Miyerkules, Mayo 16, 2012

Most Valuable Player:Chapter57


CHAPTER 57
(The Final Chapter)
PART 1


Mahigit isang taon na ang lumipas.

Naging isang kilometro lang ang pagitan ng Manila at Pampanga sa kanya.

Ganon parin siya... ganon parin kaming dalawa. Kakaiba parin ang mga trip.

Lagi parin siya dumarating sa hindi inaasahang oras. Bigla nalang sumusulpot sa bahay. Nagagawa pa niyang umabsent at mag-cutting classes para lang makauwi ng Pampapanga.

Minsan nga, biglang dumating yun sa bahay ng dis-oras na ng gabi. Wala lang. Trip trip lang.


~~+~~


Malakas ang buhos ng ulan. Kanina pa ako naghihintay. Hindi ako mapakali.


“Mark anak, okey ka lang?”

“Katagal eh. Hindi pa nagrereply.”

“Tawagan mo na kaya.”

“Wag na po. Baka on the way na yun.”



Pagkalipas ng isang oras...


“Anong petsa na. Akala ko ba ala una.”

“Sorry.”

“Nako.”

“Hahaha..”

“Bakit ngayon ka lang?”

“Napuyat ako kagabi... kakaisip. Kinakabahan ako sa laro mamaya.”

“Sus. Oh eto, isuot mo sapatos ko.”

"Wag na. Baka matalo pa."

"Sige na. Malakas tatalon yan."

"Sige. Hige. kung saan ka masaya."


***


Habang bumabyahe...


Sinipat ang oras.

“Jollibee muna tayo.” aya ko.

“Late na tayo---”

“Hindi pa.”

“Bahala ka.”


Huminto kami sa isang malaking gasoline station na may Jollibee bago pumasok ng NLEX.


“Kailan tayo huling nag B3, ...Kevin?”

“Hindi ko na matandaan.”

“Last month?”

“Oo ata. Bakit Mark?”

“Wala lang. Mamimiss ko lang 'to.”

“Ha?”

Hindi na ako sumagot.



“Kevin, nakailang B3 meals na kaya tayong dalawa? ...simula nuon.”

“Kung ano ano naman yang mga tinatanong mo.”

“Mamimiss ko 'to.”

Binatukan niya ako.

“Bakit?”

“Wag ka naman ganyan. Para ka naman nagpapaala niya eh.”

Ngumiti nalang ako.


***


Pahinto na ang buhos ng ulan. Kasalukuyan naming binabagtas ang kahabaan ng NLEX.

Pumasok ang sunod na kanta.


Do you know what's worth fighting for?
When it's not worth dying for?
Does it take your breath away
And you feel yourself suffocating?

Does the pain weigh out the pride?
And you look for a place to hide?
Did someone break your heart inside?
You're in ruins

One, 21 guns
Lay down your arms, give up the fight
One, 21 guns
Throw up your arms into the sky, you and I

When you're at the end of the road
And you lost all sense of control
And your thoughts have taken their toll
When your mind breaks the spirit of your soul

Your faith walks on broken glass
And the hangover doesn't pass
Nothing's ever built to last
You're in ruins

One, 21 guns
Lay down your arms, give up the fight
One, 21 guns
Throw up your arms into the sky, you and I

Did you try to live on your own
When you burned down the house and home?
Did you stand too close to the fire
Like a li---



Dumilat ako. Pinatay ang stero.

“Okey ka lang?” tanong niya. Ang mga tingin niya, kakaiba.

“Bakit?”

“Nakakapanibago lang. Tahimik ka kasi. Nagaalala nako sayo.”

“Basta galingan mo mamaya sa game mo.”

“Nag-aadik ka ba?” nagpapatawa siya pero iba ang sinasabi ng mukha niya.

“Loko.”


~~+~~


Sumagasa si Huget sa depensa ng kalabang team na karamiha'y nakaposte sa paligid ng free throw line. Mabilis ang dating ng bawat buslo niya ng bola na animo'y nag-aanyaya na magpakuha.

Sumunod ang iba. Nilihisan niya. Napasok ang loob. Nagawa niyang itapak ang kanyang mga paa sa pinakamalapit na sulok.

Tumalon. Lumipad sa ere. Nakamostra upang tumira. Sinabayan ng dalawa at tinangka nilang pigilan ang pagpukol niya ng bola.

Binitin ni Huget ang bola sa taas. Humarang ang mga kamay ng kalaban sa daraanan ng bola papuntang basket. Halos imposible ng makalusot yun sa sobrang tindi ng depensa.

Patuloy na nauubos ang oras. Naghihingalo ang shot clock.


Tumira siya ng fade away shot. Bumagsak ang huling segundo ng shot clock.


Counted foul!


Natahimik ang lahat. Ang iba ay nakanganga at ng iba ay nakamulat... lahat ay gulat na gulat. Wala na akong masabi sa kanya.


Bonus shot.


Points.



Nagtayuan ang karamihan, nagpalakpakan. Dumadagundong ng sigawan. Lahat ng naririnig ko, puro papuri sa kanya.



~~+~~



After ng game. Manila Bay...


“Congrats... MVP.”

“Salamat.”

“Idol na kita.”

“Sus. Nang-uto pa.”

“Seryoso.”

“Hahaha.”

“Sobrang galing mo na.”

“Dahil sayo yun Mark. Gusto ko laging magpa-pogi sayo.”

Ngumiti ako. Napakunot nuo naman siya.


Umiihip ang malamig na hangin. Malawak na dagat ang aming nasa harapan. Nagtatago ang buwan sa kumot ng kalangitan. Madumi ang himpapawid. Nagbabadyang umulan.

Lingon siya ng lingon sa akin habang ako ay diretso lang ang tingin, nakatuon sa malayo.


“Kevin... ”

Tumingin siya sa akin. Nagsimula na namang bumigat ang aking dibdib.

“Ano yun?”

“Aalis ako.”

“Aalis?” nag-iba na ang tono ng boses niya.

“Yep.”

“Saan ka pupunta?”

“Middle East.”

“Dubai?”

Tumango ako.

“Ah.”

“Malayo yun. Isang libong Manila-Pampanga ang layo.”

Hindi na siya nakasagot. Lumingon ako para tignan siya. Nagkatitigan kaming dalawa.

“Hindi ko agad sinabi sayo kasi---” hindi ko na natapos. Nagsalita na agad siya.

“Kailan ka aalis?”

“Next month.”

“Matagal ka mawawala?”

“Oo.”

“Mga ilang buwan? ...ilang taon?”

“Baka dalawang taon. Pwede rin mas matagal pa dun. Depende. Baka mag cross country nako sa Canada pagkatapos. Bahala na.”

“Masaya ako---.”

Kumalas siya ng tingin. Ibinaling sa ibang direksiyon.

Natapyas ang ilang segundo. Walang imikan.

“Salamat.” tugon ko.

“Hihintayin kita kahit gaano pa katagal.”

“Wag na... wag mo na ako hintayin.”

Pumatak ang luha niya kasabay ng pagbagsak ng ulan.

“Hihintayin parin kita.”

Umiling ako.

“Mamimiss kita... Mark.”

Bumuhos ang malakas na ulan kasing lakas ng pagbuhos ng aking luha ng hindi ko namamalayan.

Most Valuable Player:Chapter56


CHAPTER 56

Gusto mo daw ako makita?”

“Ha.”

“Si Kevin... sabi.”

“Ah. Oo.”

Humigpit ang yakap niya. Ako naman ay nakahawak lang ang kamay sa kanyang bewang. Kaliwa-kanan ang aming mga paa na parang nagsasayaw, sunod sa pintig ng aming puso na nagsisilbing musika.

“Wag ka umiyak.” pabulong kong sambit.

“I love you hon.”

Hinalikan ko siya sa nuo.

“Kanina kapa?” tanong ko.

“Medyo.”

“Ah.”

“Nagluto ako para sayo.”

"Nag-abala kapa."

"Ano kaba. Salamat nga pala dito sa roses."

"Ah."


***


“Hon.”

“Oh.”

“Pansin ko...”

“Na?”

“Naging malamig ka.”

“Ha?”

“Ibang Mark ang nadatnan ko pag uwi ko galing Dubai. Akala ko naninibago ka lang o ako pero...”

“Pero?”

Ang isang segundo ay nagiging mahabang oras.

“Mahal mo pa ba ako?”

“Oo.” sa iisang direksiyon lang nakatingin ang mga mata ko. Hindi ko magawang ibaling sa kanya dahil hindi ko kayang tignan ang kanyang mukha.

“Katulad parin ng dati?”

Napabuntong hininga ako. Ito na siguro ang tamang oras para maging totoo sa sarili ko at sa kanya.

Umiling ako. “Oo. Hindi. Baka.”

“Nagmahal ka ng iba?”

Pabilis ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Parang sasabog.

May sagot ang puso ko sa tanong niya pero napipi ang bibig ko.

“May iba?” tanong ulit niya.

Ilang segundong walang imikan...*

Tumango ako.

Narinig ko ang pagbagsak ng luha niya. Tinignan ko siya. Basa ang kanyang mga mata.*

Muling huminto ang mundo naming dalawa.

“Sino sa amin?”

“Hindi ko alam...”

“Sino siya?”

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko. Hinugot ko ang lahat ng tapang ko sa katawan at lahat ng ka-astigan na natutunan ko sa mahigit bente taon ko sa mundo. Wala akong nasabi. Nilamon ako ng kadiwagan.

Niyakap ko siya. Umagos ang luha niya sa balikat ko. Pinunasan ko pero pinigilan niya.


~~+~~


Three months later...


Umuwi ang buo kong pamilya para samahan ako sa mahalagang araw ng buhay ko... ang graduation ko. Sa halos dalawang taon naming hindi pagkikita, talagang namiss ko sila. Sayang dahil dalawang linggo lang sila namalagi dito sa Pilipinas. Hindi pa naman kasi bakasyon ng dalawa kong kapatid sa Canada.

Ang bilis ng araw. Parang kailan lang. Ngayon paalis na naman sila pauwing Canada at ako, maiiwan na naman dito mag-isa.

Mas pinili kong maiwan dito kaysa sumama sa kanila duon. Ewan ko ba. Hindi ko maiwan-iwan ang Pilipinas.

Si Mariel naman, bumalik sa Dubai para mag trabaho. Magda-dalawang linggo na siya doon. Dalawang taon daw ang kontrata niya sa ospital na pinapasukan niya.


~~+~~


"Oy Marky boy kolokoy..."

Tumingin ako. May tao pala sa likod ko. Si Kevin.

"Nagulat ka."

"Musta?"

"Ikaw ang kumusta?"

"Okey lang."

"Emo?"

"Dito lang ako palagi. Pinanunuod mga nagdadaang sasakyan."

"Sus. Ang dami mo naman sinabi."

"Saan ka?"

"Mag-eenroll ulit."

"Ha?"

"Second course."

"Di nga?"

"Oo nga."

"Bakit."

"Basketball."

"Saan?"

"Manila. Dati kong school."

"Ah."

"Duon nako titira... ulit."

"Ganon ba."

"Susubukan kong pasukin ang pangarap natin. Makapaglaro sa UAAP."

"Kaya mo naman yun."

"Salamat."

"Ingat ka."

"Mamimiss kita."

"Ikaw din."

Tumabi siya sa akin. Inakbayan niya ako.

"Alagaan mo yang paa mo ha."

"Yes boss."

"Pagaling ka agad."

Ngumiti ako.

"Mag wa-one on one ulit tayo."

Ngiti lang ulit ang sagot ko.

"Dapat matalo mo na ako."

"Makikita pa ba kita?"

"Oo naman. Sa Manila lang ako pupunta, hindi sa kabilang buhay."

"Seryoso naman."

"Hahaha. Basta dadalaw-dalaw parin ako kaya lang magiging madalang na."

"Ah."

"Ikaw ba, ano plano?"

"Dito muna. Bahala na."

"Balitaan mo nalang ako."

Tumango ako.

"Maaga kang matulog."

"Oo."

"Wag kana iminom."

"Babawasan na."

"Pati drama mo, bawasan mo narin."

Napangiti ako.

"Mahal kita. Hindi yun magbabago."

Naluha ako.

"Hindi bagay yang luha mo Mark."

"Loko."

"Tandaan mo Mark, kahit saan man tayo lupalop ng mundo makarating," Kinuha niya ang kamay ko. "Lagi ka lang nandito." Inilagay niya yun sa tapat ng kanyang puso.

"Baduy...."

"Hahaha." Itinaas niya ang dalawa niyang paa sa barendilya. Nakita ko ang tattoo sa kanyang magkabilang paa. "At dito." Tinuro niya ang letra kung saan nagsisimula ang pangalan ko.

"Salamat Kevin."

Yumakap siya bigla. Mabilis. Tumayo siya at nagpaalam na.

"Hanggang sa muling pagkikita Mark."

Tumalikod na siya at naglakad papalayo. Bago pa man siya makapasok sa sasakyan niya, tinawag ko ang pangalan niya.

"Kevin."

Lumingon siya.

"Wag ka masyadong mayabang dun, ha... baka mabugbog ka." sigaw ko sa kanya.

Naluluha siyang muling tumalikod. Pumasok sa kotse at ilang sandali pa, naglaho na siya sa aking mga mata.

