Martes, Mayo 15, 2012

Most Valuable Player:Chapter7


CHAPTER 7

Tumayo ako. Tumayo narin siya. Nagkatinginan. Seryoso kaming dalawa. Ilang segundong walang imikan. Nagtitigan ng parang tanga lang.

Ngumiti siya... ngiting nakakagago. Imbes na magalit, napangiti narin ako. Ganon talaga. Talo talaga ako.

“Wag mo kalimutan.” sabi niya.

“Oo na.”

“Buong linggo.”

“Kakulit mo.”

“Good.”

“Gago.”

“Hahaha.”

“Loko.”

Ngumiti ulit siya. Nakakaasar na ewan. Sarap tajakan.

“Matutulog nako. Patayin mo na yung ilaw mamaya.”

Nauna na siyang humiga. Ako, umupo lang muna sa dulo ng kama. Nawala ang antok ko. Hindi ko talaga matanggap ang pagkatalo ko.


~~+~~


Nagising ako alas dos na ng hapon. Ako ang naunang nagising sa amin ni Kevin. Ang sarap ng tulog ni tisoy. Ang lakas humihilik. Para syang bata kung matulog.. Hindi ko na siya ginising Bumaba na agad ako at agad umalis. Nagtext nalang ako sa kanya na nauna na ako.

Diretso agad ako sa bahay para magbihis. Sinundo ko si Mariel sa kanila. Nagpasama ako sa kanya kumain sa Jollibee at pagkatapos ay hinatid ko na siya sa duty.

Tumambay ako sa kanto malapit sa bahay namin. Nakipagkwentuhan. Nag-abang ng ibang katropa na dadaan. Nang makabuo ng isang team, nag-aya agad akong dumayo sa ibang lugar para makipagpustahan. Dala-dala ang bola, mga kasamang at least lima, patak-patak sa gasolina at perang pamusta, nakakarating kami kung saan-saan para magbola. Ganyang madalas ang buhay ko kapag walang eskwela.

Alas otso na ako ng makauwi ng bahay. Nagbukas saglit ng Facebook. Binasa ang ilang notifications na halos lahat walang kwenta. Naglaro saglit ng Dota sa garena. Na-bore. Inantok. Binukas ang tv. Humanap ng channel na maganda. Sa basketball tv, Knick versus Cavaliers sa huling quarter. Oo nga pala, laban nila Lebron kanina. Nakalimutan ko. Buti nalang naabutan ko pa replay.


Beep beep. Si Kevin Huget.


Tol gising kapa?

Hindi ako nagreply.

Tol.

Hindi ulit ako nagreply.

Mark.

Natutulog nako. Reply ko.

Channel ten. Si Lebron. Panuodin mo.

O ano meron?

Wala lang. Naalala lang kita.

Sige panunuodin ko.

Online ka pagkayari.

Bakit?

Basta. Yahoo Messenger.

Bakit nga?

Chat tayo. Eto email address ko. kevinthepogihuget@yahoo.com

Inaantok nako.

Sus. Saglit lang.

Next time.

Puro ka next time. Wala kapang nagagawa sa punstahan natin.

Seryoso ba yun?

Oo. ikaw lang naman ang hindi seryoso.

Osiya. Sige. Sige. Tapusin ko lang 'to.

Pagkatapos mayari ang game, nag log-in agad ako. In-aad ko siya para matapos na.

kevinthepogihuget: Tol

lopez_mark19: Anong drama mo?

kevinthepogihuget: Wala kasi ako makausap tol.

lopez_mark19: Ha?

kevinthepogihuget: Maghapon lang kasi ako sa bahay. Burong-buro nako dito.

lopez_mark19: Ah. Wala kabang kabarkada jan o kahit kakilala lang?

kevinthepogihuget: Meron naman kakilala pero hindi naman ako makasama sa kanila.

lopez_mark19: Bakit?

kevinthepogihuget: Wala lang. Hindi ko lang masakyang mga trip nila.

lopez_mark19: Edi mas lalo nako. Hindi mo masasakyan mga trip ko.

kevinthepogihuget: Isama mo naman ako tol sa mga lakad mo.

lopez_mark19: Bukas.

kevinthepogihuget: Ano meron?

lopez_mark19: Nag-aaya yung barkada ko. Basketball sa plaza bukas ng hapon.

kevinthepogihuget: Sige. Sama ko.

lopez_mark19: Okey.

kevinthepogihuget: Agahan ko nalang pumunta jan bukas sa inyo.

lopez_mark19: Pupunta ako sa school bukas ng umaga.

kevinthepogihuget: Isama naman ako tol.

lopez_mark19: Osige. Bukas ng alas otso. Punta ka nalang dito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento