakit nga?"

"Malamig na. Baka sipunin kapa."

"Sayo na. Ikaw nga etong mahina ang katawan."

Naglakad siya. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na naman napansin, nasakal na naman ako ni Huget.

"Oy. Nakakahiya loko. Bitawan moko."

"Isuot mo na."

"Sige. Oo na."

"Good."

Ako ang taong hindi pwede imanipulate ng kahit sino. Pero pag dating sa kanya, hindi ko na yun napapanindigan pa. Ewan ko ba kung bakit.

Naglakad na kami papunta ng Parke. Diretso na agad kami sa loob, sa dulo, kung saan maraming tao. Sa gawi ng higanteng bato na nakaharap sa tanawan ng Mines View.

“Mark. Naalala mo ba yung bracelet na binigay mo? Diba dito mo yun binili?” tanong niya. Parehas kaming nakasandal sa malaking bato.

“Oh.”

“Wala na yun. Hindi ko na yun isusuot pa.”

“Edi ayos. Edi kasaya pala kung ganon.”

“Sus. Halatang halata ka Mark.”

“Tara na. Umuwi na tayo. Baka nasimot na lahat ng gamit namin ng mga akyat-bahay.”

“Ayan ka na naman. Binabago mo na naman usapan.”

“"Ano gusto mo sabihin ko? Ano gusto mo mangyari?” napalakas ata ang boses ko. Ang dami pa naman ng tao. Bigla akong nahiya. Putek.

Napangiti siya. Ngumiti na naman ng nakakago. Lalo lang akong nainis.

Umupo siya sa di kalayuan. Sa bandang gitnang upuan na may bubong na pabilog. Sumenyas siya. Inaaya niya akong tumabi sa kanya. Hindi ako lumapit.

Tumayo ulit siya. Nilapitan ako. Inakbayan ako. Wala na akong nagawa kundi sumama.*

“Diba sabi ko sayo, huling bagay na aalisin ko sa katawan ko yung bracelet na bigay mo?”

“Paulit-ulit nalan...”

“Pssst. Diba sabi ko kanina, may ipapakita ako sayo?”*

Bahagya niyang itinaas ang kanan niyang paa.

“Mahiya ka Kevin. Dito mo pa ididisplay yang madumi mong paa.”

“Nakikita mo ba yan?” tinuro niya yung nakasulat sa kanyang kanang paa. Sa pagitang ng sakong at bukung-bukong, nakapaloob. Parang maliit na ibig magsugat. Namumula yun. Hindi ko gaanong makita.

“Letter M yan. Sariwa pa kasi kaya nahihirapan ka pang makita.” sabi niya.

Ibinaba niya yung kanan at sunod na itinaas ang kaliwa. Gaya ng nauna, may isang letra rin dun nakasulat. Namumula din at ibig-ibig magsugat. Letter K ang nakasulat.

“Anong kalokohan naman yan Kevin?' singit ko.

“Permanent tattoo yan Mark. Letter M for Mark, K for Kevin. Hehe.”

“Baduy mo.”

Hahaha. Basta... Kahit saan ako magpunta, lagi na kitang kasama.”