Most Valuable Player:Chapter55


CHAPTER 55

Oy Mark, gising. Oy.”

Ang sakit ng ulo ko dahil sa sobrang puyat.

“Inaantok pa 'ko.”

“Mag aalas nuebe na. Gayak kana. May exam ka diba?”

“Matutulog muna ako ng konti Kevin. Alas diyes y medya pa naman exam ko.”

“Wag na. Ganon din yun.”

“Hindi kasi ako nakatulog kagabi.”

“Oh bakit?”

“Kumikirot kasi ang paa ko magdamag.”

Pati puso ko.

“Umiinom kaba ng mga gamot mo?”

“Oo.”

“Ano sabi ng nurse mo? Si Mariel.”

Umiling ako.

“Oh bakit?”

“Apat na araw na niyang hindi sinasagot yung mga text at tawag ko.”

“Bakit naman?”

Natigilan ako. Mas pinili ko nalang wag magsalita. Kinuha ko ang unan ko na nasa gilid at niyakap ng mahigpit. Muli akong pumikit.

“Sige Mark, matulog ka muna. Gigisingin kita after thirty minutes, ha? Igagayak ko na yung mga gagamitin mo.”


***


“Oy Mark. Wag ka naman sumimangot. Sige ka, baka itlog ang makuha mo mamaya niyan sa exam.”

Ngumiti ako kahit kunwari lang.

“Oy teka, nag review kaba kagabi?”

“Sumakit nga magdamag yung paa ko.”

“Dapat tinext mo ko.”

"Edi nangulit ka lang. Lalo lang akong napuyat."

“Sus.”

“Mangongopya nalang ako mamaya.”


***


“Miss apat na B3. Double go large. Coke.”

“Okey sir.”

“Wait miss. Yung chicken joy niyo.”

“Yes sir.”

“Kapag ba kinain namin yun, magiging maligaya 'tong kasama ko?”

“Sir?”

“Chicken joy kasi eh. Hehe.”

Napatingin nalang ako sa kanya kahit na walang kwenta joke niya.

“Joke lang.” sabi niya.

“Sir okey napo ba?”

“Teka miss.”

“Yes sir...”

“Pahingi narin ng sabaw.”

Napaisip tuloy yung empleyado ni Jollibee.

Siniko ko si Kevin sa tagiliran. Nginitian lang ako ni loko.

“Joke lang ulit.”

Napangiti narin si Miss.


***


“Mark, ano balak mo bukas?”

“Hindi ko alam. Ikaw?”

“Si Mariel?”

“Hindi ko alam.”

“Happy Valentines Mark.”

“Ikaw?”

“Wala na kami... ni Anne.”


~~+~~


Isang araw bago ang laban kung saan ako nagkaron ng injury.


Nasa bahay ako nuon, nag do-Dota sa Garena. Pasado alas tres na ata ng hapon ng makatanggap ako ng text message mula sa hindi inaasahang pangalan. Si Anne. Girlfriend ni Kevin.


Mark.

Anne. Musta?

Busy ka?

Hindi. Bakit?

Pwede ba tayong mag-usap?

Ngayon?

Yes. Sana.

Okey. Saan ka?

Fiorgelato

Okey. I'll be there in ten minutes.


Pagpasok ko palang ng coffee shop, nakita ko na agad siya. Iilan-ilan lang ang tao sa loob. Nasa isang gilid siya, gawing dulo nakaupo. Lumapit agad ako. Nakita niya naman ako habang papalapit.

“Hi.” pagbati ko.

Ngumiti naman siya.

Kahit na nakangiting Anne ang sumalubong sa akin, hindi parin naitago nun ang nanggigilid na luha mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Madali ko yun napansin dahil yun agad ang tinitignan sa isang taong hindi ko madalas nakikita at nakakasama... mata.

Umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang siya kaya mas pinili ko nalang na wag muna magsalita.

Ilang saglit pa...


“Break na kami.”

“Anne.” lang ang naging tugon ko.

Nagsimula ng pumatak ang kanyang luha.

Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at ibinigay sa kanya. Agad niya yun kinuha. Nagpunas ng uumaagos na luha. Ngumiti ulit siya pero ako, nakatitig lang sa kanya.

“Sorry Mark.”

Umiling ako.

“Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Gaya ng dati, ganon parin ako sa kanya pero siya alam kong meron ng iba. Kahit na hindi niya sabihin, alam ko, nararamdaman ko, hindi na ako ang nasa puso niya. Mahal ko siya kaya pinapakawalan ko na siya. Masakit. Oo masakit siguro ngayon pero mawawala rin siguro 'to. Baka. Sana. Basta masaya siya, magiging masaya narin ako para sa kanya.”

Nakatitig lang ako sa kanya. Ilang segundo ang nagdaan pero wala akong nasabi kahit isang salita.

Hinaplos niya ang aking mukha. “Huy Mark.”

Wala parin akong nasambit.

“Masaya ako dahil nakilala kita. Ikaw na bahala kay Kevin, ha? Ikaw lang ang katapat nun.”

Napatango nalang ako. Ngumiti siya. Hindi na ako nakaganti pa.

“Hope to see you again... siguro in Manila. Hehe.”

Humalik siya sa akin... sa pisngi.*

“Bye.”*

Umalis na siya habang ako ay napatingin nalang sa baba, napatulala.


~~+~~


Wala parin ako sa sarili kinabukasan. Sa unang quarter palang ng game nuon, napansin na ni Kevin na malamya ang aking laro. Ilang beses din akong nilabas ni coach sa loob ng court dahil sa sunod-sunod na turnovers na aking ginawa.


Back to the ball game!


“Mark, okey ka lang ba?”

“Yep coach.”

“Ingat ka. Yung mga talon mo, napansin ko medyo wala sa tiyempo. Ano ba ang nangyayari sayo? May problema ba? Dapat wag mo dalin dito sa laro, delikado.”

Hindi ko na pinasin si coach. Ako ang uang pumasok sa loob ng court.

Pumito na ang referee na naka pwesto sa gitna pagkatapos ay tumunog na ang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na muli ang game.

Ilang baba palang ng bola ay na steal na agad nila. Ako ang nagdadala ng maagaw ng kalaban. Hindi ko na mabilang ang nagawa kong kamalian. Sinubukan ko pang isalba ang aking pangit na laro pero nabigo lang ako.

Gaya ng pangamba nila coach, nangyari ang kinakatakutan ko... ang makakuha ng serious injury.


~~+~~~


“Oy Mark. Ang lalim na naman ng iniisip mo. Bilisan mong kainin yang fries at burger mo, may exam ka pa. Mag aalas diyes y medya na.”

Hindi ko na inubos ang pagkain. Pumasok na ako sa school. Hinatid lang niya ako dun at umuwi narin. Wala kasi siya klase nuong araw na yun. Susunduin nalang daw niya ako sa uwian ko sa hapon.


***


“Tara sa loob?”

“Hindi na. May gagawin pako.”

“Nako. Tara na.”

“Sige na. Pumasok kana.”

“Ka arte mo Huget. Tara na. Ang aga pa. Anong oras palang. Alas sais palang.”

“Oh eto.”

Kinuha ko ang inabot niya.

“Roses?”

“Ibigay mo sa kanya.”

“Ha?”

Ngumiti siya.

“Bye.”

Umalis na siya. Ako ay naiwan sa na nakatayo sa gate ng parang*tangang nag-iisip.

Agad akong pumasok ng bahay. Nakakapanibago, walang nakabukas na mga ilaw. Walang kaingay-ingay sa paligid.

Binukas ko ang ilaw. Inilapag ko ang aking bag sa maliit na lamesa sa sala. Ibinukas ko ang tv. Dahan dahan akong umupo at maingat na inalis ang AIR Cast na aking suot sa kaliwa kong paa.

Napansin ko na may nakahain sa hapag kainan. Parang may handaan. Lumapit ako. Tinignan. May ilang potahe. Lahat paborito ko.

"Happy Valentines hon."

Boses galing sa madilim na bahagi ng kusina na walang naka bukas na ilaw. Lumapit siya.

Yumakap siya. Hinalikan niya ako.

"For you." Inabot ko ang tatlong rosas na hawak ko.

"Sorry hon. I love you." sabi niya. Hinalikan ulit niya ako. 

Most Valuable Player:Chapter54


CHAPTER 54

Mark.” hinawakan ni Kevin ang kamay ko. “Andito lang ako sa tabi mo.”

Binuhat ako ng ilang tao. Isinakay sa strecher. Isinakay sa ambulansya. Nagsimula na akong makaramdam ng takot.


~~+~~


Sa ospital...

Splint.

X-ray.


Initial diagnosis: Closed Proximal Fibular fracture, Complete.


Serious? “Yes”, sabi ni doc. "All kinds of fractures or broken bones are considered serious medical condition." dagdag niya.

Inilabas ulit ni doc yung x-ray plate. Hindi ko yun tinignan. May sinasabi siyang dalawang kambal na buto sa paa, ang isa dun naputol daw.

Wala akong naging imik. Nakatingin lang ako sa kisame ng ER. Pilit nilalabanan ang nagsisimula ng sakit, pumipintig sa sakit na kulay talong kong paa, nakaumbok at nagsisimula ng mamaga.

Si doc ay tuloy tuloy lang sa pagsasalita. Halos wala na akong naiintidihan sa mga sumunod na sinabi niya, kung meron man iilan lang.

Immobilize... bla... bla... bla...

Running, jumping and sports should be resumed slowly and cautiously... bla... bla... bla... Pu-ta!


"Doc makakapaglaro pa ba siya ng basketball?" tanong ni Kevin na nasa tabi ko lang.

Napatingin ako kay doc. Nakatingin din sa kanya ang tatlo ko pang kasama, nag-aalala.

Umiling si doc.

Mas tumindi pa ang nararamdaman kong kaba.

“Usually, broken bone takes 4-6 months to heal. I'm sorry but you have to accept that you won't be doing the things you want, like playing basketball for a while..."

"May operation po ba? Semento?" nangangatog kong tanong. Pinagpapawisan nako ng malapot sa sobrang takot.

Tinignan ako ni Kevin, nakuha pang matawa ng loko.

"Wala. Pwede ka na nga umuwi bukas basta alagaan lang mabuti yung paa."

Hay.


~~+~~


Thirteen seconds left in the shot clock...


Humanap ng papasahan. Walang makita dahil mahigpit na man-to-man defense ang bantayan.

Umaandar ang oras ng five seconds violation... five... four... three... two...

Pasang bahala na. Parang slow-mo ang paglipad ng bola pataas. Lahat ng matang nanunuod ay napasunod. Napatingala lahat ng nasa loob ng hard court.

Tatlo ang tumalon para makuha ang bola.

Ang lupet ni Huget! Sabi ng commentator. Nagtayuan ang karamihan ng nanunuod. Dumagundong ang buong gymansium.

Pag lapag ni Kevin sa sahig ng court, agad niyang ibinuslo ang bola, medyo mabagal.


Twelve seconds left in the shot clock... eleven... ten... nine...


Gumalaw siya pakaliwa-pakanan na parang magaling na mananayaw. Bumibilis ng bumibilis ang pagbuslo ng bola. Cross over dribble mala Kobe Bryant. Sumunod ang dalawa na naka-double team sa kanya.


Eight seconds left in the shot clock... seven... six... five...


Dumikit ang isa sa kanya. Hinawak niya ng dalawang kamay ang bola na aktong ititira. Sumunod ang nakadikit na bantay niya sa papatalon niyang mga paa.


Four seconds left in the shot clock... three... two...


Pumeke.

Bumunggo.


One second...


Tumalon siya, nakataas ang mga kamay hawak ang bola.

Halos kasabay ang pito ng referee na nakataas din ng kamay. Foul!

Slow-mo na naman ang byahe ng bola sa ere.

Umiikot.

Pumito ulit si ref. Counted!

Kasunod ang ang mahabang buzzer hudyat ng pagtatapos ng twenty four second shot clock.

Naihagis ni Kevin ang bola bago pa man tumawag ng foul.

Dumagundong ulit ang gymnasium. Ang ingay. Nakakabingi sa ingay.

Jersey number 19, Huget, three... points! napayo sa kinauupuan ang dalawang commentator.

Deadlock ang score. Fifty nine all.

Pumwesto si Kevin sa free throw line para sa bonus shot.

Nag dribble ng ilang beses. Tumigil. Huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin. Ngumiti.

Magaan niyang ni-release ang bola. Gaya ng kanina, sinundan yun ng maraming mata.

Manipis na pito ni ref. Sumenyas.

Free throw... Good!

Sixty. Fifty nine ang score. Abante ang College of Business, Commerce and Accountancy ng isang puntos laban sa College of Nursing. Nasa huling bugso na ng laban sa pagitan ng dalawang koponan para sa kampiyonato.

First round palang ng laglagan, nasipa na ang team ko bunsod ng sunod-sunod na pagkatalo. Nang mawala ako sa laro dahil sa injury anim araw na ang nakakaraan, naging mailap na sa amin ang mga panalong inaasahan upang makaangat kami sa quarter finals. Pagkatapos ko, may isa pang kasamahang nagkaroon ng injury. Nagmistulang pilay ang buong team kaya naging mailap sa amin ang tagumpay.

Nang mawala ako sa laro, agad na nagpagawa si Kevin ng bagong jersey na kanyang gagamitin. Imbes na number 23 na madalas niyang ginagamit sa mga laban, pinalitan niya yun ng number 19. Yun ang numero ko sa laro. Maglalaro daw siya para sa akin. Igaganti ako sa team Nursing at kukuhanin ang tropeyo para sa MVP award, ang matagal ko ng inaasam.


~~+~~


Nuong isang araw. Sa bahay.


“Hon, three years and... and six months na tayo sa saturday.”

Tumango ako. Ngumiti.

“Hon, bahay nalang tayo nun ha. Magluluto nalang ako ng favorite mo.”

“Ah. ***.”


~~+~~


Mabilis na nabura ang nalalabing isang minuto at sampung segundo sa third quarter. Wala ni-isang naka puntos sa dalawang team. Fifty nine points laban sa sixty points. Bitbit parin ng Collge of Business, Commerce and Accountancy ang isang puntos na kalamangan.


Back to the ball game!


Sa pasimula ng unang bugso sa huling quarter, nagpalitan lang sa paggawa ng mabilis na basket ang magkalabang team. Sa unang tawag ng timeout, dikit parin sa sixty seven laban sa sixty eight ang score. Hawak parin nila Kevin ang isang puntos na kalamangan.

Oras? Six minutes and twelve seconds remaining.

Sa pagpasok ng mga nalalabing oras, nagbago ang takbo ng laro. Gamit ang bentahe ng maraming supporters at ang mas malalaking bench players, naagaw ng Collge of Nursing ang kalamangan.
Kumamada ng sunod-sunod na puntos mula sa perimeter shots ang mga Nursing dahilan upang mapako sa score na sixty eight laban sa seventy eight, pabor sa kalaban.

Tumawag ng pangalawang timeout. Susubukan nilang sirain ang momentum ng kalaban.


Nag vibrate na naman ang cellphone ko sa bulsa. Nakakailan na yun simula kanina. Ilang text at missed calls narin siguro ang natanggap ko. Hindi ko nalang muna pinansin. Tuloy ako sa panunuod ng game.


Back to the ball game!


Si Kevin ang nagdala ng bola para sa isang opensa. Mabilis niyang naitawid ang bola sa kabilang bakod. Umikot siya sa labas at ipinasa sa mga kasama. Umikot ang bola at nagpapasa-pasa sa iba pero hirap silang ilapit sa basket ang opensa.

Bumalik kay Kevin ang bola. Wala ng natitira sa shot clock kaya napilitan siya itira ang bola.*

Kumalog sa basket.

In and out. Kumawala.

Offensive rebound.

Sa kanila parin ang bola.

Kay Kevin ulit ipinasa at ipinagkatiwala ang pangalawang opensa. Hindi na niya hinintay na pumatak ang maraming oras at agad na nagpakawala ng tres sa labas.


Another three points for jersey number 19, Huget!


Siya ata ang may pinakamaraming fans. Kahit sa bakuran ng kalaban, may fans si mokong. Sikat na sikat na siya. Kilalang kilala na ang pangalan niya.


~~+~~


“Sorry hon, ha. Sa paghihintay.”

Hindi siya sumagot.

“Happy monthsary.”

Hindi ulit siya sumagot.

“Sorry na. Laban kasi nila Kevin.”

“Ah. Ganon ba.”

“Finals kasi ngayon.”

“Finals nila. Monthsary naman natin.”

“May oras pa naman oh. May oras pa to celebrate.”

“Oo nga. Mag aalas dose palang naman... ng gabi.”

“Sorry talaga hon.”

Hinalikan ko siya sa pisngi. Hindi siya gumanti.


~~+~~


Para sayo 'to Mark. Para sayo 'tong MVP award.

Itinaas niya ang tropeyo at tinuro ako. Nagtinginan sa akin ang mga tao. Pinalakpakan nila ako. Gusto ko kanina maluha sa saya kaya lang maraming tao. Lumapit agad sakin si Kevin pagkatapos ng awarding. Yumakap. Masayang masaya.


“Hon,"

"Ha?"

"Nanunuod kaba?”

Tumango ako. “Yep.”

“Kanina ka pa kasi tulala.”

“Hindi.”

Hinalikan niya ako sa pisngi. Hinalikan ko rin siya pero nakatingin ako sa iba. Hinalikan niya ako sa labi. Hindi ko na nagawang halikan din siya. Humalik ulit siya.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang tumayo.

“Hon.” tawag ko.

"Alis nako."

"Bakit?"

"Balik nalang ako sa ibang araw. Baka bukas kapag okey kana."

Kinuha ang bag at nagsimula ng lumakad... palayo.

"Teka."

Mabilis kong kinuha at isinuot ang air cast sa kaliwa kong paa para makapaglakad ng maayos.

Nagmadali akong bumaba.

Hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan pa.

Most Valuable Player:Chapter53


CHAPTER 53

Pinagmasdan ko lang siya. Hinayaan ko lang muna siya kumalma. Mukang nasobrahan ata ang sorpresa ko. Balak ko lang naman na gulatin si loko. Yung sakto lang. Tipong ganon.

Ilang sandali pa, ako na ulit ang nagsalita.

“Hey... hey... are you okey?” nakangisi kong tanong.

Tinignan niya ako ng masama. Mali ata ang naging birada ko sa kanya. Napayuko nalang ako sa hiya.

“Sorry.” nalang ulit ang nasabi ko. Takte bakit ba sablay na naman ako!

“Ilang beses ka ba magso-sorry, ha Mark? Ganon nalang ba yun? Sorry lang tapos okey na?” pagalit ang kanyang tono.

“Eh hindi ko nga sinasadya.”

“Wak ka na boy.”

Patay!

Inangat ko na ang aking ulo para harapin ang galit niya tutal kasalanan ko naman talaga.

Seryoso parin ang kanyang mukha. Bakas parin ang paghabol ng kanyang hininga.

Napaatras ako ng akto siyang hahakbang sa direksiyong papunta sa kinatatayuan ko. Nagtuloy tuloy lang siya at ako naman ay napatigil nalang.

Wala na akong nagawa ng bigla niya akong yakapin sa para bang sabik na sabik. Nanlaki ang aking mga mata na walang magawa kundi titigan lang siya.

Kung kanina, siya ang nagulat sa pagsabog ng plapla, ngayon ako naman ang parang hinagisan ng dinamita sa gulat ng ginawa niya.

“Bakit?” matipid kong sambit.

Hindi siya nagsalita. Tinapik lang niya ako sa balikat na parang okey na ang lahat.

Ilang sandali pa, ako na ang tumulak ng bahagya sa kanya para kumawala sa pagkakayap niya. Pagkatapos ay nagkatitigan kami na para bang nuon lang kami nagkita.

"Bakit?" tanong niya.

"Wag dito. Maraming tao."

"Ah. Hahaha. Ka-loko."

“Sorry ulit Kevin.” sabi ko.

"Sorry na naman?!"

"Hahaha. Pacenxa."

“Hahaha. Kakaiba ka Mark. Wala na ata akong makikitang katulad mo dito sa mundo. Parang endangered specie. Ganon. Kahit ata anong gawin mong kasalan at pang-aasar, kahit madalas wala na sa lugar ang mga ginagawa mo, hindi ko parin makuhang magalit sayo. Napaka insensitive mo pa madalas. Ewan ko ba kung bakit ako ganito. Sayo lang naman. Ikaw lang ang ganito kalakas sa akin. Minsan nga iniisip ko, bakit ba ako nagkakandarapa sayo eh hindi ka naman super gwapo. Ano ba ang ginawa mo kung bakit ako naloloko sayo.”

Napangiti ako... ngiting aso at siya naman ay gumanti ng ngiting nakakagago. Para kaming hibang na ewan nuong mga sandaling yun. Hindi ko maipaliwanag pero kakaiba... basta ibang saya.


***

Umalingawngaw ang buong paligid sa pagsabog ng isang damukal na plapla na isa-isa naming inihagis sa gilid gilid. Pasado alas tres na ng gabi at nagsisimula na, na mahimbing ang mga tao pero kami ni Kevin ay nagsisimula palang ng pang-iistorbo. Ang gulo namin dalawa.

Pag dating sa bahay, ang ingay parin namin dalawa. Ang dami parin kulitan at buhay na buhay parin ang mga kalokohan. Ewan ko ba pero kapag kami ang magkasama, ang gabi nagiging umaga sa dami namin napag-uusapan.

Hay.

Natutulog ng super late. Kwentuhang madalas wala naman kwenta. Corny jokes at gasgas na linya. Nagiging OA na kami madalas at nagiging madrama. Jinajamming ang mga empleyado ni Jollibee. Lakad na biglaan, napunta sa malayong bayan... Baguio City hindi lang isang beses kundi dalawa pa. Inuumaga sa basketball court at nagpapakamatay sa pagod, makapaglaro lang ng bola magkasama. Hanep ang trip namin ni Huget. Kakaiba ang nararamdaman kong kasiyahan kapag siya ang kasama ko.



~~+~~


Back to the ball game!



Pumito na ang referee na naka pwesto sa gitna pagkatapos ay tumunog na ang mahabang buzzer hudyat na magsisimula na muli ang game.

Opening game kami. Huling laro ko sa St. Jude University para masungkit ang matagal ko ng hinahangad na kampyenato at syempre ang titulong Most Valuable Player.

Inilabas ng center namin ang bola at ipinasa sa akin. Nagsimula na namang dumadundong ang gym.

May naririnig akong sumisigaw ng apelido ko pero mas malakas ang Defence! Defence! Defence!

Tang-na napapaligiran kami ng mga Nursing. Ang dami nila.

Nag dribble ako at inilakad ang bola ng dahan-dahan para itawid ng half court. Bantay sarado ako ng dalawang guard ng Nursing kaya ipinasa ko sa kasamahan ko na libre sa dulo.Pakshet. Steal!

Mabilis na ipinasa ng power forward ng kalaban na naka steal ang bola sa guard na kabantayan ko kanina. Ako ang unang sasalubong sa kanila dahil ako ang nasa baba.

Kinuha ng power forward ang isang gilid habang ang isang pang forward na naka bandera ay pumwesto naman sa isang gilid. Ang nagdadala ng bola ay sa gitna dadaan at ako ang tutumbukin.

Wala akong katulong dahil naiwan ang apat sa kabilang bakod.

Nagpasahan ang tatlong kalaban gilid-gitna-gilid balik sa gitna. Sinundan ko yun pero wala akong nagawa. Tumira ng tutukang jump shot ang forward sa gilid habang naka backs out naman ang isa pa sa akin.

Kumalog ang bola. Kumawala sa ring. Naagaw parin nila ang bola at muling tumalon para sa isa pang opensa. Sinubukan kong abutin pero naipit ako sa gitna, sa ilalim ng ring. Nagawa ko pang tumalon ng ilang pulgada pero nadaganan ako ng isa.

Nahagip ako. Bumagsak ako at binagsakan pa ng isa. Naunang tumama sa sahig ang aking kaliwang paa. Mismong katawan ko ang dumagan dun na nadaganan pa ng isang tao.

Pumito muli ng mahaba ang referee na malapit sa amin para sa isang injury time out. Nakahiga lang ako sa sahig habang pinagmamasdan ang nanunuod na biglang tahimik at nakatingin lang sa akin.

Nagsimula na akong kabahan.

Namamanhid ang paa ko. Parang semento sa bigat dahil hindi ko yun makuhang iangat.

Nilapitan agad ako ng mga kasamahan ko at ilang mga kaibigan. Mas tumindi pa ang kabog ng dibdib ko.

"Mark wag mo igalaw ang paa mo." si Kevin yun alam ko.

Nilinga ko ang mata ko. Nasa gilid ko siya na mukang alalang-alala.

Itinaas ko ng bahagya ang ulo ko. Tinignan ko ang paa ko.

Nanlumo ako sa nakita ko. Dito na ata natatapos ang paglalaro ko ng basketball.


Most Valuable Player:Chapter52


CHAPTER 52

Hindi halatain ang tatoo. Halos isang sentimetro lang ang laki at hindi mo agad mapapansin kapag nilapitan ng tingin. Ewan ko, dahil siguro sariwa pa yun. Pero kahit na, hindi ko parin sukat akalain na magagawa niya yun para sa akin.

Nagsisimula ng umihip ang mas malamig na hangin. Kumakapal narin ang mga ulap na unti-unti tumatakip sa manipis na liwanag ng araw. Pasado alas dos palang ng hapon pero parang sabik na sabik ng pumasok ang gabi. Ganito pala kapag Desyembre sa Baguio.

“Tara na?” aya niya.

“Five more minutes.” sabi ko.

Pinagmasdan kong mabuti ang paligid. Ninamnam ko ang bawat segundong nalalabi ko sa Baguio. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.


***

Halos mag aalas nuebe na ng gabi ng makarating kami sa Pampanga. Hinatid muna niya ako sa bahay at pagkatapos ay sibat na agad siya pauwi sa kanila. Hindi na niya nakuhang bumaba pa ng sasakyan.

Sa loob ng halos isang linggo, isang beses lang ulit kami nagkasama. Saglit lang at sa basketball pa.

Si Mariel naman, halos araw-araw nasa bahay.


~~+~~


Sinindihan ko ang plapla na hawak ko gamit ang isang sigarilyo. Nagliyab agad ang pabilo nun kaya agad kong ibinato. Hindi pa man nakakalayo, sumabog na agad ng todo. Ang lakas. Nakakabingaw sa lakas. Parang sumabog ang ear drums ko.


Happy new year! bati ko sa sarili ko.


Dalawa lang kami ni yaya sa bahay. Buti nga anjan na siya kundi wala na naman sana ako kasama. Nagpasabi sila lola na uuwi dito, kasama ko, sama-sama naming sasalubungin ang Bagong taon pero walang ni-isang dumating. Ganon talaga. Hindi naman kasi ako ang paborito nung apo. Pasaway daw kasi ako.


Beep. Beep.

Text galing kay Mariel.


Hon, dumaan ka dito ha. Hintayin kita. Happy new year. Love you.



Beep. Beep. Another text.

Galing naman kay Kevin.


Para kang isang ligaw na bala!

Bakit? reply ko.

Sa iba nakalaan, ako ang tinamaan... Happy new year. Hohoho.


Patay don! Natawa ako sa banat niya. Hindi ko na siya ni-reply-an. Baka kung saan pa kami mapunta.

Pumasok na ako sa loob para tikman ang mga niluto ni yaya Rosie. Ang daming nakahain. Sabay kami ni yaya na kumain. Isa-isa kong nilantakan ang mga paborito ko. Lahat paborito ko. Hahaha.


“Yah, mga ala una alis ako ha?”

“Saan ka pupunta?”

“Kila Mariel... at Kevin.”

“Ingat ka. Delikado sa daan.”

“Ingat sila sakin yah.”

“Ikaw talaga bata ka. Yung mga paputok mo, nasa ref. Akala ko kanina kung ano. Nakabalot pa sa dyaryo.”

“Hahaha. Yah para malakas pumutok.”

“Ganon ba yun? Bakit ang dami mong binili?”

“Wala lang.”

“Kunin mo na dun. Baka mamaya-maya basa na yun.”

“Opo.”

“Mark. Dun ka sa labas ng bakuran magpaputok ha. Ang sakit sa tenga.”

“Yah ano kaba. Mas malapit sa bahay, mas maganda. Balak ko nga magpasabog ng kahit isang plapla dito sa loob ng bahay eh para lumabas ang masasamang ispirito. Para swertehin tayo.”

“Jusko Mark. Kaawaan ka.”

“Joke lang yun yah.”

Nagdala ako ng konting pagkain kila Mariel. Pag dating sa kanila pinakain ulit ako. Nakipag kwentuhan ng konti at pagkatapos ay humayo na agad ako. Ang dami kasing nag-iinom sa gawi nila, baka mapa toma na naman ako. Mahirap na.

Nasa labas si Kevin nang dumating ako sa kanila. Ang daming tao sa bahay nila. Nanduon pala ang buong pamilya at ibang kamag-anak nila.


Huminto ako sa harap niya.

“Kevin...” bati ko habang bumababa sa motor.

“Musta?” tanong niya.

“Okey naman. Bakit nasa labas ka?”

“Hinihintay ka.”

“Ah. Hindi mo ba ako pakakainin sa inyo? Ano ba handa niyo?”

“Hanep Mark. Mas nauna mo pang kumustahin yung handa kesa sakin.”

“Hahaha. Sorry. Kumusta ka pala? Happy new year.”

“Badtrip.”

“Bakit?”

“Ewan ko ba kung bakit ako nabadtrip.”

“Sorry.”

“Sanay nako dun. Tara na sa loob.”

“Sus.”

Inakbayan niya ako. Magka-akbay kaming pumasok sa loob ng bahay. Nakakahiya.

Nakita ko agad sila tita... ang buong pamilya. Lumapit ako sa kanila. Ang init ng pagtanggap nila sa akin.

Ipinakilala ako ni Kevin sa ibang kamag-anak na naroon pagkatapos ay sinabayan niya ako kumain.

“Hindi ka pa kumakain?”

“Hindi pa.”

“Bakit?”

“Hinihintay nga kita.”

“Ah.”

“Ikaw ba?”

“Pangatlo na.”

“Lupet.”

“Hahaha.”

“Oy Mark.”

“Bakit?”

“Makikitulog ako sa inyo.”

“Ayoko.”

“Matitiis mo ba ako dito?”

“Oh bakit? Ano problema dito?”

“Tignan mo nga. Ang daming tao. Saan matutulog yung iba jan. Edi sa kwarto ko.”

“Ah.”

“Oh ano?”

“Pag-isipan ko.”

“Sige wag na.”

“Joke lang. Tsssk. Sige na. Payag nako.”


***

Pagkatapos namin kumain ay lumabas na kami. Maraming pinagbasyuhan ng mga fountain, lusis at iba pang pailaw sa labas... sa loob ng bakuran nila.

“Kevin tara dun sa labas. Sa gilid ng daan. Magpahangin tayo.”

“Magpahangin? Eh puro usok ng paputok lang ang malalanghap natin dun.”

“Basta tara dun. May sorpresa ako.”

“Ano?”

“Sorpresa nga eh. Edi hindi na yun sorpresa kapag sinabi ko.”

“O hige. Sige. Bahala ka.”

Pinauna ko siyang maglakad. Paglabas namin ng gate nila, maingat kong sinindihan ang isang plapla gamit ang lighter at pasimple kong inihagis yun sa isang gilid.


Kaboooom!


Sobrang lakas dahil ang lapit nun sa amin.

Nabigla si Kevin. Gulat na gulat. Nanlaki ang mga mata. Hinahabol ang hininga. Nakakatawa pero nakakaawa.

“Sorry.”

Hindi siya nagsalita. Nagalit ata.


No blood, no foul!
 

Join Date: Apr 2010
Location: Heart of the Champ

Most Valuable Player:Chapter51


CHAPTER 51

Habang bumabyahe papuntang Mines View Park.

“Oy Mark.”

Inaantok na naman ako. Hindi ko namalayan, unti-unti na pala bumabagsak ang mga mata ko.

“Inaantok ka na naman?”

“Kakakain lang kasi saka ang lamig." Hihikab-hikab. "Nakakaantok.” dagdag ko.

“Iba ka talaga Mark. Lupet mo.”

“Kevin naman... Sino ba naman ang makakatiis na wag aantukin kung ang mga kanta na naririnig mo ay mga sinaunang awitin. Yang mga favorite mong kanta, mas matanda pa satin yan eh.” sabi ko.

Iniject niya yung CD sa stereo at pagkatapos ay inilagay niya sa radio. Humanap ng FM station.

“Oh ayan boss.” sabi niya pagkatapos.

Hindi ko na siya sinagot. Napapikit nako sa antok.

Ilang sandali pa.

Biglang may nag ring. Cellphone ko. Nagising ako. Si Mariel tumatawag.


Oh.
May pinuntahan lang ako.
Si Kevin.
Mamaya uwi narin ako.
Ha?
Okey.
Sige. Bye.


Call ended.


“Mariel?” tanong agad ni Kevin.

Tumango ako habang binabalik ang cellphone sa bulsa ko.

“Hinahanap kana ata?”

“Hindi naman.”

“Ah.”

Babalik na sana ako sa pag-idlip ng bigla siya ulit nagtanong.

“Mark anong regalo ibinigay mo kay Mariel?”

“Roses.” sagot ko. Bagsak na ang ulo at nakapikit na ulit ako.

“Roses?”

“Yep.” pahina na ng pahina ang boses ko.

“Bakit?”

“Favorite niya yun.”

“Bakit sa akin jersey?”

“Diba nga maka Kobe ka? Favorite mo rin yun.”

“Kahit na mahal? Kahit kapusin ka pa sa pera? Bibilin mo parin?”

“O-o...”

“Bakit?”

Napadilat ako. Napakunot nuo.

“Ang dami mo naman tanong Kevin. Anong bakit?”

“Bakit mo ginagawa 'to?”

"Ang alin ba?"

"To"

“Kaibigan kita.”

“Ginagawa mo ba yun sa iba mong kaibigan?”

“Hindi.”

“Eh bakit ako?”

Napabuntong hininga ako. Napakunot ulit ng nuo. Napakamot ng ulo. Natigilan ako ng ilang segundo. Ano ba to, para akong may kausap na toddler. Lahat nalang tinanong.

“Iba ka eh.” matipid kong sagot.

“Panong iba?”

Hindi ako nagbitaw ng kahit anong salita. Tinitigan ko lang siya ng seryoso.

Napansin niya yun. Nagmenor siya. Ipinarada niya ang sasakyan sa gilid ng daan.

Nanatili lang siyang nakatingin sa harapan. Hindi niya ako nililingon. Ang lamig pero parang ibig niyang pagpawisan.

“Mark bakit ganon? Bakit may batas pang dapat sundin sa pag-ibig?” mahina ng boses niya. Kilalang kilala ko na siya. Alam kong nahihiya siya sa mga sandaling yun.

Nakuha ko naman ang sinabi niya kahit papano pero iba ang naging sagot ko.

“Hindi kita naintindihan.”

“Sana nakatira tayo sa mundo kung saan pwede mong mahalin ang kahit sino.” paputol-putol ang bagbigkas niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano.

Pinag-aralan ko mabuti sa isip ko ang sasabihin ko.

“Wag mo na hanapin pa yang sinasabi mong mundo dahil sa panaginip mo lang yun makikita. Sa mga kwentong pambata lang yun pwedeng mangyari. Hindi dito. Hindi kahit kailan.”

“Susunod ka ba sa batas nila?” ang dami niyang tanong. Ang lalalim ng mga tanong. Naninibago ako sa kanya. Parang ibang tao ang kausap ko. Parang hindi si Kevin na puro kautuan lang kanina.

“Hindi ko ulit nakuha.”

“Yung batas ng pag-ibig. Hehe.” pinipilit niyang tumawa. Halata naman kasi siya. “Batas na nagsasabing ang lalaki ay para sa babae at ang babe ay para lamang sa lalaki. Ganon. kuha mo?” dagdag pa niya. Nabubulol parin siya.

Nagsimula na akong kabahan sa kanya imbes na matawa.

“Oo.” sagot ko.

"Susunod ka?"

"Oo."

“Dahil gusto mo?”

“Ikaw. Nuong nagpaalam ka. Nuong iniwan moko. Umalis ka ba dahil gusto mo?” ibinalik ko ang tanong niya sa kanya dahil hindi ko kayang sagutin yun ng diretso sa sarili.

“Hindi.”

“Alam mo Kevin, tanggap ko naman na kahit kailan hindi pwedeng maging tayo. Kung ganon talaga, hindi ko na yun ipipilit pa. Kung hindi kita pwedeng mahalin sa paraan na bawal, mamahalin kita sa ibang paraan. At yun ang ginagawa ko kaya ko. Kaya ngayon magkasama parin tayo. Bilang isang matalik na kaibigan. Hindi hindi kita iiwan.”

Humarap narin siya sa akin. Pulang pula ang kanya muka.

“Hindi mo ba napapansin?”

“Na alin?”

“Habang tumatagal nagiging*emo na tayo.”

“Napag-uusapan lang naman Kevin.”

“Dati kasi ikaw lang ang madrama, ngayon pati ako nadamay na.”

“Kumana ka na naman Huget. Seryosang usapan, bigla ka sisingit ng ganyan. Ikaw nga itong nagsimula.”

Napangiti siya at kasunod ay tawa na ng malakas. Nabasag na ang seryosong usapan.

“Mark.”

“Ano? Hihirit ka na naman ng walang kwenta.”

Hindi parin mawala-wala ang ngiti niya.

“May ipapakita ako sayo.”

“Loko ka Kevin. Kapag yan walang kwenta. Bubugbugin kita.”

“Nang alin? Nang pagmamahal? Hahaha. Saka ko na nga ipapakita. Baka kasi maiyak kapa.””

“Hanep. Tara na nga. Humahapon na. Mahirap na bumaba kapag ginabi tayo sa daan.”

“So nagpaparinig ka?”

“Ano?”

“Over night? Yun gusto mo? Dito? Sa Baguio?” sabay kindat ni loko.

“Tara na kako para makauwi na tayo.”

“Miss na miss mo na siguro ko, noh?”

“Tara na.”

Mag aalas dos na ng hapon ng marating namin ang Mines View Park. Ang tagal namin humanap ng paparadahan. Puno ang mga parking spaces sa paligid. Mas marami palang tao kapag holiday. Mga dalawang daang metro ata ang layo ng pinagparadahan namin mula sa bunganga ng Park.

Paglabas namin ng kotse, nakaramdam agad kami ng kakaibang lamig. Mas malamig kesa kanina. Marahil ay papahapon na.

Pumasok ulit siya sa kotse para kuhanin ang jersey na bigay ko sa kanya. Inabot niya sa akin.

"Oh."

"Ano gagawin ko jan?"

"Isuot mo. Idoble mo sa suot mo."

"Bakit nga?"

"Malamig na. Baka sipunin kapa."

"Sayo na. Ikaw nga etong mahina ang katawan."

Naglakad siya. Lumapit siya sa akin. Hindi ko na naman napansin, nasakal na naman ako ni Huget.

"Oy. Nakakahiya loko. Bitawan moko."

"Isuot mo na."

"Sige. Oo na."

"Good."

Ako ang taong hindi pwede imanipulate ng kahit sino. Pero pag dating sa kanya, hindi ko na yun napapanindigan pa. Ewan ko ba kung bakit.

Naglakad na kami papunta ng Parke. Diretso na agad kami sa loob, sa dulo, kung saan maraming tao. Sa gawi ng higanteng bato na nakaharap sa tanawan ng Mines View.

“Mark. Naalala mo ba yung bracelet na binigay mo? Diba dito mo yun binili?” tanong niya. Parehas kaming nakasandal sa malaking bato.

“Oh.”

“Wala na yun. Hindi ko na yun isusuot pa.”

“Edi ayos. Edi kasaya pala kung ganon.”

“Sus. Halatang halata ka Mark.”

“Tara na. Umuwi na tayo. Baka nasimot na lahat ng gamit namin ng mga akyat-bahay.”

“Ayan ka na naman. Binabago mo na naman usapan.”

“"Ano gusto mo sabihin ko? Ano gusto mo mangyari?” napalakas ata ang boses ko. Ang dami pa naman ng tao. Bigla akong nahiya. Putek.

Napangiti siya. Ngumiti na naman ng nakakago. Lalo lang akong nainis.

Umupo siya sa di kalayuan. Sa bandang gitnang upuan na may bubong na pabilog. Sumenyas siya. Inaaya niya akong tumabi sa kanya. Hindi ako lumapit.

Tumayo ulit siya. Nilapitan ako. Inakbayan ako. Wala na akong nagawa kundi sumama.*

“Diba sabi ko sayo, huling bagay na aalisin ko sa katawan ko yung bracelet na bigay mo?”

“Paulit-ulit nalan...”

“Pssst. Diba sabi ko kanina, may ipapakita ako sayo?”*

Bahagya niyang itinaas ang kanan niyang paa.

“Mahiya ka Kevin. Dito mo pa ididisplay yang madumi mong paa.”

“Nakikita mo ba yan?” tinuro niya yung nakasulat sa kanyang kanang paa. Sa pagitang ng sakong at bukung-bukong, nakapaloob. Parang maliit na ibig magsugat. Namumula yun. Hindi ko gaanong makita.

“Letter M yan. Sariwa pa kasi kaya nahihirapan ka pang makita.” sabi niya.

Ibinaba niya yung kanan at sunod na itinaas ang kaliwa. Gaya ng nauna, may isang letra rin dun nakasulat. Namumula din at ibig-ibig magsugat. Letter K ang nakasulat.

“Anong kalokohan naman yan Kevin?' singit ko.

“Permanent tattoo yan Mark. Letter M for Mark, K for Kevin. Hehe.”

“Baduy mo.”

Hahaha. Basta... Kahit saan ako magpunta, lagi na kitang kasama.” 

Most Valuable Player:Chapter50


CHAPTER 50

Baguio?”

“Muka ba 'kong nagbibiro?”

“Ibalik mo na Kevin. Seryoso, ayoko pumunta. Kung gusto mo ikaw nalang mag-isa.”

“Sus.”

“Tignan mo nga suot mo. Yan ba yung ipupunta mo ng Baguio, ha?”

“Oh bakit? Ano problema dun? Komo naka todo porma ka jan eh. Tssk.”

“Loko. Sige bahala ka. Tigas ng ulo mo.”

“Ano naman naisipan mo at nagpakalbo ka?” tanong niya. Halatang iniiba ang usapan.

“Semi kalbo yan hindi kalbo.” sagot ko.

“Ganon din yun. Bakit nga?”

"Wala."

"Nice."

"Yung?"

"Gupit mo."

“Ah.”

“Gwapo na.”

“Loko.”

“Dati kasi medyo lang. Ngayon totoo na.” hirit niya sabay tawa.

“Sige mag drive ka na muna jan. Bahala ka kung saan mo gusto pumunta. Kahit sa Iraq pa. Wag lang sa Langit. Tutulog muna ako. Nahihilo nako.”

Pumikit nako. Hindi ko na talaga kaya makipag kwentuhan pa. Hinanap ko kung saan maganda pwesto. Binaba ko yung upuan ng bahagya para maging komportable tulog ko.

“Oy Mark.”

Hindi ko na siya pinansin. Antok na antok na talaga ako.

“Oy... Oy... Mark...”

Kinalabit niya ako. Kinalabit ulit. Hindi ko nalang siya ulit pinansin. Nagtulog-tulugan na ako.

Naramdaman kong biglang bumabagal ang takbo namin.

“Mark may dala ka bang pera jan?”

Biglang nawala ang antok ko. Napaupo ako ng diretso.

“Ha?” ang tanging kong nasabi.

“Wala akong dalang pera. Wala na pala tayong gasolina.” sagot niya. Halatang sa mukha niya ang pag-aalala.

Patay don!

Napalunok ako. Kinuha ko ang wallet ko. Binuksan ko. Lumaki bigla ang mga mata ko.

Kinapa ko ang isa ko pang bulsa. Kinuha ang perang natira kanina.

Inabot ko sa kanya. Nakabilot pa.

“Magkano yan?”

“Sisenta.”

“Sisenta?!”

“Eh hindi pako pinapadalan ng allowance ng nanay ko.”

“Hahaha. Sige itago mo na yan. Pang-load mo nalang.”

“Oh pano yung gasolina? Sabi ko kasi sayo ibalik mo na kanina eh.”

“Joke lang. Naka full tank 'to saka marami akong dala. Hahaha.”

“Putek. Hay. Kayabang!”

“Marami kasi ako napamaskuhan kanina. Hahaha.”

“Hindi kana nahiya, namamasko kapa. Katanda mo na.”

“Ganon talaga. Para maraming pang-date. Tssk.”

“Teka, baka hanapin ka ng nanay at tatay mo. Bahala ka. Wag na wag moko idadahilan sa kanila.”

“Wag ka mag-alala. Balikan lang tayo.”

“Kalakas ng ng trip mo Huget.”

“Hahaha.”

"Makatulog na nga. Gisingin mo nalang ako mamaya."

“Oy wag ka matulog. Sige ka baka antukin din ako. Baka langit ang punta natin nato hindi Baguio.”

“Anak ng tipaklong. Kahit isang oras lang Kevin. Ang sakit na ng mga mata ko. Hindi mo ba nakikita, namumula na.”

“Bakit ka ba kasi nag-inom na naman, ha Mark? Ako ba pinag-iinuman mo, ha?”

“Gago.”

“Hahaha.”

“Bahala ka na nga. Basta ako matutulog nako.”

“Oy wag. Kwento ka nalang.”

“Hindi ka ba makaintindi Kevin. Antok na antok nako.”

“Teka. Hanap tayo ng tindahan.”

“Ng ano?”

“Kape. Marami tayong pag-uusapan.”

Napakamot na naman ako. Kahirap ng may kasamang ganito. Sa totoo lang, ang sakit na ng ulo ko.

Himinto kami sa isang gasoline station. Nasa labas na pala kami ng Pampanga, napansin ko. Nag CR ako para maghilamos. Baka sakaling mahimasmasaan ako.

Nauna akong sumakay sa kotse. Nakaupo lang ako habang nakikinig ng radio. Ang tagal niya. Inaantok na naman ako.

“Oy Mark. Gising. Oy.”

Nakatulog na pala ako.

“Mamaya na tayo bumyahe Kevin. Magapalipas na muna tayo dito ng gabi.”

“Wag na. Para maaga tayo. Sa daan nalang tayo magdahan-dahan. Oh eto kape. Eto pa. Tapos kapag naubos yan, eto pa.”

“Dapat bumili ka pa. Dapat dinamihan mo na. Eh lulunurin mo pala ako sa kape eh.” sabi ko.

“Hahaha. Wag mo kasi ubusin agad. Reserba muna yung iba para kapag inaantok kana itagay mo lang yun iba. Kung yung alak nga eh drum drum inuubos mo, eto pa kayang tatlong basong kape lang.”

“Oh sige. Hige. Ikaw na magaling.”

“Hahaha.”

Hindi pa kami nakakalayo, hindi pa ako nag-iinit sa upuan, may hinintuan na naman si Huget.

“Miss. Apat ngang B3. Double Go large.” sabi niya.

Nag drive thru kami.

“Okey ba? Tsssk.” tanong niya sakin.

“Tamang tama Kevin. Gutom na gutom na kasi ako eh.”

“Kawawang bata. Pano ka niyan mabubuhay Mark. Sisenta nalang pera mo tapos kakain ka pa bukas. Magloload kapa. Kakain ka ulit tapos magloload ka ulit.”

“Naubos nga jan sa jersey mo. Isang libo mahigit yan. Bukas baka padalan nako ng nanay ko.”

“Sorry. Joke lang yun.”

“Okey lang.”

Huminto ulit siya. Pumarada kami sa gilid ng daan.

“Ang drama mo na ngayon.” Inakbayan niya ako.

Pinili ko nalang na wag magsalita. Mahirap na, baka kung anong drama pa masabi ko. Kinuha ko sa plastic yung isang burger at kumagat ng malaki. Baka sakaling pag nagka laman na ang sikmura ko, mawala narin ang natitirang amats ko sa katawan.

Bumitaw siya. Kinuha niya yung coke at uminom pagkatapos ay byahe na ulit kami.

Mag aala-singko na ng umaga ng dumating kami sa Baguio. Napahaba ang byahe dahil sa kapal ng hamog sa daan papaakyat ng bundok. Ang lamig ng paligid. Mas malamig ng dalawang beses kumpara sa pagpunta namin nuon.

Humanap agad kami ng pwedeng kainan. Mas pinili naming mag-almusal sa karenderya malapit sa Burnham Park. Nakakahiya daw kasi ang suot niya. Pero para sa akin, okey naman siya kahit nakapambahay pa siya. Walang magagawa, siya bahala.

Gaya nuong una naming punta, nangangapa parin kami sa pakurba-kurbang mga daan ng Baguio.

Ilang liko at balik ang aming ginawa bago namin maabot ang tuktok ng Lourdes Grotto. Ang dami kong pinagdasal. Ang dami kong hiniling. Ang dami kong sinabi sa kanya. Sana narinig ni Lord yun lahat.

Sunod naming pinuntahan ang The Mansion. Ilang beses parin kaming naligaw kahit na isang damukal na tao pa ang aming pinagtanungan.

Ganon parin. Picture picture parin kay manong guard. Wala kaming dalang matinong camera kaya low class cellphone*cam nalang ang pinagtiyagaan.

Bumaba din kami sa Botanical Garden. Ang lamig. Dun ata ang pinakamalamig na lugar sa mismong Baguio. Marahil ay dahil narin sa dami ng mga puno sa paligid. Kahit saan ka lumingon, may hamog. Kumain ulit kami sa loob ng malawak na Hardin. Ang dami kasi dun pwedeng kainin.


Dumaan kami Camp John Hay...


Lumiko papuntang PMA...

Naki-martsa kami sa mga sundalo ng Academy. Abot ngiti ni loko kapag nakakakita ng sundalo.

“Alam mo ba Mark, pangarap ko talaga maging sundalo.” seryoso niyang sabi.

Umiling ako.

“Nako hindi ka pwede jan.” pagkontra ko.

“Bakit?”

“Hindi pwede ang yabang lang jan. Baka isang linggo ka palang hindi kana tumagal.”

“Hanep Mark. Kaibigan ka ba talaga, ha?”

“Oo naman. Kaya nga nagsasabi ako ng totoo eh.”

Sinakal niya ako. Hindi ko makuhang kumawala sa dalawa niyang braso.

“Gago. Bitawan moko. Nakakahiya.” sabi ko.

“Mark.”

“Oh. Ano? Bitawan mo kako ako. Hindi ako makahinga.”

Binitawan naman niya agad ako. Nakangiti pa si lok, ngiting nakakagago. Ang sarap lang tadjakan.

“Ano ba pangalan ng pabango mo?” seryoso niyang tanong.

“Ah. Bench cologne lang yan.” sabi ko.

“Hindi ba amoy pawis yan? Pawis na na tuyo?”

Inamoy ko ang sarili ko.

“Pucha! Hindi naman ah.”

Ngumiti ulit siya. “Joke lang. Hahaha.”

Mag-aalas dose na ng hapon ng lisanin namin ang kampo ng mga sundalo. Last daw namin pupuntahan ang Mines View Park. Imbes na dumiretso, bumalik kami sa gawi ng Burnham Park. Sa SM City Baguio.

Bumili siya ng pasalubong sa pamilya niya. Brownies. Apat na boxes ng brownies. Binigay niya sa akin yung isa. Puro kahon at pinagbalatan ng brownies ang lagi kong nakikita sa bahay nila. Paborito ata ng pamilya Huget yun. Kahilig!

Bibili pa sana siya ng jacket para sa kanya. Nahihiya daw kasi siya sa suot niya. Hapit na may mukha ni Bugs Bunny ang damit niya. Nauto ko este napilit ko na bagay naman sa kanya kaya wag na.

Duon narin kami kumain ng tanghalian. Sa wakas, hindi na kay pareng Jollibee kami nag lunch.

Sakto ala una ng hapon ng lisanin namin ang Mall.

Last destination... Mines View Park.

Most Valuable Player:Chapter49


CHAPTER 49

Naguguluhan ako... bakit naguguluhan nanaman ako? Isang daang libong beses ko ng pinag-isipan ang dapat kong gawin, pero bakit ganon, bigo parin ako na kalimutan siya.

Hay.

Tumayo ako. Nagsinop-sinop. Nilinis ang kwarto kong nawalan ng bihis, na nahubaran ng nagdaang gabi. Bugtong hininga. Napa-isip nanaman ako. Tang-na. Siya nanaman ang naalala ko.

Kung napag-aaralan lang sana ang pinaka mabilis na paraan upang kalimutan ang tulad niya, kahit saang eskwelahan pa mage-enrol ako, kahit marami pang seatwork at homework papasukan ko, maturuan lang ang bobo kong puso.

Binitiwan ko na kung ano man ang ginagawa ko nuong mga oras na 'yun.

Naligo ako at nagbihis. Nagpabango ako ng sampung beses. Nagtooth brush, nag mouth wash at nag-ahit ng balbas. Kahit para na akong *****, makaalis lang ako pansamantala sa mundo kung saan ko siya naaalala.


***

Dumaan ako kay manong barbero hindi para kumuha ng kwento kundi para magpatabas ng buhok... para magpa semi-kalbo.

“Manong gwapo na po ba 'ko?” tanong ko, nakaharap ako sa malapad na salamin habang siya ay abala sa pag-alis sa aking patilya.

“Syempre naman.” napapangiti pa si manong.

“Aakyat po kasi ako ng ligaw manong. Papasa na kaya ako? Ano, sa tingin mo?”

“Pasadong pasado ka bata. Kung ako ang liligawan mo, u-oo agad ako sayo.”

Ganon sana. Lakas ni manong.

“Manong basketbolista karin ba?”

“Hindi. Bakit?”

“Basketbolita po kasi ako pero hindi ako ganyan kalakas mambola.”

“Hindi bola yun bata.”

“Sige. Naniniwala nako sa inyo. May isang tanong pa ako manong.”

“Ang dami-dami mo naman tanong bata.”

"Last nato."

"Sige. Ano ba yun?"

“Kunwari close tayong dalawa. Kunwari lang naman. Tapos bibigyan kita ng regalo, anong regalo ang gusto mo? Nakuha mo ba manong? Basta parang tipong ganon.”

“Nako. Hmm. Pwedeng bagay na gusto ko makuha, makita o kaya pabotrito ko. Dapat ikaw ang umisip nun. Hindi naman mahalaga kung ano, ang importante nakaalala ka.”

“Wow.”

Napakunot nuo tuloy ako.

Pagkatapos sa barber shop ni mamong, tuloy ako sa flower shop ni manang Ising sa kanto. Bumili ako ng paboritong bulaklak ni Mariel, pulang rosas. Tatlong piraso.

Pagkatapos ay sumaglit ako sa mall para bumili ng isa pang regalo.

Pasado alas kwarto na ng hapon ng dumating ako sa bahay nila Mariel. Agad ko binigay ang binili kong bulaklak sa kanya.

“Pacenxa kana hon, ha. Medyo malungkot yung mga bulaklak. Hindi ko kasi nasamahan ng chocolates. Ayoko kasi tumaba ka.” palusot ko. Sa totoo lang kinulang talaga ako ng pera para makabili pa ng tsokolate para sa kanya. May ibang pagkakataon pa naman.

“Ikaw talaga. Oh teka bakit nagbago itsura mo?”

“Wala lang. Maiba lang. Nagustuhan mo ba?”

“Oo naman. At bakit may bag kapang dala?”

“Trip trip lang.”

“Kaloko mo.”

“Hehe. Merry Christmas.”

“Hindi mo man lang ako nireplyan. Hmmp. Ilang beses kita tinext kanina.”

“Nandito naman nako eh.”

Lumapit ako, tumabi ako sa kanya. Kinuha ko ang kanyang kamay. Hinawakan ko yun ng mahigpit at idinaan ang tampo niya sa ngiti.

Gumanti siya ng ngiti kaya alam kong tapos na ang drama niya.

Nagulat ako ng biglang lumapit ang tatay niya. Hindi ko napansin. Nakaligtaan ko na nasa likod lang pala namin.

“Mark.” suway ng tatay niya. Ang laki ng boses kaya mas nakakatakot.

“Po.” sagot ko.

Nakatingin lang ako kay Mariel. Bigla akong natakot gaya ng naramdaman ko tatlong taon na ang nakararaan ng una akong tumuntong sa bahay nila, bilang isang manliligaw ng anak niya.

“Halika.”

Tumayo naman agad ako pero hindi ko iniwan ng tingin si Mariel.

Inakbayan ako ng tatay niya na dalawang beses na mas malaki ang katawan kaysa sa akin.

“Tara shot tayo.” aya niya.

Patay don! Akala ko kung ano na.

“Tay naman. Hindi masyado umiinom si Mark.” sabi ni Mariel.

Hindi masyado amp. Parang sinabi din niyang lasenggero ako.

“Isang tagay lang anak. Saka para naman mas makilala ko pa 'tong boyfriend mo.”

Tumango ako kay Mariel. “Okey lang.” sabi ko sa kanya pero walang lumabas na boses sa bibig ko.

Inalog ako sa pagkakaakbay ng tatay niya.

“Oh ano Mark?”

“Sige po. Tara.”

Kumaway nalang ako kay Mariel. Dinala ako ng tatay niya sa likod ng bahay nila. Duon pala nagaganap ang inuman ng magkakaharap sa ngalan ng alak.

Nanduon ang iba niyang mga pinsan, mga tito at kung sino-sino. Patay ako nato kako. Patay na naman ako.

“Ikaw ba yung Mark?” tanong ng isa, tito ang pakilala.

“Opo.”

“Itagay mo.” inabot niya yung maliit na baso na may lamang likido na hindi ko mawari kung ano.

Kinuha ko naman agad yun. Mabilis kong ininom. Pu-ta. Gumuguhit sa lalamunan. Ang tapang.

Lasang Matador. Sinipat ko agad yung bote nun. Tama nga!

Ang isang toma naging pito... hindi pala... sampu... parang labing lima. Basta hindi ko na mabilang kung ilang beses tumapat sa akin ang pag-ikot ng baso.

Hanep na Pasko ko.


***

“Hon, wag kana umuwi. Dito ka nalang matulog.”

“Hindi hon, uuwi ako. Nakapagpahinga naman ako kahit papano.”

“Gabi na. Delikado kapag nag maneho kapa. Lasing kana.”

“Kaya ko. Don't worry baby.”

“Tignan mo, kung ano-ano na sinasabi mo.”

Pinisil ko ang kanyang pisngi. “Ikaw naman.”

“Bahala kana nga.”

“Bye hon. Isang kiss naman jan. Tssk.”

“Kulit mo. Dito kana nga matulog.”

“Next time baby.” Ngumiti ako. Hindi ko nga lang alam kung ano itsura ko. “I-kiss mo nako. Please. Bago ako umalis.”

Kiniss niya ako sa pisngi. Umalis nako.

Motor ang gamit ko. Sa tingin ko kaya ko naman magmaneho kahit medyo nahihilo.

Nagdahan-dahan nalang ako.


***

Oy Cris, sabihin mo sa kuya mo lumabas siya. Andito ako sa labas niyo.


Text ko sa kanya. Nakapatay kasi cellphone ng kuya niya.


Tulog na siya brader. Wait. Ako nalang lalabas.



Hindi. Hindi pa yan tulog. Sabihin mo hindi ako aalis dito kapag hindi niya ako nilabas. Reply ko.


Hindi na siya nagreply. Matagal akong naghintay.

Nakaupo ako sa harap ng gate nila. Nahihilo narin kasi ako. Inaantok pa.

Biglang bumukas ang gate.


"Bakit nandito ka?"

Nilingon ko siya.

"Ang tagal mo. Kanina pa ako dito."

"Umuwi kana. Gabi kana."

"Ayaw mo ba ako makita, ha?"

"Lasing kaba? Lasing ka na naman."

"Bakit mo ba binabago usapan, ha?"

"Jan ka lang. Iwan mo na dito yung motor mo. Ihahatid na kita."

"Ayoko. Sagutin mo muna tanong ko."

Iba talaga ang nagagawa ng alak sakin.

Hindi niya ako pinansin. Kinuha niya yung motor ko na nakaparada sa gilid. Pinigilan ko siya pero mas malakas siya sa akin nuon kaya wala akong nagawa. Ipinasok niya yun sa bakuran nila. Pumasok siya saglit sa loob ng bahay, may kinuha.

Pagkatapos ay inilabas niya yung kotse. Nakapambahay pa siya.

"Sakay."

"Ayoko."

"Sakay sabi eh. Sasagasaan kita jan."

"Sige. Subukan mo."

Bumaba ulit siya. Napakamot ng ulo. Nilapitan ulit ako.

"Kulit mo. Sige na." tinitigan niya ako ng seryoso.

Sumakay na ako.

Mabilis niyang inarangkada ang sasakyan papaliko.

"Ikaw ata lasing eh. Hindi naman jan yung daan papunta samin."

"Diba ayaw mo umuwi?"

"Nagbago na isip ko. Umuwi na tayo."

Nagpreno siya. Nag full stop kami sa gitna ng daan. Tinignan ko siya. Lasing ako pero natatakot ako sa kanya.

"Sorry Kevin." sabi ko. Kinuha ko yung bag ko. Kinuha ko yung nasa loob at iniabot sa kanya. "Oh. Para sayo. Binili ko kanina pero wala talaga akong plano ibigay yan sayo, ngayon, sa ibang araw sana, basta kung kailan pwede o kahit hindi na. Basta."

"Oh bakit nandito ka ngayon?"

"Napasubo lang. Lumakas ng konti loob ko na puntahan ka. Nakakahiya naman, wala akong regalo sa kaibigan ko."

May bumusina sa likod ng sasakyan, malakas. Busina yun ng kasunod. Itinabi ni Kevin ang sasakyan sa gilid ng daan.

Inabot ko ulit yung binibigay ko sa kanya. Tinitigan lang niya. Hindi niya kinukuha.

Binuksan ko na sa harap niya. Nakabalot kasi yun ng bond paper.

"Ano yan?" nagtatakang tanong niya.

"Jersey."

"Aanin ko yan?"

"Jersey ni Kobe yan. Paborito mo yan diba?"

Kinuha niya. Natawa.

“Nakikita mo ba sarili mo? Tignan mo nga muna kaya sa salamin ng makita mo.”

“Ha?”

"Wala. Nag-abala kapa kako."

"Eh naalala ko lang bigla. Oh sige na ihatid mo nako. Promise matutulog nako."

Pinaandar na niya ang sasakyan pero hindi niya ibinalik sa daan pauwi sa bahay namin. Matulin ang andar. Rumaragasa sa tulin.

"Oy Kevin... ano ba ginagawa mo? Iuwi mo nako."

"Wag muna. May pupuntahan tayo."

"Takte. Ibalik mo na. Nahihilo nako."

"Sumakay ka lang jan. Ako bahala."

"Saan ba tayo pupunta?"

"Sa... Baguio."

Pusa! 

Most Valuable Player:Chapter48


CHAPTER 48

Mark... pwede ba kitang makasama... kahit ngayon lang.”

Hindi ko nakita kung paano niya binitawan ang linyang yun pero malinaw naman na nakuha ng mga tenga ko ang sinabi niyang yun.

Hinatak ko ang case na nasa ilalim ng lamesa at kumuha ng dalawa... dalawang bote ng serbesa. Sinubukan ko buksan ang isang bote gamit ang ngipin ng tansan ng pangalawa.

“Oh eto.” sabi ko. Inabot ko sa kanya. Lumapit siya at hinatak ang upuan sa gilid ko, umupo siya sa harap ko at kinuha ang bote ng San mig na inaabot ko. Lumagok agad siya ng isa.

“Merry Christmas Mark.”

“Hindi merry ang Christmas ko.” napakunot siya ng nuo. Hindi ko alam kung nalalasahan parin niya ang pait ng alak o mapait lang talaga ang naging sagot ko.

“Bakit naman?” tanong niya. Halatang medyo nag-aalangan pa siyang magsalita.

“Tignan mo naman ako. Muka bang akong masaya?”

Hindi na nakakapag-preno ang bibig ko dahil siguro sa dulas ng alak na umakyat na sa utak ko. Naka ilang bote narin kasi ako, tatlo na ata, pang-apat ang hawak ko.

Tumungga ulit siya ng isa, matagal. Narinig ko ang sunud-sunod na lagok na umagos sa kanyang lalamunan.

“Mark... ano Christmas wish mo?” tanong ulit niya. Hindi pa naman siya lasing pero ang kulit na niya.

"Ang kulit mo. Uminom ka nalang jan."

Uminom ulit ako. Medyo mainit na yun. Hindi na swabe sa panlasa ko. Hindi ko na yun inubos. Hinipo ko ang natitirang mga bote ng alak sa case sa gawing paanan ko. Ganon din, medyo mainit narin.

Tumayo ako. Tumalikod at dumiretso sa loob.

“Oy saan ka pupunta?” tanong na naman niya.

Sumenyas ako. “Kukuha lang ng ice cubes.” sabi ko.

Bumalik ako sa ha-rapan namin ni Kevin dala-dala ang pitsel na may yelo. Nagbukas ako ng dalawang bote at ibinuhos sa pitsel na hawak ko.

"Itabi mo na yang iniinom mo. Hindi na masarap yan. Hindi na malamig."

Nilabas ko sa bulsa ko ang baso na kinuha ko, dalawa, tig-isa kami.

“Isang baso nalang gamitin natin. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan.” sabi niya.

Napangiti ako. Oo nga naman.

Tinabi ko nalang sa gilid yung isang baso at ang isa naman ay nilagyan ko na ng alak. Mamuno-muno yun dahil sa kanya ko ibibigay ang tagay.

“Dahan-dahan lang Mark baka kasi malasing agad tayo. Gusto kong sulitin ang gabing 'to kasama ka.”

Nagulat ako sa sinabi niya. Mukang simpleng pangungusap lang naman yun pero parang hindi ko gaanong naunawaan ang nilalaman.

Binawasan ko ng kalahati ang baso na kanina ay puno. Kinuha naman niya pero hindi niya agad ininom.

“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko... ano Christmas wish mo?”

"Ang kulit mo. Para kang bata na tanong ng tanong." sabi ko. Tinignan ko siya. Seryoso ang kanyang mukha.

Napakamot tuloy ako. Tumingin ako sa poste ng ilaw sa kalsada na natatanaw ko... napa-isip.

“Ah...” umiling ako. “Hindi ko alam. Ikaw?”

“Sana maging masaya kana.”

Napabuntong hininga ako. Ang lakas ng tama ng sinabi niya nayun, mas malakas pa sa tama ng alak na nainom ko.

“Salamat Kevin, pare.” nalang nag nasabi ko. Ngumiti ako kahit na mapungay na ang mga mata.

“Masaya nako. Kasama na kasi kita.” dagdag ko.

Ininom na niya ang baso na kanina pa naghihintay sa kanya. Kinuha ko ang pitsel at nagbuhos ulit ako. Itinaas, tinignan ko, mataas ang alak sa baso. Pinanindigan ko yun gaya ng paninindigan ko na wag siyang kalimutan... tinungga ko ang punong baso ng diretso.

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay. Tinitigan niya ako ng seryoso.

“Namumula kana.” sabi niya.

“Kevin... totoo ba... yung sinabi mo nun sa mall. Nung isang isang isang araw ata yun.” tanong ko, paputol-putol.

“Nung twenty one.” sagot niya.

“Oo. Nung Twenty one nga.”

“Ano ba don?”

“Sinabi mo kasi na parang hindi naman ako ganun kahalaga sayo.”

“Ah...”

Natigilan ako. Napayuko bigla at napatitig sa baso.

“Hindi totoo yun. Sabi ko lang yun.” sagot niya.

Napangiti nalang ako kahit na nakatago ang mukha ko.

Nakalimutan ko, sa kanya na pala ang ikot ng baso. Nagbuhos ulit ako, naparami ulit. Hindi ko na ata makontrol ang sarili ko. Lumalakas na ata ang sipa ng alak sa katawan ko. Nahihilo nako.
Babawasan ko sana pero agad naman niya yun kinuha. Ininom niya yun ng straight.

Nagbuhos ulit ako. Pinuno ko ulit ang baso pero itinabi ko muna yun sa gilid para maya-maya inumin.

“Hindi ko alam kung ano meron sayo. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Alam ko mahal kita gaya ng pagmamahal ko sa kanya.” lumalakas na ang loob ko. Mas nagiging malakas habang dumadami ang baso ng alak na naiinom ko pero ang luha ko, hindi ko na napigilan na muling pumatak. Mahirap pala kontrolin yun ng basta tapang lang.

Pinunasan ko ang mga mata ko ng braso. Kinuha ko ang baso na na puno ng alak sa tagiliran ko, naubos ko yun ng isang lagukan.

Tuluyan nakong bumigay. Naghalo-halo ang emosyon, tama ng alak at pagod. Naramdam kong unti-unti ng bumibigat ang katawan ko kaya dumukdok ako sa lamesa sa harapan.

Ilang sandali pa lumapit na siya sa akin. Kinuha ang isang kamay ko at nilagay yun sa balikat niya. Itinayo niya ako. Tumayo kami ng sabay.

“Tama na Mark. Magpahinga kana.” sabi niya. Ang boses niya, kakaiba.

Wala na akong nagawa pa. Sumunod nalang ako sa pag-hakbang ng kanyang mga paa. Dahan-dahan, narating namin ang kwarto ko ng magka-akbay.

Nahiga agad ako sa kama habang siya ay bumaba pa para isara ang naiwang nakabukas na pinto. Bumalik naman agad siya at umupo sa tabi ko. Hinintay ko talaga siya bago ako tuluyan makatulog.

“Kevin dito ka lang. Wag moko iiwan.”

Inabot ko ang kamay niya, hinawakan yun ng mahigpit at ipinikit ko na ang aking mata mata para umidlip.

Ilang sandali pa. Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Ibubukas ko sana ang aking mga mata pero biglang dumampi ang kanyang labi sa aking nuo, bumaba sa pisngi at nanatili sa labi... matagal... ang init ng kanyang mga labi. Ang bigat ng bugso ng kanyang hininga. Hindi ako gumanti. Mas pinili kong nakapikit.

Nagsimula nang lumakad ang kanyang mga kamay, parang tubig na dumudulas sa aking katawan. Hinawakan niya ako sa balikat at muling hinalikan.

Hindi ko na kinaya. Dumilat ako, bumungad sa mga mata ko ang mukha ng puso ko... kalahati ng puso ko at siya yun... si Kevin yun. Lumaban ako. Hinalikan ko rin siya... hinalikan ko siya sa mukha niyang maamo.

Sa mga sandaling yun, wala na akong iniisip pang iba... kundi siya.

Hinubad niya ang damit na suot ko. Nagpatuloy siya ng paghalik sa aking dibdib. Bumangon ako kahit na nahihilo. Tinukod ko ang siko ko sa kama at pinagmasdan lang siya.

Naghubad siya ng pantaas. Lumapit ulit ang kanyang muka sa aking mukha, ang aming mga labi ay muling nagtama.

“Mark... ito ang pinakamasayang Pasko ko... dahil kasama kita.” bulong niya.

Hinalikan niya ulit ako. Ngayon, napapaso na ako. Napadagan ang mainit niyang katawan kaya napahiga ako ng tuluyan.

Hingal. Pagod. Pawis. Tamis. Isang gabing hindi ko makakalimutan, kahit kailan.

Niyakap niya ako mula sa dulo hanggang sa pagpikit ng mga mata ko.

"Mahal kita." ang huling mga kataga na narinig ko mula sa kanya bago ako tuluyang makatulog. Naging mahimbing ang bawat minuto ng pagtulog ko dahil alam kong kasama ko siya.


***

Ang sakit sa balat ng pagtama ng sikat ng araw. Nakabukas siguro ang kurtina sa ulunan ko. Binukas siguro ni Kevin.

Kahit na hirap pang dumilat ang mga mata, pinilit ko ibukas ang mga yun at itinuon sa kaliwang bahagi ng kama kung saan siya nakahiga. Wala.

Kinuskos ko ang mga mata ko at agad bumangon. Hinanap ko siya, hinanap ko siya gamit ang aking paningin na sabik sa kanya, nananabik na muli siyang makita. Hindi ko siya nakita.

Tumayo ako, bumaba. Tanging bakas nalang ng nangyari kagabi ang aking nakita. Wala na siya.

Bumalik ako sa kwarto. Naupo ako sa kama, nag-isip ng kung ano-ano, karamihan dun puro siya.


Beep. Beep.


Hinanap ko ang cellphone ko. Natagpuan ko yun sa gilid ng kama. Ang daming nag text. Text messages galing kay Mariel, sa mga kaibigan, kay yaya, kay lola at kung kani-kanino pa. Lahat bumabati ng Merry Christmas.

May isang text na pinadala isang oras na ang nakakaraan.

Merry Christmas Mark. Wag ka na mangungulit ha. Wag kana magdadrama. Kay Mariel mo ibigay ang buong puso mo dahil siya ang karapat dapat para sayo. Mahalin mo siya dahil mahal na mahal ka niya. Ingat ka palagi. Smile. Bye.

- Kevin

Tinawagan ko agad siya pero hindi ko na siya makontak pa.

Most Valuable Player:Chapter47


Chapter 47

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naitulak ko siya sa balikat. Napaatras siya. Nakasarado pasuntok ang aking mga kamao, nanginginig sa sobrang galit.

“Ano... gusto mo suntukan nalang tayo, ha?”

Tinitigan lang niya ako. Hindi niya ako pinansin.

Tumalikod siya kasabay ng muling pagdilim ng screen. Kinuha niya ang kamay ng kasintayan at agad silang naglakad papalayo, pababa habang ako ay naiwan na nakatayo at nakaharap sa wala.

Hinawakan ako ni Mariel sa braso, nanginginig parin ako. Napalingon ako sa kanya, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka, naguguluhan marahil sa kung ano ang nangyayari sa amin. Bumalik naman ako sa upuan katabi niya. Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko. Sigurado akong naririinig niya ang bawat pagkabog nun.

Habang tumatawid ang bawat eksena ng pelikula sa aming mga mata, mabilis naman humuhupa ang bigat na kanina ko pa dinadala. Kasabay ng pagtatapos ng pag-ikot ng roleta, natapos narin ang galit na aking nadarama.

Simula sa sinehan hanggang sa kanila, wala kaming masyadong napag-uspan. Ayaw pa sana niya umuwi pero ako na ang nagpumilit na ihatid siya. Gusto ko na kasi magpahinga ang sabi ko sa kanya.


“Hon, okey ka lang ba talaga?”

Bakas parin sa mga mata niya ang pag-aalala.

Tumango ako, ngumiti.

“Ingat ka sa pag-uwi. Text ka pag nasa bahay kana.”

Tumango ulit ako. Hinalikan ko siya... nagpaalam na.

“Teka.” sabi niya. Lumapit ulit siya sa akin at yumakap ng mahigpit.

“Goodnight.” sabi ko. Umalis nako.


***

Pag dating a bahay, diretso na agad ako sa kwarto. Pagbukas ko palang ng pintuan, nakita ko agad ang ipod na nakasabit malapit sa computer. Nilapitan ko yun, kinuha at binuksan para pakinggan. Humiga ako sa kama. Humilata ako, nakatulala at nakatingin lang sa malayo.

Inantok agad ako sa ilang kantang natapos ko. Pag pasok ng sumunod na kanta, bigla ko ulit siyang naalala. Ang bigat... bumigat nanaman ang pakiramdam ko. Pu-ta naman oo.

Hinubad ko ang ipod na pinakikinggan ko, hindi ko na tinapos ang kasalukyang nagpe-play. Tinitigan ko lang yun ng matagal. Naglakad ako ng ilang hakbang papunta sa gawing pintuan. Tinitigan ko ulit ang hawak ko ng ilan pang saglit at pagkatapos ay itinapon ko na yun sa basurahan.


***

Beep. Beep.

Kinuha ko yung cellphone na nasa bulsa ko. Si mariel.

Nakauwi kana ba? Tagal mo mag text.

Oo nga pala. Magtetext nga pala ako kapag nakauwi na. Nakalimutan ko.

Just got home. Thanks.

Message sent.

Napahikad ako. Nahiga ulit ako sa kama. Kinuskos ang mga mata. Tumagilid ako at pagkatapos ay dumapa. Naubos ata ang buong lakas ko at bigla akong inantok ng todo.

Beep. Beep.

Reply siguro ni Mariel.

Napahikab ulit ako. Inililapit ko ang cellphone sa mukha ko. Bagsak na ang mga mata kaya malabo na ang tingin ko sa maliliit na letra sa screen ng cellphone. Mabagal pero mabuti kong binasa ang nakalagay sa text message ni Mariel.

I love you hon.


Tinaype ko ang sagot ko.

Love y---


***

Naramdaman kong may humahaplos ng buhok ko.

Binukas ko ang mga mata ko. Inaninag ang nasa tabi ko.

Nagulat ako. Si Mariel.

“Bakit nandito ka?” tanong ko agad sa kanya.

Kanina pa siguro siya. Hindi ko na namalayan.

“Hindi ka na kasi nagreply kaya nag-alala ako. Tinatawagan kita pero hindi mo sinasagot.”

Kinuha ang cellphone ko. Hindi ko na pala na na-isend ang reply ko. Ang dami niyang missed calls.

“Pano ka nakapasok dito?”

“Buti nalang nasa akin pa yung susi na binigay mo nun. Natatandaan mo? Eto oh.”

Inabot niya sa akin. Ibinalik ko rin agad sa kanya.

Bumangon ako. Hindi man lang pala ako nakapagpalit ng suot. Naghubad ako at ginayak ang pamalit ko. Ibinukas ko ang tv at humanap ng magandang movie. Sakto, mukang love story sa HBO.

“Hon ligo muna ako ha. Jan ka muna.” paalam ko.

Inabot ko sa kanya ang remote control. Diretso nako sa banyo. Nagbabad ako sa tubig para mabuhay ang dugo ko. Inaantok pa kasi ako. Thirty minutes ata ako naligo.


***

“Labas tayo?” aya ko habang nagpupunas ng buhok. Nakaharap ako sa salamin sa kwarto.

“Ha. Saan naman?”

“Kain tayo sa labas.”

“Wag na. Busog pako saka gabi na. Uuwi narin ako maya-maya.”

“I love you too.”

“Ha?”

“Yung reply ko. Sorry hindi ko na naisend sayo.”

“Ah.”

Nilapitan ko siya. Niyakap. Hinalikan sa pisngi.

“Hon, salamat.”

Niyakap din niya ako ng mahigpit.

"Dito ka lang. Wag moko iiwan.”


~~+~~


December 25. 3 AM.



Ilang oras na ang nakakaraan ng umuwi ako galing sa bahay nila Mariel. Sa kanila ko sinalubong ang aking Pasko... unang Pasko na hindi ko kasama ang pamilya ko.

Nakatambay lang ako sa terrace, sa harap ng bahay. Naghihintay, nagbabaka-sakali na may dumating na bisita o kahit sinong tao na pwede kong makasama. Marami akong tinext na kaibigan at mga kakilala na wala akong kasama sa bahay pero umaga na wala parin dumadating kahit isa. Sayang lang ang binili kong mga alak, baka kako mapasabak. Badtrip!

Sana pala pumayag nalang ako sa inbitasyon ng tatay ni Mariel na sa kanila na matulog. Ngayon, nag-iisa ako. Asar.

Tumawag pa si Mariel para kumustahin ako. Hindi nako nagsinungaling. Sinabi ko na sa kanya na hindi ako sinipot ng mga kausap ko kanina. Pinababalik niya ako sa kanila pero tumanggi nako. Sabi ko patulog narin ako at wag na siya mag-alala pa. Ibinaba ko na ang telepono.

Nagpahangin pa ako ng konti. Naglabas ng tatlong malamig na San Mig at ang binili kong pulutan kanina. Sayang naman kung hindi titikman tutal Pasko naman. Tamang pangpa-antok lang para madali akong makatulog. Baka kasi magdrama pako mamaya mahirap na. Tama na ang lahat ng kabaduyan ko sa buhay.

Nagpatugtog ako ng music. Bahala na kung mabulahaw ang mga kapitbahay.

Mabilis kong naubos ang isa, dalawa at tatlong bote ng San Mig. Hanggang dun lang sana ako pero parang wala lang, parang hindi naman ako tinamaan man lang. Naglabas pa ako ng isa... isang case na. Yun na lahat-lahat ng binili ko kanina. Bahala na kung hanggang saan ako abutin nato kako.

Nakailang lagok pa ako ng naramdaman kong may amats nako, hindi pa naman sagad pero nararamdaman kong nahihilo nako.


"Mukang nag-eenjoy ka na kausap ang sarili mo ah."

"**** sino kaba, ha?!"

Hindi pa naman ako bangag para hindi makakilala ng tao. Nakatayo kasi siya sa madilim na bahagi... sa bandang gilid ng gate kaya hindi ko mamukaan kung sino.

May dumaan na sasakyan. Tinamaan ng ilaw nun ang kanyang mukha.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

Binukas niya ang gate, pumasok siya.

"Para samahan ka." sagot niya habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.

Lumapit pa siya sa akin, sa kinauupuan ko. Tumabi.

"Hindi na. Umuwi kana. Marami akong kasama."

"Sabi ni Mariel wala ka daw kasama."

Itinaas ko ang kamay ko na may hawak ng bote ng alak at sumenyas na umalis na siya. Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at kinuha ang inumin na hawak-hawak ko. Tumungga siya ng isang lagok.

"Anak ng..." sabi ko na pagalit ang tono.

Most Valuable Player:Chapter46


CHAPTER 46

Late kami dumating. Mahigit isang oras din ata yun. Dali-dali kaming pumasok ng restaurant at agad na hinanap sila Kevin. Iilan lang ang nakaupo sa loob kaya madali naman namin sila nakita. Hawak-hawak ko ang kamay ni Mariel, lumapit kami sa kinauupuan nila.

“Hello.” bati ni Mariel. May ilang hakbang pa ang layo namin sa kanila.

Tumayo naman agad si Kevin para salubungin si Mariel, kakamayan sana niya ito pero yakap ang ibinigay ng girlfriend ko. Halata sa mukha niya na namiss niya si loko.

“Kumusta kana? Siya ba girlfriend mo?”

Sweet talaga si Mariel sa mga kaibigan. Lagi mo siyang makikitang nakangiti kapag nakikipag-usap sa iba... laging masaya, nakakahawa kaya ang sarap niyang kasama.

Tumayo naman agad yung girlfriend niya. Nilapitan ni Kevin at hinawakan sa bewang.

“Yes. She's Anne.”

“Hi.” matipid na bati ni Anne. Halatang nahihiya pa.

"Babe, this is Mariel."

Babe amp. Natawa ako.

Nilapitan ni Mariel si Anne, nakipag beso-beso.

“Nice to meet you Anne. You're so pretty.”

“Thank you.”

"Bagay na bagay kayo ni Kevin."

Napangiti yung dalawa.

Inabot ko naman ang kamay ko sa girl friend niya.

"I'm Mark. Mukang nakalimutan nako ipakilala ng boyfriend mo." sabi ko.

Napangiti naman ang lahat maliban sa isa... si Kevin.

"Hello Mark."

Inabot naman niya agad ang kamay ko ng nakangiti at pagkatapos ay nag-aya nakong umupo.

“Kanina pa kayo? Sorry ha. Eto kasi si Mark ang tagal.”

“No. It's okey. Kapapasok lang din namin dito, ten minutes ago.” sabi ni Anne.

“Okey lang talaga kayo dito? Pwede tayo lumipat ng ibang resto if you want.” sabi ni Mariel.

“Okey na dito. Favorite kasi ni Kevin si Jollibee. Tssk.” sabat ko.

Sinipa ako ni Kevin sa ilalim ng mesa ng pasimple.

“Ako pa ituturo mo eh ikaw nga itong nagtext na dito tayo magkita."

Napangiti tuloy yung dalawang dilag na katabi namin. Nahiya naman ako. Bisto!

“Kayo talagang dalawang magkaibigan kahit kailan. Ang dami niyong nalalaman. Tara na umorder na tayo baka hindi pa natin abutan yung last full show. Kasi naman kayo, ang pangit ng time na naisip niyo. Ang dami naman sanang pwedeng oras at lugar.” sabi ni Mariel.

Tumingin ako kay Kevin. “Eh kasi.---”

“Oh ano, ako nanaman ituturo mo?”

Buset nato ah. Bakit kaya ang init ng ulo.

Sinipa ko siya sa ilalim ng mesa gaya ng ginawa niya kanina.

Napatingin si Anne sa baba, sa ilalim.

Imbes na si Huget, si Anne pala ang nasipa ko. Putek nakakahiya! Buti nalang medyo mahina lang ang pagkakasipa ko.

“Nako sorry Anne. Hindi ko sinasadya. Sorry. Sorry. Sorry.”

Tatayo sana ako pero pinigilan ako ni Anne.

“No need to say sorry. Ikaw talaga. Wala yun.”

Nakangiti naman siya. Nagtataka rin siguro sa naging reaksiyon ko.

“Tara na nga Anne. Tayong dalawa na ang umorder. Hayaan na natin yang mag best friend dito.”

“Ano order niyong dalawa?” tanong nila, magkasabay pa.

Napaisip ako. Napaisip din si Kevin ng ilang segundo.

“B3 nalang kami ni Kevin. Double go large.”

Napatingin sakin si Kevin.

Umalis na yung dalawa para umorder. Naiwan kami ni Kevin sa table na magkaharap.

Tinitigan ko rin siya... ng mabuti na parang nang-aasar.

Nagulat nalang ako ng simulan niya ililis ang kanyang manggas pati kwelyo. Ang dami niyang pasa sa dibdib at mga braso.

“Ano ba ginagawa mo? Baka kung ano sabihin ng mga tao, loko.”

“Hindi mo ba nakikita? Yan yung ginawa mo kanina, sa basketball.”

Inililis din niya ng bahagya ang babang bahagi ng kayang polo, may mga pasa rin akong nakita sa bahaging yun ng kanyang katawan. Maputi kasi siya kaya madaling mapansin. Naawa tuloy ako.

“Sorry.” ang tangi kong nasabi.

Umiling siya, ngumiti.

“Buti nalang ikaw si Mark.”

“Oh bakit naman?”

“Ikaw lang kasi ang bukod tanging nanakit sakin ng hindi ko kayang gantihan.”

Patay don! Nahiya ako bigla sa ginawa ko. Naawa ako sa kanya. Nagi-guilty tuloy ako.

“San mo ba napulot este nakilala yung girlfriend mo?”

Tinitigan niya ako ng seryoso. Sablay nanaman ata ako.

"Kahit kailan ka talaga Mark."

"She's nice." bawi ko.

Napangiti naman siya.

"Ex ko."

"Ah."

"Naikwento ko na siya sayo, diba?"

Tumango ako.

“Okey nako Mark. Masaya ako, mas masaya ako ngayon.”

“Edi ayos pala.”

Tumango siya.

“Mark salamat, ha.”

“Para saan?”

“Sa lahat. Sa pagkakaibigan.”

“Para ka naman nagpapaalam niyan. Magkaibigan naman tayo, hindi yun magbabago.”

Umiling siya. Napayuko, medyo nakatago ang mukha.

“Mark.”

“Oh.”

“Kung pipili ka ng isa, sino samin dalawa?”

“Ang hirap naman ng tanong mo. Wala na bang iba. Tssk.”

Pinilit ko nalang tumawa.

“Seryoso. Si Mariel o ako?”

Hindi ko sinagot dahil ayokong magkamali.

“Alam mo bang kung ako ang sasagot niyan... hindi ikaw ang pipiliin ko. Marami pang mas higit sayo sa buhay ko. Marami pang kaibigan ang darating na mas hihigit pa sayo. Seryoso 'to Mark, gusto na talaga kita kalimutan. Ayoko na balikan ang nakaraan Kung ano man ang meron sa atin nuon, wala na yun.”

Ang sakit. Mas masakit dahil sa kanya ko pa yun narinig. Pagkatapos nun ay hindi na kami nag-usap pa.

Ilang sandali pa ay dumating na pala sila, yung dalawa. Kung hindi ko pa naramdaman na tinabihan ako ni Mariel, hindi ko man lang sila mapapansin.

“Mukang seryoso usapan natin ah. Kanina pa namin kayo tinitignan ni Anne mula dun sa counter. Iniisip namin kung ano ang pinag-uusapan niyo.”

“Tara kain na tayo. Gutom na ata ako. Hahaha.” sabi ni Kevin. Masaya na ulit siya, ang mukha niya mukang masaya.

Saglit lang kami kumain. Hindi na halos naubos yung pagkain dahil nagmamadali yung dalawa na manuod ng sine. Last full show kaya hindi pwedeng mahuli kundi sayang lang yung panunuod kasi wala ng kasunod.

Sa maikling oras, naging close yung dalawa. Sila lagi ang magka-kwentuhan at laging nagtatawanan. Madalas ko pa silang nakikitang nagbubulungan habang kami ni Kevin, tahimik lang na nakabuntot sa aming mga kasintahan.

Aalog-alog ang sinehan ng kami ay pumasok. Mabibilang mo lang sa daliriang nakaupo para manuod. Karamihan ay mga magkakasing-irog.

Sa bandang taas, sa gawing gilid kami umupo. May dalawang upuan ang pagitan namin.

Madrama yung pelikula na napili ng dalawa. Walang buhay ang mga eksena. Puro iyakan at salitaan lang.

"Hon, okey ka lang?"

Naka-akbay ako sa kanya habang siya naman ay nakasandal sa aking balikat.

"Oo. Bakit?"

"Kasi mukang malalim ang iniisip mo kanina pa. May problema ba kayo ni Kevin?"

"Bakit mo naman naitanong?"

"Napapansin ko kasi eh."

Hindi ko na siya sinagot. Hinalikan ko siya sa nuo. Mas hinigpitan ko pa ang akbay ko sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa.

Nasa kalagitnaan na halos ng palabas ng biglang lumapit samin si Anne at si Kevin.

"Mariel mauna na kami ha." paalam ni Kevin.

Umayos kami ng upo.

"Maaga pa ah." nagtatakang sabi ni Mariel.

"May pupuntahan pa kasi kami eh. Importante."

"Ganon ba."

"Bye Mariel. Bye Mark. Nice meeting you guys." paalam ng girlfriend niya.

Napatayo ako, hinarap ko si Kevin. Medyo magkalayo sila ni Anne kaya nilapitan ko siya, malapitan.

"Ano problema mo?" mahina kong tanong.

Nag-iinit ako sa galit.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko." mabilis niyang sagot.

Natigilan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinipigil ko ang sarili ko.

"Sige, umalis kana baka hindi pako makapagtimpi sayo."

Tinitigan niya ako. Nagkatitigan kami ng ilang segundo.

Biglang lumiwanag ang screen. Lumiwanag ang mukha niya. Nakita kong nanggigilid ang luha niya.